PALETA
VI
Sandali nating silipin ang kasalukuyan.
“
“
ANG HINDI LUMINGON Ninais pumusyaw ang balat, tumangos ang ilong, tumangkad at mag-iba ang kulay ng buhok. Ninais magmukhang banyaga. Nag-aral, nagtapos, naghangad ng mas malaking kita, nangibang bansa. Naghanap-buhay, kumayod, nangarap magkaroon ng marangyang buhay. Lupang sinilangan, babalikan pa kaya? Bayang pinagmulan, patuloy bang matatandaan? Isang pagsasanib-sanib na dati’y waring imposibleng mangyari ang nabigyan ng pagkakataong maging posible. Ang noo’y pangarap ng maraming Pilipino ay tila abot kamay na natin ngayon. Tila ba noon, ang tanging depinisyon ng Pilipinas ay ang simpleng pamumuhay na mayroong mga simpleng mamamayan. Dumaan ang panahon, sumabay na tayo sa modernisasyon ng ilang bansang nakapalibot sa atin. Dito, nagsimula ang pag-unlad at pagkilala sa ating bansa sa iba’t ibang aspeto at larangan. Bukod sa pagiging determinado at malikhain ng mga Pinoy, nabansagan rin tayong isa sa mga mayroong pinakamahinang pamumuno at isa sa nangunguna pagdating sa korupsyon. Nag-umpisang maging komplikado ang lahat. Ngayon, pinag ugnay-ugnay ang maraming bansa sa kontinente upang malayang mabuksan ang bawat daan sa bawat bayan. Elementarya ako noon nang una akong tinanong ng aking guro. -Paano mo nakikita ang Pilipinas sampung taon mula ngayon? Ano bang dapat isagot ng isang musmos tulad ko noong panahong iyon? Bukod sa mayroon na ako ng mga teknolohiyang cellphones, computers at kung anu-ano pa, marahil may kisame na ang aming bahay at may mas nakababata na akong kapatid. Ito ang natatandaang isinagot ko sa aking guro. Marahil wala pa talaga sa prayoridad ng isipan ng batang nasa ganoong edad ang Pilipinas. Maliban sa ang isang Pilipino ay pango ang ilong, itim ang buhok at kayumanggi ang kulay ng balat, ang isa sa mga namememorya ko ay si Erap pa ang presidente noon at nais siyang ipakulong ng kanyang mga senador. Sandali nating silipin ang kasalukuyan. Mabilis ngang dumaan ang panahon 68