Ang Mabinian Tomo 1 Blg. 1

Page 12

Bilang ng mga mag-aaral ng Dalubhasaang Mabini mula ika-7 hanggang ika-12 na baitang para sa S.Y. 2022-2023

Mabini Colleges, muling nagdaos ng full face-to-face classes matapos ang dalawang taon

Sinimulan nang muli ang full face-to-face classes sa pansekundaryang departamento ng Mabini Colleges noong ika-8 ng Agosto, taong 2022 matapos ang dalawang taong pagsasagawa ng online at modular classes dahil sa pandemyang COVID-19.

Ayon kay Elmer A. Delos Angeles Jr., punong guro ng MCHS, dumaan ang institusyon sa mahabang proseso bago tuluyang ibinalik ang dating paraan ng pag-aaral kung saan ngayon ay mayroon na lamang 20 hanggang 36 na mag-aaral sa bawat silid.

Matapos isagawa ang isang online na sarbey ukol sa full face-to-face na pag-aaral sa Mabini, nakitang lahat ng 20 estudyanteng mula baitang 7 hanggang 12 na sumailalim sa sarbey ay sang-ayon sa ginawang pagbabalik ng

institusyon sa nakagawiang sistema ng edukasyon sa kabila ng pagkakaroon ng pandemya.

Isinaad ni Aldwin Jake Caramoan, isang mag-aaral sa ika-10 baitang sa MC, na siya ay pabor sa full face-to-face classes sapagkat mas mabilis nang nauunawaan ang mga aralin at hindi na nakararanas ang mga mag-aaral ng paghihirap pagdating sa paggamit ng internet.

Sa kabila ng pagsang-ayon ng mga estudyante, may ilan pa ring mga magulang na nangangamba sa kaligtasan ng kanilang mga anak kontra COVID-19 sa loob ng paaralan.

Upang masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante laban sa pandemya, mahigpit pa ring ipinatutupad ang pagsunod sa health protocols tulad ng pagsuot ng mask at social distancing.

Bilang ng mga mag aaral sa Dalubhasaang Mabini sa bawat strand mula sa Senior High School Department

MC, nagkamit ng mga puwesto sa kaunaunahang Perpetualite Student Research

Competition

Ni: Venice Lynyl M. Abarca

Wagi ang mga piling mag-aaral ng Mabini Colleges High School Department matapos lumahok sa kauna-unahang Perpetualite Student Research Competition na ginanap noong ika-30 ng Marso, taong 2023, sa University of Perpetual Help System DALTA, Las Piñas na may temang, “Transitions: Advancing Research in Academic Discipline.”

Nakuha ng mga estudyanteng sina Emmanuel Sanchez, Nathalie Rafael, Samantha Ricci Rosales, at Roman Joseph Gallardo mula sa ika-12 na baitang, pangkat Dalton sa ilalim ng strand ng STEM ang unang puwesto sa parangal na Best Research Paper at Best Presenter at ikalawang puwesto naman sa Best Abstract sa kanilang research title na, “Superworm (Zophobas morio) Biodegradation Characteristics and Tolerability in Disintegrating Selected Hydrocarbon-based Plastic.”

Gamit ang kanilang research title na, “Relationship between Awareness and Implementation of Municipal Ordinance No. 019-2013 (Environmental Code

of Daet, Camarines Norte) in Accordance with R.A. 9003,” inuwi ng mga mag-aaral na sina Rainer Jan Jardin, Laurence Nares, Julianne Emerose Baljon, at Janna Villagracia mula sa ika-12 na baitang, pangkat Rubble sa ilalim ng strand na ABM ang ikalawang puwesto sa Best Research Paper at Best Presenter at unang puwesto sa parangal na Best Abstract.

Sila ay lumahok sa kompetisyon kasama ang kanikanilang mga tagapayo na sina Jonathan Delos Santos, Gail Abasolo, at Maria Consuelo Quindara, ilan sa mga guro ng pananaliksik sa institusyon.

Kabilang din sa ginanap na paligsahan ang mga kolehiyo mula sa departamento ng College of Business Administration and Accountancy na siyang nag-uwi ng ikalawang puwesto bilang Best Abstract at Best Presenter at ikatlong puwesto sa Best Research Paper at College of Nursing and Midwifery ng Mabini Colleges na nakakuha ng unang puwesto bilang Best Abstract, ikalawang puwesto bilang Best Research Paper, at ikatlong puwesto bilang Best Presenter.

Ni: Giane Antonette A. Labarro
LIGTAS
NA EDUKASYON. Aktibong nakikilahok sa klase ang mga estudyante ng Senior High School sa kabila ng banta ng COVID-19, dagdag pa rito mahigpit pa ring ipinatutupad ang pagsunod sa health protocols tulad ng pagsuot ng mask at social distancing. Ika-26 ng Enero, 2023
LARAWAN KUHA NI: John Ivan Daniel L. Pilapil
IMPOGRAPIKO NI: Sophia Renaud R. Sacriz IMPOGRAPIKO NI: Reddick McChester S. Contreras GUHIT NI: Angelica Mae D. Manlangit

Sublime Torch, Ang

Mabinian, nagdaos ng pantas-aral, pagsasanay

Sobrang presyo sa mga laptop ng DepEd, PS-BDM, inanunsyo ng senado

Inilabas na ng Senate Blue Ribbon committee ang resulta ng limang pagdinig kaugnay ng overpriced laptops ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) para sa mga guro noong Enero 19, 2023.

Inirekomenda ng komite ang mga kasong administratibo at kriminal laban sa mga dating matataas na opisyal ng DepEd at ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) hinggil sa pagbili ng mga laptop na ito.

Nais nilang sampahan ng kasong kriminal sina Former Undersecretary Alain Del Pascua, Undersecretary Annalyn Sevilla, Former Assistant Secretary Salvador Malana III, at Director Abram Abanil mula sa DepEd.

Samantala, mula naman sa PS-DBM ay sina dating Officer

in Charge Executive Director Lloyd Christopher Lao, dating OIC Exec. Dir. Jasonmer Uayan, at ang tagapangulo ng Bids and Awards Committee (BAC), Ulysses Mora.

Itinatalang 979 milyong piso ang sobrang presyo ng mga ipinabiling mga laptop ng DepEd sa PS-DBM.

Nasa 12% ng mga biniling laptop ang napunta sa tauhang non-teaching imbis na sa mga guro para sana sa pag-aaral online.

Payo ng Blue Ribbon na ibalik ng mga opisyal ang 979 milyong piso at ilagay sa special national teachers trust fund.

Mula sa 20 miyembro ng komite, 12 senador ang pumirmang pabor sa report habang may hindi pagsang-ayon si Sen. Jinggoy Estrada dahil sa isyu ng pinaburang suplayer.

Ginanap ang tatlong araw na pantas-aral at pagsasanay sa Miguel Rojo Ibana (MRI) Hall ng Mabini Colleges (MC) simula ika-21 ng Setyembre hanggang ika-23 ng Setyembre, 2022.

Isinaayos ng Sublime Torch at Ang Mabinian, dalawang publikasyon ng MC ang Seminar and Workshop on Campus Journalism 2022 na may temang, “New Normal in Campus Journalism: Producing Resilient Journalists in Conquering Societal Changes” sa tulong ng kanilang mga gabay na tagasanay.

Malugod na tinanggap ni Ernesto M. Obing, school paper adviser ng Ang Mabinian, ang mga dumalo sa programa sa kaniyang pambungad na salita.

Opisyal na sinimulan ni Ruel A. Noblefranca, ang Head of Student Affairs ng MC ang pagtitipon sa bating panimula at paghikayat sa mga mag-aaral na mabilang sa publikasyon ng Sublime Torch at Ang Mabinian.

Nilahukan ito ng mahigit 100 mag-aaral sa pansekondarya at kolehiyo ng institusyon upang dinggin ang mga kasanayan sa iba’t ibang paksa ng mga panauhing tagapagsalita.

Sa unang araw ng programa, sinimulan ni Arlyn Guzman ang talakayan sa News Writing at Opinion Writing na sinundan ni Rheuben Rigon: Sports at Feature Writing.

Ang pangalawang araw naman ay sinimulan ni Esther Bolocon: Devcomm, Copyreading & Headline Writing at John Vincent Bucal: Poetry and Journalism.

Sa huling araw ng programa, sinimulan ito ni Ailla Mapa: Editorial, sinundan ni Glenn Paul Binaohan: Layouting, at Jestone Balbaira: Cartooning.

Ang bawat presentasyon ay may patimpalak at itinalaga ang mga nanalong kalahok sa bawat paksang kanilang sinalihan bilang ganap na miyembro ng publikasyon ng MC.

Ni: Ken Rein Samuelle I. Factor

Muling isinagawa ang dalawang araw na Division Senior High School (SHS) Virtual Galing Expo noong ika-14 hanggang ika-15 ng Disyembre, taong 2022.

Nagkamit si Shanella Marie S. Gonzales, mag-aaral ng Mabini Colleges – High School Department ng ikalawang puwesto sa Academic Quiz Bee sa Filipino sa Piling Larang.

Ayon kay Gonzales, nagpapasalamat siya sa kaniyang mga tagapagsanay na sila Mike Harold T. Jalata, Christine Joy G. Bitara, at Ernesto M. Obing at “worth it” daw ang nasabing karanasan.

Ang nasabing pangyayari ay may temang, “Showcasing Helpful Strategies and Extraordinary Performance and

"Bakunahang Bayan 2," inilunsad ng DOH

Inilunsad ng Kagawaran ng Kalusugan (Department of Health) ang “Bakunahang Bayan 2” bilang bahagi ng National PinasLakas Special Vaccination Program Mabini Colleges, noong ika-5 ng Disyembre, taong 2022.

