6
Tagapagmana Sumasayaw sa saliw ng mga tugma Ang umaawit na makata. Kasabay ng madiing tugtog ng mga tinta Ang pagsawsaw ng pluma. Naglalaro sa haplos ng mga salita Ang namamaos na tinig ng makata, Kasabay ng mapangahas na pagbitaw ng mga kataga Sa nandarayang mga taya. Nadala ng malaking alon ng karagatan Ang mapangahas na makata. Nawala sa pandinig Ang kanyang awit at tinig Ngunit muling uusbong Ang haplos at tugtog ng musika Sa ating mga tainga. Tayo ang magtutuloy ng pag-awit Ng makatang nadala ng karagatan At tinago ng agos Upang hindi na muling masumpungan. P4 LETA