22
Sampu Tumingin si Ariel sa orasan. Alasdiyes. Abala ang lahat ng nasa paligid niya. Maingay, magulo, ngunit parang ang lahat ay kontrolado ng bawat isa. Kaunting minuto na lang, matatapos na ang oras nito para sa pamamahinga. Habang nakaupo sa pasilyo sa labas ng palengke nilalasap niya ang isang supot ng tig-sa-sais na tinapay at isang bote ng softdrinks. —Nasaan na kaya ang batang iyon? Ipinikit nito ang mga mata at nagsimula nang magbilang. —Isa… dalawa... tatlo... apat... lima... anim... pito... walo... siyam... — Sampu. ‘Tay, andito na ako. Patakbong lumapit si Joy sa ama habang dala-dala ang natitirang bungkos ng tindang sampaguita. —Saan ka ba nagpupupuntang bata ka? Tingnan mo’t pawis na pawis ka na. —Diyan lang po sa may plaza. Nagbakasakali lang ulit ako roon. Medyo marami-rami kasing tao doon kaya baka makabebenta ako kahit kaunti. Kaagad namang pinunasan ng bimpo ang pawisang likod ng anak. —O s’ya, kumain ka na ba? Heto’t magmeryenda ka na muna. Bumili ka na lang ng makakain diyan. Babalik na ako sa palengke. Mag-iingat ka. —Opo ‘tay. Si Joy ay bunga ng hindi sinasadyang P4 LETA
“Mukhang matumal ang benta niya ngayon.”
bugso ng damdamin nina Ariel at ng ina nito nang minsang malasing sila parehas. Nang ipinanganak si Joy, ibinigay na lang siya sa ama. Hindi tanggap ng pamilya ng babae si Ariel at ang bata. Gayun pa man, labis ang pagmamahal ni Ariel sa anak. Siya lang ang naging katuwang nito sa buhay. Matapos ang trabaho, tulad ng dati, pinupuntahan ni Ariel ang anak sa lugar kung saan ito nagtitinda ng sampaguita tuwing hapon. —Joooy! Agad namang sumagot si Joy sa tawag ng ama at patalun-talon itong lumapit na may malaking ngiti sa labi. —‘Tay, tingnan mo, naubos ko agad ang paninda ko. Binili kasi ng isang mamang malaki at maputi ang lahat ng paninda ko. Tingnan mo, binigyan ako nito at hindi na hiningi ang sukli. —Wow! Talaga? Patingin nga… Isang libo?! Labis na tuwa ang naramdaman ng magama sa natanggap na pera. Minsan lang sa buhay nila ang makatanggap ng ganoon kalaking pera. Para sa kanila, napakalaking halaga na nito. —Nang dahil dyan, bibili tayo ng paborito mong ulam. —Fried chicken? — Oo! At pandagdag na rin ito para sa