Idinaos ito sa pangunguna nila DOH Undersecretary Nestor F. Santiago, DOH-Bicol Regional Director Dr. Ernie V. Vera, at puno ng Camarines Norte Provincial Health Office na si Dr. Arnel E. Francisco

Naging kaakibat din ng mga nabanggit ang iba’t ibang kinatawan mula sa Provincial Health Office (PHO), Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO), at mga mag-aaral ng MC mula sa departamentong Nursing and Midwifery. Sinimulan ang okasyon sa pamamagitan ng isang maikling programa na pinangunahan ng ilang piling guro mula sa institusyon na sinundan ng pagbibigay mensahe ng Vice President for Academic Affairs ng MC na si Dr. Erlinda J. Porcincula. Bago sinimulan ang pagpapabakuna ng mga mag-aaral mula sa pansekundaryang departamento ng institusyon, nagbigay rin sina DOH Undersecretary Santiago, Dr. Vera, at Dr. Francisco ng kani-kanilang mensahe ukol sa kahalagahan ng bakuna kontra COVID-19.

Ayon kina Santiago, prayoridad ng DOH na mabigyang proteksyon ang mga mag-aaral laban sa pandemya lalo na sa panahon ngayon kung saan nagsasagawa na ng full face-to-face classes ang mga paaralan sa bansa.

Binakunahan at binigyan ng booster ang mga estudyante at gurong nagpalista mula sa Mabini Colleges High School Department sa tulong ng mga kawani ng DOH, PHO, at CNPPO at mga estudyante mula sa kolehiyo ng Nursing and Midwifery matapos ang maikling programa sa Flora-Ibana Campus.

Virtual Galing Expo 2022 , ginanap

Outputs” at ginanap upang ipamalas ang kakayahan ng mga estudyante sa senior high school sa iba’t ibang larangan. Binubuo ang nasabing eksibisyon ng siyam na patimpalak: Academic Quiz sa Filipino sa Piling Larang, Statistics and Probability, Earth and Life Science, kasama rin ang Bread and Pastry Production NC II, Food Beverage Service NC II, Cookery NC II, EIM NC II, CSS NC II, at Showcase and Display Presentation.

Inilabas naman ang kabuuang resulta ng nasabing paligsahan noong Disyembre 27, 2022 ng School Division Office (SDO) ng Camarines Norte sa perma ni School Division Superintendent Nympha D. Guemo.

Resulta ng LET 2022, inanunsyo

Ni: Venice Lynyl M. Abarca

Inilabas ng Professional Regulation Commission (PRC) ang resulta ng Licensure Examination for Teachers (LET) 2022 sa parehong antas ng elementarya at sekondarya noong Disyembre 17, 2022.

Nagkamit ang Mabini Colleges ng passing rate na 57.86% sa elementarya at 60.73% naman sa sekondarya.

Inihayag ng PRC na 49,783 ang pumasa mula sa 91,468 sa elementarya, habang 71,080 mula sa 139,534 naman ang nakuha sa pansekundaryang bilang.

Nakuha nina Baby Patricia Tabamo Bensi at

Maria Catherine Cauba ng Cebu Normal University ang pinakamataas na grado sa antas ng elementarya sa porsyentong 94.60.

Nanguna naman si Jessiree Flores Pantilgan ng University of Mindanao-Panabo sa pansekundaryang antas sa kaparehong marka na 94.60.

Idineklara ng PRC ang Philippine Normal University bilang nangungunang paaralan na may 78 pasado mula sa 82 na kumuha ng pagsusulit.

Ginanap ang nasabing pagsusulit noong ika-2 ng Oktubre, taong 2022 at may tinatayang 34 na silid na ginamit.

Patuloy na pagdami ng biktima ng human trafficking scheme, inimbestigahan ng senado

ni: Althea Denise R. Delos Reyes

Pinasimulan na ng senado ang imbestigasyon hinggil sa pagdami ng mga biktima ng human trafficking scheme ng isang Chinese mafia

Inihayag ni Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality Risa Hontiveros ang ilang mga biktima ng nasabing sindikato.

Ayon sa isang Pilipino na umano ay biktima ng scheme sa Cambodia, ang employer niyang Chinese ay pinilit siyang magsama pa ng ibang mga Pilipino para magtrabaho sa crypto scam operations.

Ayon sa kaniya, ang kanilang pinuno sa recruitment agency na nagngangalang Rachel ay nagbibigay ng suhol at ay may kontak sa immigration officers sa Clark Airport upang makalabas ang mga Pilipino sa bansa.

Dagdag pa niya, nagaganap ang recruitment gamit ang online platforms na nag-udyok kay Hontiveros na ipa-crack down ang social media sites na may kinalaman sa mga scheme.

Inilahad ni Hontiveros na marami pa ring Pilipino ang na-scam kahit na marami na silang nasibak kaya duda pa rin siyang may kontak pa ang sindikato sa loob ng Bureau of Immigration (BI).

Ni: Jamae B. Pelleja ENSAYO SA PAG-IISIP. Tatlong araw na pagsasanay sa mga mamamahayag ng Mabini Colleges na isinaayos ng Sublime Torch at Ang Mabinian sa Mabini Colleges Miguel Rojo
Ni: Ken Rein Samuelle I. Factor
Ibana (MRI) Hall noong ika-21 hanggang ika-23 ng Setyembre taong 2022. LARAWAN KUHA NI: Lanz Francis Gabriel I. Agpalo BAKUNA PARA SA BALIK ESKUWALA. Binakunahan ng mag-aaral mula sa kolehiyo ng Nursing and Midwifery ang mga estudyante at gurong nagpalista mula sa Mabini Colleges High School Department para sa nakatakdang full face-to-face classes. Larawan kuha noong ika-5 ng Disyembre, taong 2022. LARAWAN MULA SA: MCHSD facebook page

MCHS, lumahok sa 7th RIJHS Biosciences Quizbee

Muling lumahok ang Mabini Colleges-High School (MCHS) Department sa Regional Inter-Junior High School (RIJHS) Biosciences Quizbee noong ika-30 ng Marso, 2023 sa Central Bicol State University of Agriculture ng Pili, Camarines Sur.

Nakamit ng unang koponan na sila Marc Terrence Adante, Reddick McChester Contreras, Brian Roll, at Kyla Colleen Dionisio ang ikatlong puwesto sa paligsahan.

Nakaabot naman sa nangungunang 10 ang grupo nila Alden Joshua Caceres, Aldwin Jake Caramoan, Gelian Mojo, at Shanelle Kim Villaflores.

Ginabayan sila ng kanilang tagapagsanay na si Syrom Miranda kasama ang mga gurong sina Jean Berlyn Baldesoto at Arra Grizzel Morico.

Ginanap ang taunang paligsahan sa buong Bicol upang hasain ang interaksiyon at kaalaman sa agham ng bawat kalahok gayoon din ang kanilang mga tagapagsanay.

Pinasimulan ni Darrel M. Ocampo, PhD., Master of Ceremony, ang unang bahagi ng patimpalak sa pambansang awit kasunod ang pambungad na mensahe ni Melinda P. Pan, PhD.

Natamo ng MCHS ang puwesto sa kabila ng 65 bilang ng mga pangkat na lumahok sa buong rehiyon ng Bicol.

MC, inuwi ang una, ikaapat na puwesto sa 2022 Rizal

Oratorical Contest

Nagwagi ang mga magaaral mula sa Mabini Colleges High School Department matapos lumahok sa Oratorical Contest na ginanap sa Camarines Norte Provincial Library noong ika-12 ng Disyembre, taong 2022.

Nakuha ng kinatawan ng MCHS na si Anthonete Nicole Samonte mula sa ika-11 baitang ang unang pwesto sa kategorya ng senior high school habang naiuwi naman ni Aldwin Jake Caramoan mula sa ika-10 baitang ang ikaapat na pwesto sa kategorya ng junior high school.

Idinaos ang kompetisyon na may temang, “Rizalism: A Wellspring of Hope in

77th UN Day, 98th na taon ng MC, ipinagdiwang sa Unang Maharlika Festival

Ni: Khrixia Grace D. Torero

the Midst of Adversities, a Source of Courage in the Quest for Progress” upang gunitahin ang ika-126 na taon ng kamatayan ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal.

Nagbigay pasasalamat ang mga kinatawan ng MC sa kanilang mga tagapagsanay na gurong sina Gwen Dans at Blaise Henry Ilan.

Itinaguyod ng pamahalaang panlalawigan ng Camarines Norte ang nasabing aktibidad sa pamamagitan ng inisyatibo ng Museum Archives, and Shrine Curation Division Information and Education Hub ng probinsya.

Upang ipagdiwang nang sabay ang ika-77 United Nations Day at ang ika-98 na anibersaryo ng Mabini Colleges, binuo ng departamento ng Social Science ng MC ang kauna-unahang Maharlika Festival na ginanap noong ika-10 hanggang ika-12 ng Nobyembre, taong 2022 sa quadrangle ng institusyon.

Pinangunahan ng iba’t ibang organisasyon ng Araling Panlipunan, Social Science, at ng Supreme Student Government ng junior at senior high school ang nasabing kaganapan sa ilalim ng gabay ng mga gurong kabilang sa mga disiplina ng Agham Panlipunan.

Naituloy noong Nobyembre 10 hanggang

12 ang selebrasyon matapos makansela ang orihinal na planong idaos ito noong Oktubre 27-29 dahil sa sunod-sunod na kalamidad na dumating sa bansa.

Lumahok ang mga mag-aaral mula sa pansekundaryang departamento sa mga kompetisyong idinaos tulad ng quiz master, paggawa ng slogan, poster, photo essay, pag-awit,

cultural dance, at cultural presentation na umikot sa temang, “The World in the Face of Global Warming and Climate Change.”

Ayon kay Perlito M. Quindara, tagapagugnay na guro ng sangay ng Agham Panlipunan, mahalagang ipagdiwang ang pagkakabuo ng United Nations sapagkat ito ang nagbibigay kapayapaan sa pagitan ng mga bansa matapos ang sunod-sunod na digmaang naganap.

Dagdag pa niya, malaking karangalan na MCHS ang nauna sa pag-organisa sa PreCentennial na selebrasyon ng institusyon kaya ito ay pinagtulungan ng iba’t ibang samahan ng mga guro at mag-aaral.

Bago natapos ang pagbubukas na programa, nagbigay rin ng kani-kanilang mensahe ang punong guro ng MCHS na si Elmer Delos Angeles Jr., katuwang na punongguro na si Syrom Miranda, at ang Vice President for Academic Affairs na si Dr. Erlinda J. Porcincula.

