75
Hagas Kailangan kong magmadali. Dapat maipasa ko ngayong hapon ang special project. Kung hindi siguro ako nangopya sa removal exam namin kahapon, hindi sana ako aabot sa puntong ito. Nagkapatung-patong na ang kamalasan. Ngayong umaga lang sa akin sinabi tapos gusto niya ay mamayang hapon ko na agad ipasa. Bakit? Kasi uuwi na siya? Wala pa namang Abril. Technically, school days pa rin. Dahil wala ng estudyante rito sa Lucban, sarado na rin ang mga tindahan dito. Ang mga bukas namang tindahan, walang stock. Pesteng buhay ‘to! Darayo na nga lang ako ng Lucena. Sure na may ink ng printer doon.
“Ubos na raw ang ink sa bahay.”
Kuro-kuro
Aga Inip na inip na ako. Gustong-gusto ko nang makauwi. Mahuhuli raw ng uwi si Nanay. May kung anong nangyari sa shift niya. Hindi ko naman naiintindihan ang ganoon. Sasabihin ko kay Boss Enteng na huling pasada ko na sa kanya ngayong araw. Isang oras na lang kasi at darating na si Ineng sa bahay. Wala siyang kasama. Matagal pa man din makapuno ng jeep ngayon. Bakasyon na kasi, wala nang mga estudyante. Ang hirap magtawag ng pasahero. Ang bilin pa naman lagi ni Boss Enteng ay sobrahan ko raw ng tig-isa ang kaliwa at kanan. Kasya naman daw ang labing-tatlo roon, huwag lang may sasakay na mataba.
Hangos Nag-text na si Mayor. Gagamitin na raw niya ang sasakyan. May pupuntahan daw siyang mahalaga. Pero hindi ako tanga. Alam kong pupunta lang P4 LETA