PALETA
MUSIKA
“
“
VI
Iniluwal siya ng himig at pinalaki ng berso ng awit.
I. Sapagkat sa Musika Lang Tayo Nagtagpo Ang Musikero Maagap siyang nagising. Nasulo sa sikat ng araw na sinusunog ang kanyang balat, na tumagos sa malaki niyang mga bintana. Musika ang nagpa-ikot ng mundo niya. Iniluwal siya ng himig at pinalaki ng berso ng awit. Kilala siya ng marami na hindi naman niya kilala. Sa pagkanta niya inialay ang buhay para kumita ng salapi. Madami nang nakapansin sa kaniya. Hindi magara ang pananamit niya. Sakto lang, pa-humble effect daw. Branded ang damit pero halatang hindi bago. Kinuha sa damitan sa iba’t ibang parte ng malaki niyang mansyon. Araw-araw, gitara niya ang kasama niya. Tumutugtog at kumakanta ng mga awiting kaniyang ginawa. Palipatlipat ng lugar na kakantahan. Nagbabaka-sakaling mahanap ang malaking oportunidad sa mundong mapanghusga. At kasabay nito ay ang paglibot sa buong kamaynilaan. Nangungulila sa pamilya at kaibigang naiwan sa probinsya. Ang Mang-aawit -Puta! Alas-diyes na! May gig pa ako ng alas-dose. Pagkamulat ay wala ng oras kumain. Dumiretso na sa banyo para maligo. Palipat-lipat ng bar at panay na pagko-cover ng mga kanta at ina-upload sa mga social media sites. Musika ang tingin niyang tanging daan papunta sa tuktok kung saan matutulungan siyang patunayan sa mga pamilya at kaibigan niyang sinabing tigilan na ito. Umaabot na ng 100,000+ ang bilang ng viewers niya. Madaming nanunuod sa kaniya sa mga live niya sa internet. Madami nagkakagusto at iniidolo siya sa husay niya sa pag-awit. Pero ang suporta ng mga mahal niya sa buhay lang ang hinahanap niya sa libo-libong likes at puso na natatanggap niya araw-araw. Kahit nasa kwarto ay nag-aayos siya at nagsusuot ng magagandang damit na halatang bago kasi hindi pa siya
62