Eleksyon ng Barangay, SK, suspendido

Ni: Khrixia Grace D. Torero

Opisyal nang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Republic Act (RA) No. 11935 o pagpapaliban ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) noong ika-10 ng Oktubre, taong 2022.

Pormal na sinuspinde ang nakatakda sanang eleksyon sa darating na ika-5 ng Disyembre, 2022, ipagpapatuloy ito sa ika-30 ng Oktubre, 2023 at nakatakdang ulit-ulitin sa bawat pagtapos ng tatlong taon.

Saad ni Pangulong Marcos hinggil sa kautusang ito, “Well, we have sufficient precedent for the postponement of Barangay and SK Elections. Nakailan na tayo. In my time lang in government, I have seen I think four maybe five postponements.”

Ayon pa sa kaniya, nasa kapangyarihan na ng Kongreso ang pagpapaliban sa eleksyon sapagkat hindi ito laman ng Konstitusyon, bagkus ito ay bahagi ng Kodigo ng Gobyernong Lokal.

Naipasa at pinirmahan ang kasulatang ito na House Bill No. 4673 at Senate Bill No. 1306 sa Kongreso noong ika-28 ng Setyembre, 2022.

Nakasaad sa bagong batas na hanggang hindi pa naihahalal ang kanilang mga kahalili ay nakatakdang manatili ang mga kasalukuyang opisyales ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) sa kanilang katungkulan maliban na lang kung sila ay isuspinde.

MCHS, wagi sa Children's Book Writing, Storytelling Competition

Nasungkit ng pangkat mula sa Mabini Colleges

High School Department ang unang pwesto sa ginanap na Children’s Book Writing and Storytelling Competition sa SM City Daet noong ika-24 ng Setyembre, taong 2022.

Binuo ang grupo ng MCHS ng manunulat na si Giane Antonette A. Labarro, isang illustrator na si Ayume L. Paulite, at isang kuwentista na si Aldwin Jake Caramoan.

Sa isang panayam kay Labarro, sinabi niyang ginamit niya ang kaniyang karanasan sa masining na pagkukuwento upang mapanatili ang interes ng mga mambabasa sa kaniyang akda.

“Nagulat ako dahil hindi ako umasang makakakuha kami ng premyo since ‘yun ang unang pagkakataon kong magsulat ng kuwentong pambata,” paliwanag niya.

Ayon naman kay Paulite na siyang gumuhit ng mga biswal na representasyon, maraming naging balakid habang isinasakatuparan niya ang kaniyang papel sa kompetisyon ngunit ito ay nalagpasan niya sa tulong ng kaniyang mga kasama.

“Sobra ‘yung nginig ng tuhod ko, pero no’ng nakita ko silang naka-smile sa akin, sabi ko baka maganda naman ‘yung pagkakabitaw ko kaya parang nawala na rin ‘yung nerves ko no’ng nasa kalagitnaan na ako ng performance,” ani Caramoan, mananalaysay ng nilikhang kuwentong pambata.

Batay sa pahayag ni Caramoan, hindi siya nakaramdam ng pressure galing sa kaniyang mga kasama at ang tanging naging sulirinan niya lamang ay ang kaniyang kaba sapagkat 12 oras lamang ang kaniyang naging preparasyon para sa paligsahan.

Idinaos ang kompetisyon upang maging bahagi ito ng paggunita ng Vinzons’ Day na pinamunuan ng Museum Archives and Shrine Curation Division.

Ginabayan sila ng kanilang coach na si Blaise Henry E. Ilan, isa sa mga guro ng Mabini Colleges Inc., at ni Gwen A. Dans, ang tagapagugnay na guro sa Ingles ng nasabing paaralan.

Ni: Carmela Sienna B. Naval NGITING TAGUMPAY. Bakas sa mukha ng mga guro at mga mag-aaral mula sa Mabini Colleges- High School Department ang labis na kasiyahan matapos masungkit ni Anthonete Nicole Samonte (SHS) ang unang pwesto sa habang naiuwi naman ni Aldwin Jake Caramoan (JHS) ang ikaapat na pwesto sa naganap na 2022 Rizal Oratorical Contest. Larawang kuha noong ika-12 ng Disyembre, taong 2022 sa Camarines Norte Provincial Library. LARAWAN MULA SA: MCHSD facebook page
SINING AT SALAYSAY. Pinatunayan ng pangkat mula sa Mabini Colleges- High School Department na sina Giane Antonette A. Labarro (manunulat), Ayume L. Paulite (illustrator), at Aldwin Jake Caramoan (kuwentista) ang kanilang kahusayan matapos magwagi at makamit ang unang pwesto sa Storytelling Competition. Larawang kuha noong ika-24 ng Setyembre, taong 2022 sa SM City Daet. LARAWAN MULA SA: MCHSD facebook page
SABAY SA MUSIKA. Masayang isinasagawa ng mga kalahok ng Grade 10-India ang kanilang cultural presentation bilang parte ng nagaganap na Maharlika Festival. Larawan kuha noong ika-10 ng Nobyembre, taong 2022. LARAWAN KUHA NI: Niña Yzabelle H. Llovit

Mabini Colleges, may 97.22% passing rate sa 2022 PNLE

Ni: Clark James N. Abihay

Matapos isagawa ang Philippines Nursing Licensure Examination (PNLE) sa testing centers ng National Capital Region (NCR), Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legaspi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga noong nakaraang Nobyembre 12-13, 2022, inilabas na ang resulta para sa naganap na PNLE noong ika-29 ng Nobyembre, taong 2022.

Nakamit ng College of Nursing and Midwifery ng Mabini Colleges ang 97.22% passing rate kung saan 35 mag-aaral ang nakapasa at ngayon ay mga rehistradong nars na.

Pinangunahan ang nasabing pagsusuri ni Board of Nursing Chairman Carmelita C.

Divinagracia, Merle L. Salvani, Zenaida C. Gagno, Leah Primitiva S. Paquiz, Marylou B. Ong, at Elizabeth C. Lagrito.

Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) sa loob ng 24,903 na mga nag-exam, 18,529 (74.40%) ang mga nakapasa. Nanguna sa listahan ng mga nakapasa si Abigail Garganta Ramirez na galing sa Saint Paul University - Dumaguete na nakakamit ng 90.00% na resulta at sinundan ng 89.80% mula naman sa West Visayas State University La Paz. Dagdag ng PRC, lahat ng mga matagumpay na nakapasa sa PNLE ay dapat na magregister at sign in sa Roster of Registered Professionals.

Nanakal na Chinese national, nagwala sa presinto matapos ireklamo

Dinala ang isang Chinese national sa himpilan ng Manila Police District (MPD) noong Enero 29, 2023 pagkatapos atakihin ang dalawang taxi drivers habang papunta sa kaniyang nais na destinasyon.

Kinilala ang Tsino na si Zhang Tianlong, sinasabing inatake niya ang isang driver habang nakasakay sa taxi na nag-udyok dito upang dalhin siya sa pulis.

“Kasi sabi niya alam niya raw ‘yung pupuntahan niya tapos wala, kahit saan kami mapunta, ‘No, no, no.’ ‘Yung metro malaki na hindi niya raw babayaran,” saad ng isa sa taxi drivers.

rin ito pagdating ng kaniyang mga kasamahan. Habang nasa MPD, isang taxi driver naman ang dumating at nagreklamo ng isang insidente dahil pa rin sa nasabing suspek. Nag-book ang Tsino sa isang transport network vehicle service upang dalhin siya sa isang hotel sa Pasay City noong gabi bago ang naunang reklamo.

“Nagwawala na ‘yung ano, ‘yung pasahero, tapos pilit niya na na kinukuha ‘yung kamay ko sa manibela. Nung hindi niya makuha, ‘yun na, sinakal niya na ako,” ayon sa driver. Sinasabing dinala rin niya ang Tsino sa MPD Station 5, iniwan niya ito sa loob ng taxi habang inuulat ang insidente ngunit pagbalik ay wala na ito.

Davao Occidental, niyanig ng lindol

Ayon pa sa kaniya, tila kayang basagin ng Tsino ang salamin sa bintana ng taxi dahilan para siya ay pumunta sa pulis ngunit bago ito ay hinintay muna niyang kumalma ang suspek.

Hindi mapigil ang Tsino sa presinto at naghubad pa ng pantalon, kalaunan ay kumalma

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang magnitude 7.3 na lindol noong Enero 18, 2023 sa malayong parte sa pampang ng Davao Occidental.

Ayon sa PHIVOLCS, naramdaman ang sinasabing lindol bandang ikalawa ng hapon sa layong 352 kilometro, timog-silangang bahagi ng Sarangani at may tinatayang 64 kilometrong lalim.

Iniulat ang Intensity II sa lugar ng Don Marcelino, Davao Occidental; Nabunturan, Davao de Oro; Glan at Kiamba, Sarangani; General Santos City; at Tupi, Santo Niño, Koronadal City, at T’Boli sa South Cotabato.

Samantala, Intensity I naman ang naranasan sa Kidapawan City, Cotabato; Maitum at Maasim, Sarangani; Tantangan, Lake Sebu, Tampakan, Suralla, at Norala, South Cotabato; at Zamboanga City, Zamboanga del Sur.

Ayon sa PHIVOLCS, walang rason upang maglabas sila ng tsunami alert dahil patuloy pa rin nila itong pinag-aaralan ngunit kailangan pa rin ang pagiging alerto.

Inabisuhan din nila ang mga mamamayan sa nasabing lugar na maghanda at maging mapagmatyag sa mga posibleng mangyari tulad ng aftershocks.

Groundbreaking Ceremony , isinagawa para sa pagtatayo ng bagong gusali sa MC

Upang magbigay hudyat sa pagsisimula ng konstruksiyon ng bagong

4-Storey School and Administrative Building sa Mabini Colleges, isinagawa ang Groundbreaking Ceremony sa institusyon noong ika-11 ng Enero, taong 2023.

Pinangunahan ng administrasyon ng paaralan kasama ang mga pinuno ng bawat departamento ang nasabing seremonya upang ipagdiwang ang pagtatayo ng gusali na ayon sa kanila’y magbibigay ng mas mataas na kalidad ng edukasyon sa mga mag-aaral ng Mabini.

