PALETA
VI
-Kaya mo pa ba? Walang tugong umiling ang bata ngunit bakas sa mukha niya ang kanyang pagtitiis. -Ayos lang umiyak paminsan-minsan, anak, tugon ng isang pamilyar na boses na wari’y nanghehele sa tuwing aking naririnig. Agad kong iminulat ang aking mga mata, sabik na makita ang pinagmulan ng tinig. -Handa ka na? -Ha? Ngunit bigo akong makita ito. Muli nitong inulit ang kanyang tanong. -Handa ka na? Bumalik akong muli sa ulirat na parang kakagising lang mula sa isang panaginip, isang masamang panaginip. -Sumunod ka. Tumayo s’ya at diretsong naglakad palayo. -Teka, ni hindi nga kita kilala… Pagkatayo ko’y sa isang iglap, nasa harap na ako ng aming bahay. Isang malaking apoy ang bumungad at sumakop agad sa aking paningin. Sunog. Isang malapad na ngiti ang ibinigay n’ya sa’kin. -Wala ka bang naaalala? Walong taong gulang ako. Wala sa
“
“
SA BAWAT PAGPIKIT
Tinakip ko ang mga kamay ko sa aking mukha at sumigaw ng isang sigaw na walang nakarinig.
bahay sina Mama at Papa, kami lang ni bunso. Mabilis ang mga pangyayari at kasabay na nilamon ng apoy ang buhay ni bunso. Wala akong magawa kun’di ang pumikit. Mariin. Walang nangyari. Wala. -Handa ka na ba? Isang puting kwarto ang nahagip ng aking mga mata sa muli kong pagmulat. Sinundan ng tingin ang galaw ng linya sa makina na sumasabay sa tunog na nagsasabing may buhay pa si Papa. Si Papa, inatake sa puso ng dahil sa akin. Napapikit na lang ako at pinilit alisin muli ang ala-alang matagal ko nang ibinabaon. Walang nangyari. Walang nangyari. Wala— -Malayo ka pa. Kaya mo pa? -Please? Ang maamong mukha ng isang dalaga ang sunod ko namang nasilayan sa muling pagmulat ng aking mga mata. -Niel please, ‘wag mo nang ituloy… Nakabaling ang kanyang mga pagmamakaawa sa taong nasa kabilang panig ng silid. Isang binatang may mga matang tila walang nakikita. Kilalang-kilala ko ito dahil ito ang mukhang bumubungad sa akin sa arawaraw na pagtingin ko sa salamin. 86