16
“Nagkakagulo lamang sa tuwing papalapit na sila.”
Mamamatay Ako Hindi Para sa Bayan Isang lungsod na naman sa timog ang nababalot sa makapal na usok dulot ng giyera sa pagitan ng mga magkakapatid. Nagkalat ang mga tangke ng militar sa paligid gayon din ang mga sundalo ng gobyerno. Nakabibingi ang putukan ng mga baril. Naroon ako, nakahandusay sa maalikabok na lupa at nababalot sa dugo ang aking puting uniporme. Ako si Jeremy. Labing-anim na taon na akong namumuhay sa isang bayan na matagal nang nilisan ng kapayapaan. Ako’y nasa sekundarya na, sa isang pampublikong paaralan na napag-iiwanan naman ng panahon. Sa landas patungo rito magsisimula at magtatapos ang aking kwento. Mula sa aking kamay, isinilid ko sa bulsa ng aking polo na malapit sa aking kaliwang dibdib ang buong limang piso na bigay ng aking ina. Niyakap ko siya at ako’y nagsimula na sa paglakad patungo sa eskwelahan. Mabato at maalikabok ang daan, wala pa ring pagbabago. Ganito na ito noong magkamuwang ako sa mundo. Ganoon din naman ang aking paaralan. Kulang sa mga libro, sa mga silya, sa mga guro at sa
P4 LETA