Dumalo rin ang mga arkitekto at inhinyerong mamamahala sa proseso ng konstruksiyon na sina

Arch. Jasper Guy Centeno, Engr. Karl Anthony Garcia, Engr. Jaison Madred, Engr. Emmanuel Charvet, at Arch. Jenrey Raña, at ang konsehal ng ikapitong barangay ng Daet

na si Kenneth Bryan Abaño. Ayon kay Marcel

N. Lukban, ang pangalawang pangulo ng MC, ang mga tauhan ng institusyon ay nagagalak sapagkat ang proyektong matagal nang ipinaplano ay maisasakatuparan na rin sa kabila ng mga naging balakid dito.

“One great lift starts with the first step,” dagdag pa ni Dr. Erlinda J. Porcincula, ang Vice President for Academic Affairs ng paaralan.

Ibinahagi rin nila na ang kanilang prayoridad ay ang quality education na dapat

matamo ng bawat mag-aaral na papasok sa MC at kasama rito ang pagkakaroon ng maayos na mga pasilidad at silid na kanilang papasukan sa arawaraw.

Sinimulan ngayong taon ang pagpapatayo ng gusali para sa nalalapit na ika-100 anibersaryo ng institusyon sa tulong ng J.Centeno Design & Construction Project Management Service, Varin Construction & Hardware Supply, Gridline Engineering Services, at Coldplay Co. Ltd.

Kinahaharap ngayon ng Tsino ang singil sa physical injury at estafa para sa hindi pagbayad ng pamasahe.

Factor, wagi sa 2022 Vinzons'

Day: Provincial Oratorical Competition

Ginanap ang Oratorical

Competition bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-112 na anibersaryo ng kapanganakan ni Wenceslao Q. Vinzons Sr. sa Tanggapan ng Panlalawigang Museo ng Camarines Norte noong ika-27 ng Setyembre, 2022. Nagkamit ng unang karangalan ang kinatawan ng Mabini Colleges na si Ken Rein Samuelle I. Factor mula sa siyam na kinatawan ng iba’t ibang paaralan na lumahok sa kompetisyon upang ilahad ang kani-kanilang oratorical piece tungkol sa temang “Wenceslao Q. Vinzons: A Model for Uprightness in Government and Society.”

Nakuha naman ng mga kalahok

mula sa Camarines Norte State CollegeAbaño Campus ang pangalawa at pangatlong karangalan.

Ayon kay Factor, hindi naging hadlang sa kaniya ang maikling panahon na ibinigay upang magsanay para sa naturang kompetisyon sa tulong ng kaniyang tagapagsanay na si Edwin Datan Jr. at tagapag-ugnay na guro ng Ingles na si Gwen Dans.

Matapos maigawad ang iba’t ibang karangalan, nagbigay pasasalamat ang pamahalaan ng Camarines Norte sa mga paaralan at kabataan na lumahok sa kompetisyon.

BBM, inimbitahan para sa kaniyang 3-day State visit sa China

Isinagawa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kaniyang 3-day State visit sa Tsina noong Enero 3 hanggang Enero 5, 2023.

Sinamahan siya nina First Lady Liza

Araneta-Marcos, dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo, Speaker of the House of Representatives Martin Romualdez, Foreign Secretary Enrique Manalo, Finance Secretary Benjamin Diokno, Trade Secretary Alfredo Pascual, Tourism Secretary Christina Frasco, Information and Communications Technology Secretary Ivan John Uy, at iba pang mga punong kagawaran sa iba’t ibang departamento.

Higit sa 10 pangunahing bilateral na kasunduan ang inaasahang lalagdaan sa pagbisita, bilang karagdagan sa higit 100 kasunduan na mayroon na ang Pilipinas sa Tsina, saad ni Marcos sa isang talumpati noong Martes bago umalis patungong Beijing.

Layon ng kaniyang pagbisita ang usapin sa bolster trade, investment ties, infrastructure, development cooperation, people-to-people-ties, at tugunan ang mga isyu sa seguridad ng bawat panig.

“I will be opening a new chapter in our comprehensive strategic cooperation with China,”

pahayag niya.

Dagdag pa niya, tatalakayin niya ang mga isyu sa seguridad sa pulitika sa kaniyang pakikipagpulong kay Chinese President Xi Jinping.

Isinaad ni Marcos na sisikapin din niyang lutasin ang mga isyung ito sa Beijing para sa kapwa benepisyo ng dalawang bansa.

“The state visit is also expected to reaffirm the cordial and neighborly relations between the two countries, ensure continuity in many facets of the bilateral relationship, and chart new areas of engagement.”, ani Assistant Secretary of Philippine Department of Foreign Affairs (PDFA) Neal Imperial sa isang briefing ng palasyo noong nakaraang linggo

Nagsimula ang mga aktibidad ng pangulo noong Miyerkules: sunod-sunod na pagpupulong sa Chairman of the Standing Committee of the National People’s Congress Li Zanshu, Chinese Premier Li Keqiang, at President Xi.

Nilagdaan ni Foreign Secretary Manalo at Top Chinese Diplomat na si Wang Yiang ang mga napag-usapang kasunduan.

Ni: Jamae B. Pelleja PLANO PARA SA PAGBABAGO. Pinangunahan ng mga pinuno ng bawat departamento ang pagbaon ng blueprint sa ilalim ng lupa para sa pasimulan ang konstruksiyon ng bagong 4-Storey School and Administrative Building sa Mabini Colleges. Larawan kuha noong ika-11 ng Enero, taong 2023. LARAWAN KUHA NI: John Ivan Daniel L. Pilapil

Hamon sa Pamamahayag

P inaslang ng dalawang armadong suspek sa isang ambush ang mamamahayag at brodkaster na si Percival Carag Mabasa na mas kilala bilang ‘Percy Lapid’ noong ika-3 ng Oktubre, 2022 sa Las Pinas, Metro Manila. Siya ay isang batikang kritiko nina Pangulong Bongbong Marcos at dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Sa kabila ng posibilidad na ang mga kasong ito ay walang kaugnayan sa pulitika, ito’y nagdudulot pa rin ng pangamba sa iba pang mga mamamahayag. Sa pagpapatuloy ng pagpapatahimik sa kanila ay mas nawawalan ng access ang mga tao sa tunay na kilos ng mga nakatataas. Tunay nga bang demokratiko ang Pilipinas kung gayong pinapaslang ang mga ating mga mamamahayag?

Madalas na inihayag ni Mabasa ang kanyang mga puna kay Marcos at Duterte dahil sa pang-aabuso umano nila sa kanilang mga posisyon sa kanyang programang ‘Lapid Fire’. Maliban sa dalawang pangulo, siya rin ay nagbigay komento ukol sa iba pang miyembro ng gabinete tulad ni Trixie Angeles na dating press secretary. Ayon kay Lapid, hindi alam ng isang vlogger tulad ni Angeles ang tunay na gampanin ng mga taong nasa media.

Kamakailan lamang naiulat ang pagkamatay ng dalawang mamamahayag na sina Rey Blanco at Percy Lapid. Ito ay umani ng negatibong reaksyon mula sa mga tao sapagkat wala pang isang taon ang panunungkulan ni Marcos. Kung hindi gagawa ng hakbang ang gobyerno upang mawakasan ang pagpapakita ng dahas sa kanila ay hindi na makararanas ng pag-unlad ang ating bansa.

Inihayag ng Reporters Without Borders ngayong taon sa press freedom index na isa ang Pilipinas sa mga pinaka nakamamatay na bansa para sa mga mamamahayag. Umabot ang impormasyon ng pagkamatay ni Mabasa sa iba’t ibang panig ng daigdig dahil ito ay sumasalamin sa kawalang hustisya at pagtanggal ng karapatan sa kalayaan sa pamamahayag sa ating bansa. Makikita sa kanyang sinapit kung gaano kadelikado ang pagpili ng ganitong propesyon. Ang mapangahas na pamamahayag at pagsisiwalat ng katotohanan ay may kaakibat na panganib dahil sa mga taong gagawin ang anumang bagay upang maitago ang kanilang mga gawaing may bahid ng korapsyon.

Ang mga pagpatay na ito ay hindi lamang nangyayari sa kasalukuyan. Ayon sa datos mula sa National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), 197 na Pilipinong mamamahayag na ang napatay mula 1986. Pinakamarami ang napatay sa ilalim ng pamamahala ni Gloria Macapagal-Arroyo na may bilang 103. Sa kabila ng pagtatag ng Presidential Task Force on Media Security, hindi pa rin natitigil ang karahasang kanilang nararanasan sa ilalim ng pabago-bagong mga administrasyon.

Bagamat kumpirmado nang ang mga taong sangkot sa pagpaslang kay Mabasa ay walang kaugnayan sa mga opisyales ng gobyerno batay sa balitang inilihad ng ABS-CBN kaugnay ng naganap na ambush, kumbinsido pa rin ang mga mamamayan na ang aktong ito ay ginawa upang patahimikin ang mga mamamahayag at pigilan sila sa pagpapaalam sa buong bansa kung ano ang tunay na nangyayari. Ang karahasang kanilang nararanasan ay nagsisilbing hamon sa kanilang pagsulat at pagbabalita.

Ang mga taong dapat kaagapay ng pamahalaan sa paglilingkod sa bansa ay itinuturing nilang kaaway dahil sa kanilang mga gawaing may bahid ng korapsiyon. Dahil sa takot na idinudulot ng mga pagpatay na ito, nawawalan na ng lakas ng loob ang ibang mamamahayag na imulat ang mata ng mga mamamayan sa katotohanan.

Pag-aani ng Kaalaman, Komunikasyon ang Paraan

Mistulang naging usap-usapan ang bagong batas na isinailalim ng Department of Education (DepEd) sa Executive Order no. 49 s. 2022 na naglalayong pigilan ang pakikipagtalastasan ng mga guro sa kanilang mga estudyante sa mga pampublikong lugar, pati na rin sa social media maliban kung sila ay kaanak.

Ikinababahala ito ng napakaraming estudyante, dahil sa pagkakataong ito akmang labis silang pinagkakaitan ng kakayahan sa pakikipagusap sa kanilang guro. Pang-edukasyon naman ang sadya, kaya bakit ito hahadlangan? Umalma rin ang mangilan-ngilang guro ukol dito.

Sa pagtuturo, may tinatawag na teacher to student relationship at parent to teacher relationship, nangangahulugan na ang ugnayan ng guro at estudyante ay hindi lamang nagtatapos sa loob ng silid-paaralan. Bilang pangalawang magulang ng bata, kinakailangang alam ng guro kung ano ang mga nangyayari sa kaniyang estudyante sa loob o labas ng paaralan, saad ito ng isang guro sa paaralang pansekundarya ng Mabini Colleges Inc. na si Mike Harold T. Jalata. Bukod sa paghahatid ng edukasyon, kaligtasan din ay nais iparating ng mga guro para sa kanilang mga mag-aaral. Hindi nangangahulugan na masama o may negatibong epekto ang relasyon ng isang guro sa kaniyang estudyante.

Pinagtitibay ng batas na ito ang propesyonalismo sa pagtataguyod ng saligang edukasyon para sa mga estudyanteng sumasailalim sa full in-person classes nitong taon. Ngunit hindi rito isinasaad kung paano ang gagawing solusyon para sa mga nahuhuling balangkas ng edukasyon. Maaaring

AMANIKABLE APOLAKI

propesyonal nga ang nangyayaring pagtuturo, ngunit nasaan ang saysay kung hindi matututo ang mga magaaral?

Ayon pa kay Bise Presidente Sara Duterte, na siya ring kalihim ng DepEd, layunin nitong mabawasan ang inklinasyon sa parte ng guro at sa mga krimeng maaaring maganap. “As a teacher, there has to be a line between his or her and the learner. They should not have friendly relations with their learners outside of the learning institution setting because people develop biases when they become friends with someone.” Dagdag pa niya, hindi malaking problema ang pagiging magkaibigan ng guro at ng kaniyang estudyante sapagkat ito ang nagpapatibay ng kanilang samahan sa loob ng paaralan. Ang pagtangkilik ng guro sa mga estudyante ay hindi nangangahulugang hindi ito propesyonal, sapagkat ito pa ang humuhubog sa pagkamakatao ng isang mag-aaral.

Hindi nga maitatanggi na may mga kaso ng intimate na relasyon ng isang guro sa kaniyang estudyante, ngunit may mga paraan naman upang maiwasan ito. Gawing pang-edukasyon lamang ang mga usapan dahil ito naman talaga ang pinakapuntong dahilan. Alamin ang limitasyon sa pakikipagusap sa guro, kahit na sila ay palakaibigan, tandaan na sila pa rin ay nakatatanda at dapat na ginagalang. Huwag maging insensitibo sa mga bagay dahil maaari itong pagmulan ng problema tulad ng hindi pagkakaunawaan.

Ibahin ang relasyon ng guro at estudyante sa iba pang mga relasyon, ito ay normal lamang at kailangan upang maitaguyod ang institusyong pang-edukasyon. Huwag mag-alinlangang makipagusap sa guro dahil isa silang sumusuportang haligi para sa kapakanan ng estudyante. Tanging ang talik na relasyon lamang ang dapat iwasan at hindi ang matinong ugnayan.

1, 2, 3 Asignaturang Filipino

Maraming mga magulang at guro ang nagbigay ng mga iba’t ibang saloobin ukol sa isinusulong ng isang mambabatas na si Senador Sherwin Gatchalian. Kaniyang isinusulong na bawasan ang mga asignatura ng mga estudyante mula sa baitang isa hanggang tatlo nitong ika-22 ng Agosto, taong 2022.

Naniniwala si Sen. Gatchalian na ito ay magiging daan upang matutukan ang mga estudyante sa pagtuturo sa pagbabasa at sa mahahalagang asignatura, at matiyak na maunawaan ng mga estudyante ang kanilang mga aralin. Bagama’t mabuti ang layuning ito, ngunit masasabing maghuhudyat ito ng hindi angkop kung sakaling maisasatupad ito.

Gayon din si Pasig City Lone District Representative Roman Romulo, isang chairman ng komite sa Basic Education and Culture, kaniyang iminungkahi na bawasan ang mga asignatura ng mga estudyante sa baitang isa hanggang tatlo. Ayon sa kanya ay dapat itutok na lamang ang mga asignatura sa pagbabasa, sipnayan o matematika, at sa Good Manners and Right Conduct (GMRC). Magiging mahirap para sa mga estudyante na pag-aralan ang pitong asignatura sa isang araw. Karamihan sa mga estudyante sa mga baitang na ito ay nahihirapan pa sa pagbabasa, pagsusulat, at pagbibilang kaya dapat na masiguro muna na maturuan sila ng husto pagdating sa mga ito at maunawaan ang kanilang binabasa.

Sa kabilang dako, tutol ang ilang mga magulang dito dahil para sa kanila ay mapagiiwanan ang kanilang mga anak sa mga dapat nilang matutuhan sa ibang asignatura sa baitang

isa hanggang tatlo. Maaari din silang mahirapan sa paghahabol ng mga aralin sa ibang asignatura sa pagtungtong sa baitang apat at pataas.

Maging ang ibang grupo ng mga guro ay hindi rin sang-ayon sa panukalang ito dahil magkakalakip-lakip ang mga itinuturong asignatura kaya hindi dapat na bawasan ang mga ito. At kung iisipin ay magkakaroon ng magandang maidudulot at magiging malaking tulong ang pagtuturo sa lahat ng asignatura kapag tumungtong sila sa mataas na baitang.

Kaya naman, ang lahat ng mga asignatura ay dapat na maituro sa baitang isa hanggang tatlo. Upang magkaroon na sila agad ng kaalaman pagdating sa mga aralin na ito at magiging madali ito para sa kanila sa pagtungtong sa baitang apat at pataas. Sa pamamagitan nito ay mahahasa na agad ang kanilang kaaalaman at kahusayan sa ibang asignatura habang nasa mababang baitang pa lamang. Kung hindi naman kakayanin na pag-aralan ang pitong asignatura sa isang araw, dapat itong mahati sa isang linggo. Marapat din na mapunan ang kakulangan sa sistema ng edukasyon at kalidad ng pagtuturo upang mas mapabuti at masiguro na ang bawat mga estudyante ay marunong sa pagbabasa, pagsusulat, at pagbibilang.

Ang lahat ng mga asignatura ay mahalaga dahil ito ay naglalaman ng magagandang aral sa buhay na dapat na matutuhan ng bawat tao lalo na ng mga kabataan. Hindi ang pagbabawas sa mga asignatura ang angkop na paraan upang madaling matutukan ang estudyante sa pagturo sa pagbabasa, pagsusulat, at pagbibilang. Bagkus ay dapat na ayusin ang sistema ng edukasyon sa bansang Pilipinas at kalidad ng pagtuturo at paghatiin lamang ang mga asignatura sa isang linggo.

AMANDA NICOLE T. URBANO & ROAN ASHANETH A. BARLAS | LATHALAIN: ALDEN JOSHUA V. CACERES, KYLA SOPHIA LAGRISOLA, ZYRA S. SACULSAN, CHRISTINE JOY L. ESPINOSA & JULIANNE LORLYN CUSI | AG-TEK: JETHER B. VILLAFRANCA, TYRONE DELOS SANTOS & ALDWIN JAKE CARAMOAN | ISPORTS:

EDITORYAL
Ni: Chris-J D. Ramos
ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG DALUBHASAANG MABINI, PANSEKUNDARYANG DEPARTAMENTO, DAET, CAMARINES NORTE, REHIYON V - BICOL, | TOMO I BLG I | OKTUBRE 2022- ABRIL 2023 ANG MABINIAN PATNUGUTAN |
MGA PANGUNAHING PATNUGOT MGA TAGAPANGASIWA MGA MANUNULAT AT NAG-AMBAG PUNONG PATNUGOT: GIANE ANTONETTE A. LABARRO | KATUWANG NA PATNUGOT: GIAN CARLO S. NAPA | TAGAPAGMAHALANG PATNUGOT: CARMELA SIENNA B. NAVAL | TAGAPAGMAHALA SA PRODUKSYON: ANGELICA MAE D. MANLANGIT PATNUGOT SA BALITA: LOVELY MARIE L. ROSAS | PATNUGOT SA OPINYON: CLARK JAMES N. ABIHAY | PATNUGOT SA LATHALAIN: KLARA MAE CARDINAL | PATNUGOT SA AGHAM AT TEKNOLOHIYA: GEM HILARY P. PENTECOSTES | PATNUGOT SA PAMPALAKASAN: GERRY B. DELA ROSA JR. | PATNUGOT SA PANLARAWANG PAMAMAHAYAG: JOHN IVAN DANIEL L. PILAPIL | PATNUGOT SA PAG-AANYO: KRISTINA CASSANDRA T. GONZAGA | PATNUGOT SA SINING: ANDREA NICOLE B. BURAC | PATNUGOT SA DISENYO: REDDICK MCCHESTER S. CONTRERAS & SOPHIA RENAUD R. SACRIZ BALITA: VENICE LYNYL M. ABARCA, ALTHEA DENISE R. DELOS REYES, KHRIXIA GRACE D. TORERO & KEN REIN SAMUELLE I. FACTOR | OPINYON: JEANELLE FAYE A. GALLEGO, MARC TERRENCE E. ADANTE,
CHRISTOPHER JESUS B. TABANAO, CHRIS-J RAMOS & KARL ANTONI ERA | DIBUHO: ANGELA MAE A. BADINAS, BIEN LOUIS A. ASIS & ABRIEL BALEAN | LARAWAN: NIÑA YZABELLE H. LLOVIT, LANZ FRANCIS GABRIEL I. AGPALO & SIDNEY SHELDAN M. DENUM MGA TAGAPAYO TAGAPAYO: BB. GWEN A. DANS & G. ERNESTO M. OBING | KASANGGUNI: GNG. MARIA CONSUELO S. QUINDARA | PUNONG GURO: G. ELMER A. DELOS ANGELES JR., MM
GUHIT NI: BIEN LOUIS A. ASIS

Pangamba sa Panibagong Hakbang

Ipinabatid ni DepEd Spokesperson Michael Tan Poa na susundin ng Department of Education (DepEd) ang Executive Order No. 7 na siyang pinagbatayan at nagtulak upang mailabas ang DepEd Order No. 048, s. 2022 noong ika-2 ng Nobyembre. Isinasaad nito ang pagpapahintulot sa boluntaryong pagsusuot ng fawwce mask sa loob at labas ng paaralan. Ikinabahala naman ito ng nakararami matapos maipalabas ang nasabing kautusan dahil sa hindi pa rin napupuksa ang Coronavirus Disease (CoVid-19).

Sa patuloy na paglaganap ng CoViD-19 sa kasalukuyan, hindi pa rin mawaglit sa isipan ang mapait na naranasan sa nakaraang dalawang taon ng pandemya. Pangamba ay hindi pa rin nawawala sa ilan. Kaya hindi mawawala ang mga katanungan kung mainam at angkop na nga ba sa panahon ngayon ang pagsakatuparan ng pagpapaluwag ng patakaran sa pagsusuot ng face mask. Isang kasagutan lamang ang sigurado ukol dito, ito ay hindi pa, ayon ang pagluwag ng patakaran.

Nababahala ang karamihan partikular na ang mga magulang, gayon din ang opisyal ng mga paaralan at ilang mga ekspertong pangkalusugan sa pagluwag ng mandato sa pagsusuot ng face mask sa mga paaralan dito sa bansa. Ayon sa Department of Health (DOH), may naitala na halos 4,000 school-aged na bata na tinamaan ng CoViD-19. Ulat ni Health Undersecretary ni Maria Rosario Vergeire sa isang press conference na nasa 3,900 na mga batang nasa paaralan ang nahawaan ng CoViD-19 sa bansa na naitala mula noong ika-1 ng Setyembre hanggang ika-3 ng Nobyembre taong kasalukuyan. Ulat pa ng Education Ministry, humigit kumulang limang milyon sa 27 milyong estudyante sa bansa ang hindi bakunado kontra CoViD-19. Ito ay tanda lamang na mas nararapat at mainam pa rin na gawing mandato ang pagsusuot ng face mask lalo na sa mga paaralan upang makatitiyak ang kaligtasan ng kalusugan ng bawat estudyante at guro sa kabila man ng pagtaas ng kaso ng sakit.

Hindi rin pabor ang Vaccine Expert Panel sa opsyonal na pagsusuot ng face mask lalo na sa pampubliko. Tulad ni Dr. Nina Gloriani, aniya ay bukod sa kakaunti palang ang may booster, hindi

pa stable ang kaso ng CoViD-19 sa bansa, minsan tumataas at bumaba. Nito lamang nakaraang linggo, nakapagtala ang bansa ng 6,346 karagdagang kaso ng CoViD-19 at 243 ang nasawi. May katampatan na 907 sa kaso sa isang araw mula ika-31 ng Oktubre hanggang ika-6 ng Nobyembre, ayon sa DOH nitong Lunes. Hudyat ito na hindi pa napapanahon ang pagluwag sa mandato ng pagsuot ng face mask sa pampubliko lalo na sa mga paaralan, sa kadahilanang patuloy ang pagtaas ng kaso ng sakit at may iilang mga kabataan pa rin ay hindi pa bakunado. Subalit, ayon naman kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na pabor sa batas na ito, dugtong sa kaniyang sinabi, ay nais niyang makaalis na ang bansa sa “state of public health emergency” at naniniwala na nasa pagiging responsable at makakagawa ng informed decision ang mga Pilipino para mapangalagaan ang kanilang kalusugan at protektahan laban sa mga sakit. Hindi naman komportable ang iba sa pagsusuot nito, at nais nila tumulad sa ibang bansa na maluwag ang patakaran sa pagsuot ng face mask sapagkat nais nilang bumalik sa normal ang pamumuhay. Tama naman na nasa ating pagiging responsable ang ating kaligtasan, ngunit hindi magandang dahilan ang hindi pagiging komportable sa pagsusuot ng face mask dahil buhay dito ang nakasalalay.

Hindi ang pagluwag sa mandato ng pagsusuot ng face

mask ang dapat na isagawa ngayon bagkus ay isaalangalang ang kalusugan ng bawat estudyante. Hindi dapat na maging kampante pa sa ngayon sapagkat patuloy pa rin ang pag-angat ng kaso ng CoViD-19 at may mangilanngilan pa ring hindi bakunado. Marapat na munang magdoble ingat at maghigpit sa patakaran at sa pagpapatupad ng health protocols sa mga paaralan upang maging disiplinado at responsable ang mga kabataan o estudyante sa pagprotekta ng kanilang kalusugan kontra sa mga sakit. Wala naman mawawala kung gagawing mandato ito, iyan lamang ay mainam na hakbang upang patuloy ang pagbaba ng kaso ng nagkakasakit.

Subalit, ang pagsasatupad ng opsiyonal na paggamit ng face mask at pagluwag sa mandato ng pagsusuot nito ay hindi sapat na sabihing magandang hakbang tungo sa normalisasyon. Kung nais maisulong ang pagbabago, hindi ba ang nararapat ay mag-doble ingat ngayon para sa kalusugan lalo’t na hindi pa natatapos ang pandemya? Nang sagayon ay patuloy ang pagbaba ang paglaganap ng sakit hanggang sa masugpo ito. Huwag hayaan na maging maluwag at maging kampante ang mga kabataan ngayon bagkus ay ituro sa paaralan na ang mainam na hakbang tungo sa normalisasyon sa hinaharap ay pagiging displinado at maingat sa kasalukuyan.

Balikatan: Para Saan?

K amakailan, pagkatapos ng anim na taon ng pagtigil ng joint military exercises ng bansang Pilipinas at Estados Unidos ay ibinalik na. Ang alyansa ng dalawang bansa ay nag-anunsyo ng kanilang kasunduan na kumpletuhin ang pagtatayo ng limang orihinal na site at magtalaga ng apat na mga bagong site, para sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Ang layunin ng military activity na ito ay kontrahin ang operasyong pandagat ng CCP (Chinese Communist Party sa loob ng West Philippine Sea (WPS). Gayunpaman, hindi rito natuwa ang Tsina at binalaan pa ang bansa laban sa EDCA na nagsasabing “seriously harm” ang bansa. Na hindi katanggap-tanggap lalo na sa mga mamamayang Pilipino.

Sa loob ng maraming dekada, ganap na nakontrol ng Tsina ang mga pangunahing bahagi ng West Philippine Sea (WPS). Nagtatapon din sila ng malaking dami ng lupa at buhangin sa ilang bahagi ng dagat na bumubuo ng mga artipisyal na isla. Ibig sabihin, kahit na sinasabi nilang hindi nila tayo inaapi, kung salungat naman sila sa paglalagay ng mga bagong site ng gobyerno at ng US, at hindi lamang iyon dahil matagal na nilang inaapi ang bansa noon pa man dahil sa kanilang mga nakaraang operasyon. Kaya hindi makatwiran ang panawagan ng CCP (Chinese Communist Party) na itigil ang “Balikatan”.

Bukod dito, ang joint operation ng ‘Balikatan’ ay binubuo ng Naval operations sa Subic, pagtatayo ng mga pasilidad para sa mga patrol vessel at pag-iimbak ng mga baril. Sa Fuga Island, nais nilang palawakin ang kasalukuyang detatsment ng hukbong-dagat para sa marine at air operations. Ganoon din sa Busuanga at Balabac Islands, at sa Northern Luzon at Palawan.

Kahit na alam ng mga Pilipino na ang US ay may mga nakatagong intensyon, tulad ng alam ng lahat, gusto nilang ang bansa Pilipinas ang maging unang linya ng depensa. Ngunit ang bansa ay may katulad na pagtatalo gaya ng US, ang kanilang sama ng loob para sa CCP sa nakalipas na ilang taon sa Vietnam War at Korean War. Walang dahilan ang bansa para tumanggi dahil sapat na silang na-bully ng China.

Samakatuwid, ang bansang Pilipinas ay walang magagawa kundi ang bumuo ng isang alyansa sa gobyerno ng US para sa parehong pagpapabuti ng strategic point at makatwirang mga dahilan para dito. Bagama’t makabubuting huwag gawing kumplikado ang mga bagay laban sa Tsina ngunit, wala silang magagawa kundi palakasin ang kanilang mga depensa. Para sa pag-iyak ng CCP para makuha ang ilang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas, panahon na para lumaban ang mga Pilipino.

Gobyerno Laban sa Pandemya

BATHALA MAYARI

This is a well-calculated move from the government, pinag-aralan ng mga eksperto but at the end of the day, ang pakikiisa pa rin ng ating mga kababayan at iba’t ibang sektor ang ating kailangan,”

-Department of the Interior and Local Government, Secretary Benjamin Abalos Jr.

Ipinagbigay-alam sa publiko ang pagpirma ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa Executive Order No. 3, kung saan ito ay umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa taongbayan. May mangilan-ngilang tao na nabahala nang inilabas ang EO No. 3 na nagpapahintulot ng hindi pagsusuot ng face masks sa labas ng mga establisyemento at hindi mataong lugar.

Hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng labis na pangamba ang mga tao dahil sa pandemya, kung saan talamak pa rin ang kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19, ang pagpapatupad nito ay nagdulot ng pag-aalala ng mga tao. Sa kabilang dako, ito ay isang magandang pahiwatig na malapit na ang pagtatapos ng pandemya, kaya naman lumuluwag na ang mga batas tungkol dito.

Ilang mamamayan naman ang patuloy na nangangamba sa pagpapatupad ng boluntaryong pagsuot ng face mask sa mga piling lugar ay maaaring maging dahilan ng pagtaas muli ng kaso ng COVID-19. “Bakit tatanggalin ang mask, ang daming pakalat-kalat na virus ngayon, napakadelikado, paano naman kaming mga madaling mahawaan ng sakit?” Hinaing ni Althea Denise Delos Reyes, isang mag-aaral mula sa Mabini Colleges Inc.

Ayon naman kay Press Secretary Trixie CruzAngeles, ang mga taong immunocompromised, seniors, o hindi kumpleto sa bakuna, sila ay kailangan pa rin na gumamit ng face masks. Dagdag pa rito, ang mga dating health protocols ay kinakailangan pa rin sundin upang maiwasan ang

pagkakahawa ng sakit. Kaya naman hindi dapat mangamba ang mga mamamayan kahit na nagkaroon ng maliit na pagbabago sa batas.

Ang Executive Order No. 3 ay isa sa mga polisiya na kanilang ipinatupad upang makita kung ang mga protokol na ito ay nakatutulong sa bansa at kung ano pa ang mga kailangan nilang gawin upang mas maging epektibo ito. Ani ni Cruz-Angeles, ito ay ipinatupad dahil ang bansa ay tinatayang abot 6% na lang ang layo sa ‘wall of immunity’. Ito ay isang hakbang upang mas mapabilis ang pagkawala ng virus sa ating bansa.

Karamihan sa mga taong-bayan ang nababahala dahil sa ordinansang ito at sa mga kaakibat na epekto nito. Ngunit kung ito ay iisiping mabuti, ito ay makatutulong din dahil ito ang magiging daan upang makapaglatag pa ng mas epektibong mga batas ang pamahalaan. Hindi rin ito dapat pangambahan dahil mayroon pa ring mga limitasyon ang ordinansang ito, kagaya na lamang ng patuloy na pagpapatupad ng social distancing.

Sa loob ng dalawang taong paghihirap dahil sa pandemya, ang pamahalaan ay patuloy na naghahanap ng solusyon upang maging maayos na ang problema ng bansa patungkol sa mga kasalukuyang problema. Kaya naman kinakailangang matuto at makipagtulungan upang mas maging epektibo ang mga batas at ordinansang ipinatutupad para sa kapakanan ng bansa.

Ni: Marc Terrence E. Adante
MAPULON
Ni: John Ivan Daniel L. Pilapil Ni: Jeanelle Faye A. Gallego

IDIYANALE

“Discipline and Nationalism can be taught in more effective ways.

Marching and rifle drills did not teach us those things. I do not see the need for it to be mandatory since I don’t believe it has positive effects on the youth. If ROTC will still be implemented, it should be atleast be by choice.”

Pagbabalik ay Iurong, Pagbabago ang Isulong

Isang panukalang batas ay muling nasa kamara ng mga kinatawan na naglalayong muling buhayin ang Mandatory Reserve Officer Training Corps (ROTC). Isinusulong ni Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Teves Jr. ang House Bill No. 4500, o mas kilala sa ROTC Act of 2022. Ito ay nag-uutos sa institusyonalisasyon ng pangunahing kursong ROTC sa baitang 11 at 12 sa lahat ng institusyong pang-edukasyon sa Pilipinas. Ito ay nagbunga ng maraming reaksyon at opinyon mula sa mga magulang at estudyante ukol dito.

Nakababahala ang pagpapabalik ng

Mandatory ROTC sa bansa dahil sa pangamba na baka magkaroon muli ng hazing at korupsyon. Hindi mawaglit sa isipan hanggang ngayon ang kontrobersyal na isyu ukol sa pagpaslang kay Mark Welson Chua, isang UST Student, nang dahil sa paglantad ng korupsyon sa ROTC noong taong 2001. At kung iisipin, ay hindi rin naman lahat ng mga kabataan at estudyante ay may maayos na kondisyon ang pangangatawan.

May mga ilan ding nagpahayag ng kanilang pagsang-ayon sa Mandatory ROTC, dahil para sa kanila sa pamamagitan nito ay mahahasa ang mga kabataan na laging maging handa, disiplinado, at mapagmahal sa kapwa at bayan. Isa rin si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. o PBBM, ang pabor dito. Nabanggit niya sa SONA 2022 ang pagbibigay ng prayoridad at pagpapatupad ng Mandatory ROTC sa mga baitang 11 at 12. “The aim is to motivate, train, organize, and mobilize the students for national defense preparedness, including disaster preparedness and capacity building for risk-related situations.”

Sa kabilang banda, tutol ang ilang mga

magulang sa pagbabalik ng Mandatory ROTC. Ayon kay Anthony Santos, isang magulang at ordinaryong mamamayan, hindi siya pabor sa pagpapatupad ng Mandatory ROTC program dahil ito ay maaaring maging sanhi ng mga dagok pang-edukasyon. Nakababahala talaga sapagkat may posibilidad na magkaroon ng masamang dulot ito sa buhay ng mga estudyante at mangyari ulit ang mga kontrobersyal na pangyayari sa ROTC.

“Paano naman ang ibang estudyante na may hika, sakit sa puso, bawal mapagod, at may kapansanan? Ire-required din ba silang isali dahil mandatory ang ROTC?” hinain ni Lyn Festin, isang mag-aaral ng ika-10 baitang. Dapat din na bigyang pansin ito ng pamahalaan dahil hindi lahat ng estudyante ay may mabuting kondisyon ang kalusugan at pangangatawan.

Mas magiging mainam kung hindi gagawing Mandatory ang ROTC. Ito ay dahil magkakaiba ang dahilan, sitwasyon, at kondisyon ng bawat estudyante, at ito ay dapat na maintindihan ng pamahalaan. Hindi masama ang pagkakaroon ng ROTC, ngunit dapat na baguhin lamang ang maling sistema at gawing mas maayos at mas mapabuti ang ROTC Program upang ang bawat estudyante ay makasisigurong nasa mabuting kalagayan.

Ang pagkakaroon ng Mandatory ROTC ay may mga maganda at masamang epekto. Ngunit, marapat lamang na huwag ito ipilit sa mga estudyante. Ang mga nangyaring kontrobersyal sa ROTC ay dapat na magsilbing aral ito upang hindi na maulit muli sa kasalukuyan ang mga kamalian ng nakaraan, bagkus ay dapat na magkaroon ng pagbabago upang gawing mas mainam at mabuti ang sistema ng ROTC Program.

DIAN MASALANTA HANAN

Balik Eskuwela: Handa Ka Na Ba?

Naging ligtas ang isinagawang face to face classes sa paaralang pansekundarya ng Mabini Colleges nitong ika-8 ng Agosto, 2022. Gayunpaman, may mga estudyanteng umalma na maaaring lumala ang kaso ng COVID-19 (Coronavirus Disease) kung patuloy na magsasagawa ng klase sa loob ng paaralan.

Nababahala ang ilang estudyante ng Mabini Colleges sapagkat kalat pa rin ang mga kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Camarines Norte. Hindi nila nasisiguro ang kanilang kaligtasan kung sila ay papasok lalo na at hindi maiiwasan ang kumpulan ng mga estudyante sa mga pampublikong lugar at paaralan ngayong isinasagawa ang pagbabalik sa tradisyonal na paraan ng pag-aaral. “Babiyahe ako, papasok ako, bibili ako sa canteen, uuwi ako, puwede kong madala ang sakit sa pamilya ko, mas okay pa ang online class”, ayon sa isang estudyante ng Mabini. Hindi maiiwasan ang takot na mahawaan ng sakit, ngunit kung sumusunod naman sa patakaran ng Department of Health (DOH) na tumalima sa Safety Protocols ay nakatitiyak na napakababa ng tiyansang magkaroon ng hawaan ng sakit.

Ayon sa DOH, kanilang sinusuportahan ang pagtaguyod ng Commission on Higher Education (CHED) na muling tanggapin ang mga estudyante sa loob ng paaralan. Isinaad rin nila na 77% ang mga estudyanteng sumailalim sa opsiyonal na pagpapabakuna kontra COVID-19 at 90% naman ang mga nasa Higher Education Institution (HEIs) kung kaya’t maliit ang tiyansa na magkahawaan ang mga estudyante kabilang na ang mga guro. Ngunit hindi ito labis, sapagkat ang inaasahan ng nakararami ay mabakunahan ang lahat ng estudyante, lalo na ang mga may edad na 18 at pababa upang siguruhin ang kani-kanilang kaligtasan.

Kalayaan Para sa Pananamit, Pagbigyan

Ni: Roan Ashaneth A. Barlas

Patuloy ang hindi kaaya-ayang diskriminasyon sa bansang Pilipinas laban sa mga kasapi ng LGBTQ+ (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, +) community, lalo na sa kontrobersyal na isyu sa pagsusuot ng mga kasuotan at iba pang mga bagay na sumasalungat sa kasarian ng isang indibidwal o mas kilala bilang crossdressing. Ang ganitong uri ng suliranin ay hindi maiiwasan kahit saan pang dako ng mundo, ito ay napaka-karaniwan sa ibaʼt ibang lugar pati na rin sa bayan ng Daet.

Isang puna ni Rica Mae G. Lotino na isang mamamayan ng Daet na gusto lang naman nilang ibahagi ang kanilang kasiyahan sa pagiging matapat sa kanilang sarili kung sino ba talaga sila. Nilinaw pa niya na tanging diskriminasyon at bigong maintindihan ang kanilang pagkatao ang siyang humahadlang lamang sa kanila, at hindi naman nakaaapekto sa kanilang pag-aaral ang pagsuot ng damit ng kabilang kasarian. Sa gitna ng napakahirap na sitwasyong kanilang kinakaharap, kanilang pinagsisikap na sila ay maging isang kontribyutor sa pamayanan at umaasang maging normal ang tingin sa kanila.

Bawat isa sa atin ay may kaniyakaniyang paraan kung paano natin ipahayag

“Yes, you are free to dress however you want, but people’s gender expression is not a source of entertainment. Not when so many people still face discrimination for it,” -Pres. Of The Student Government, Giorgina Escoto, De La Salle University

ang ating sarili, ang iba ay binabahagi ang kanilang mga karanasan at ang iba naman ay nagmumukmok na kailangan nating mapansin. At para sa mga kasapi ng LGBTQ+, ang crossdressing ay isang paraan upang ipakilala sa pamayanan kung sino ba talaga sila. Animo ay tinanggalan ng karapatang maibahagi ang kani-kanilang sarili kung hindi normal ang tingin sakanila ng nakararami.

Napakaraming mamamayan ang sumasalungat sa karapatang pantao na ito at sila rin mismo ang parte ng mapanghusgang lipunan, sapagkat labag ito sa kanilang paniniwala. Sa kanilang kaisipan ay taliwas ang mga ganitong bagay tulad ng: same sex-marriage, cross-dressing, at iba pa. Para sa kanila isa itong pagkakasala sa mata ng tao at sa mata ng Diyos. Pagbabalatkayo ang ganitong uri ng kaisipan, napakamaling sabihang mali ang isang tao dahil lamang sa kanilang pagkatao, dahil lumalabag ito sa pagkamakatao. Ngunit hindi baʼt paglabag sa pagkamakatao ang panghuhusga ng kapwa?

Sa akin ay wala naman talagang masama sa pagsusuot ng damit na salungat sa iyong kasarian, ito na rin ang pinagmumulan ng tiwala sa sarili at nakabubuti ito para sa mga mamamayan dahil kanilang naihahayag

Tiniyak naman ng Mabini Colleges na ang mga guro at estudyanteng papasok sa kanilang paaralan ay Fully Vaccinated o sumailalim sa una at pangalawang dosis ng bakuna. Maingat ding isinasagawa at binabantayan ng paaralang ito ang mga Safety Protocols upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral at mga guro. Magiging payapa ang saloobin ng mga estudyante, maging ang kanilang mga magulang kung patuloy ang ganitong angkop na pagpapatakbo ng paaralan sa ganitong sitwasyon ng bansa.

Hindi maiiwasan ang pangamba ng mga kabataan at maging mga magulang sa isinasagawang face to face classes sa bansa, dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Hindi naman maitatanggi na mas mabisa ang ganitong uri ng pag-aaral kumpara noong nakaraang dalawang taon ng 2020 hanggang taong 2021 sa kontrobersyal na Online Classes at Modular Learning. Mas mapapabuti nang husto ang sitwasyon ng edukasyon sa paraan ng pagpasok mismo sa mga paaralan.

Sa nakaraang dalawang taon ng pandemiya, may mga nakapagbigay na ng mga proseso sa pag-aangkat ng kaligtasan. Gayunman ay isa lamang ang mabisang solusyon sa pandemyang ito, ang pagtugis sa kaso ng COVID-19 at wakasan ito sa pamamagitan ng pag-implementa ng sapilitang pagbabakuna sa lahat ng tao. Subalit, salungat dito ang batas na naglalaman na maaari lamang hikayatin ng mga employer ang kanilang empleyado na magpabakuna ngunit, ang isang empleyado na ayaw pa magpabakuna ay hindi dapat makaranas ng diskriminasyon, saad sa Republic Act No. 11525. Dagdag pa rito ay hindi dapat gawing pangangailangan ang Vaccination Card sa paghahanap ng trabaho. Sa ngayon, ang pagsunod muna sa mga Safety Protocols ang pinakamakamabisang pagtulong sa pagpupuksa nitong pandemya.

Nakasisiguro na ligtas ang lahat ng mga nabakunahan, ang paaralan ng Mabini Colleges ay bukas para sa pagtaguyod ng kaligtasan ng mga estudyante; sa katunayan, sila pa rin ay nakikipagtulungan sa DOH kaukulan sa mga batang hindi pa nababakunahan. Huwag mabahala sa kaligtasan sa loob ng mga paaralan dahil ang mga silid ay nakasisigurong ligtas at sumusunod sa lahat ng patakaran ng DOH sa muling pagbubukas ng mga eskuwelahan.

ang kanilang sarili. Ito rin ay isang mental na kalakasan; sa pagsuot ng damit ng salungat na kasarian, maipapakita rito ang totoong kalikasan ng tao. Napakaraming tao ang hirap na maihayag ang kanilang sarili, sa iba ito ay isang hamon, at minsan nama’y takot silang mahusgahan ng tao dahil sa kanilang piling kasarian.

Napakababa ng mentalidad ng mga

hindi tumatanggap sa mga ganitong uri na isyu sapagkat hindi ito makatao at labag ito sa moral na batas. Nararapat lamang na itigil na ang pagiging bulag at ignorante ng mga mamamayan sa usaping ito. Sana ay mamulat sa bagong reyalidad ang mga ito upang maging pantay-pantay ang tingin ng lahat sa mga tao. Ang diskriminasyon ay nararapat na mawaksi at maging bagay na lamang sa nakaraan.

Ni: Giane Antonette A. Labarro GUHIT NI: ANGELA MAE A. BADINAS

AMAN SINAYA

Benepisyong Hatid ng Parusang

Kamatayan

M uli na namang isinusulong ang parusang kamatayan sa kamara na maituturing isa sa mga anyo ng parusa sa korte ng Pilipinas. Eksklusibo ito para sa mga malalang kaso tulad ng panggagahasa, pagpatay, lalo na sa paggamit ng ilegal na droga. Ngunit, maraming dapat isaalangalang sa pagpapatupad ng parusang kamatayan dahil sa maaaring mga maging epekto nito sa larangan ng lipunan at hustisya, lalo na at masasabi nating hindi pantay ang paghataw ng hukom sa mga nagkakasala.

Karamihan sa mga Pilipino ay kontra sa parusang kamatayan. Sa kabutihang palad, salungat din ang karamihan sa mga opisyal ng gobyerno. Ang mga taya ng pagkakaroon ng ganitong uri ng parusa ay hindi lamang makakaapekto sa mga lokal kundi pati na rin sa mga usapin sa internasyonal na korte.

Una, hindi ito ganap na humahadlang sa mga krimen, walang ebidensyang nagpapakita na ang pagkakaroon ng parusang kamatayan ay pipigil sa mga tao na gumawa ng krimen, ito ay sa halip ay kabaligtaran. Sinabi ni NUPL (National Union of Peoples’ Lawyers) Chairman Neri Colmenores na bumaba ang crimerate mula 2010 hanggang 2012 nang walang death penalty. Ipinahayag din ng Philippine National Police (PNP) na bumaba ang crimerate mula 2017 sa kabila ng liban sa pagbitay sa mga nagkakasala sa panahong iyon.

Pagkatapos, pangunahing ita-target nito ang mga taong nabubuhay sa kahirapan dahil kulang sila sa kakayahan para ipagtanggol ang kanilang sarili. Pati na rin ang mga minorya at marginalized na grupo dahil sila ay itinuturing mahina sa lipunan. Bilang sa kasalukuyang imperpektong sistema ng hustisya

sa bansa, ang mahihirap ang higit na magdurusa. Ipinapakita ng mga datos na karamihan sa mga itinuturing bilanggo ay kabilang sa mahihirap. Ang mayayamang nasasakdal gayunpaman ay maaaring magsabit ng mga pribadong abogado.

Pagkatapos ng lahat ng iyon, may isang kasunduan sa Second Optional Protocol sa International Covenant on Civil and Political Rights na tahasang nagbabawal sa pagpapatupad sa mga bansang nag-apruba sa kasunduan. Sinabi ni William Schabas, isang eksperto sa internasyonal na batas na kung aaprubahan ang parusang kamatayan ay nangangahulugan na ang bansa ay iuurong na para sa mga susunod internasyonal na kasunduan dahil mamarkahan ang Pilipinas bilang hindi makasunod sa mga tuntunin. Isipin na lamang ang bansang North Korea na nagpapahintulot ng pagbibitay sa kanilang estado sa kanilang tanging pamamahala.

Kailangang pagbutihin pa ng bansa ang sistema ng hustisya nito bago sila gumawa ng mga naturang desisyon. Ang parusang ito ay magsasagawa ng pag-aalsa laban sa gobyerno. Mistulang magiging mahihirap laban sa mayayaman. Dapat silang mag-alinlangan muna bago payagan ito, isipin ang mga kahihinatnan, at mga resulta. Ngunit ang ilang mga mambabatas ay iginigiit na palakasin ang parusang kamatayan kahit alam nila ang mga epektong mararanasan ng bansa. Sa tingin nila ito ang magpapatibay sa sistema ng batas ng bansa ngunit hindi. Ito ay hindi kailanman makakapigil sa mga krimen, ito ay magsasagawa lamang ng mga parisan ng mga problema na hindi pamilyar sa bansa. Ang imperpektong sistema sa larangan ng hustisya ay magreresulta ng mga problemang magtatatak sa kasaysayan.

Pagbabago ng Pangalan, Pagbabaluktot ng Kasaysayan

I sang panukalang batas ang isinampa sa Kamara ng mga Kinatawan na nagmumungkahing palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport ( NAIA ) at gawin itong Ferdinand E. Marcos International Airport.

Ayon sa House Bill 610 na ipinanukala ni Negros Oriental Representative Arnolfo Teves, binigyang-diin ang pangangailangan na isunod ang pangalan ng paliparan sa taong nag-ambag sa ideya at pagpapatupad ng nasabing marangal na proyekto – na tumutukoy sa yumaong pangulo na si Ferdinand Marcos Sr.

Subalit, ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), ang paliparan ay naipatayo noong 1953 at nakumpleto pagpapatayo ng control tower pati na ang terminal building noong 1961. Ibig sabihin, nabuo na ang nasabing paliparan bago pa maupo sa pwesto si Marcos noong taong 1965.

Patunay ito na ang rason o katwiran sa pagpasa ng nasabing panukalang batas ay hindi ibinase sa katotohanan, kung hindi nakatuon lamang sa interes ng iilan.

Matatandaang pinalitan ang pangalan ng Manila International Airport ( MIA ) bilang NAIA sa bisa ng Batas Republika Blg. 6639 noong 1987, alinsunod pangalan ng yumaong asawa ni dating pangulong Corazon Aquino na si Ninoy Aquino Sr. na

Kapos Sa Sikmura

Ni: Gem Hilary P. Pentecostes

Ang ₱310.00 na minimum wage sa rehiyong Bicol ay hindi pa rin husto upang mapunan ang pangangailangan ng mayorya sa ating mga kababayang nagtatrabaho sa pamahalaan man o sa pribado. Kinakailangan ng karagdagan sa minimum wage kasabay ng walang humpay na pag-akyat ng halaga ng mga bilihin.

Kung ating tatanawin, hindi lamang kumakalam na sikmura ang kinakailangang tugunan ng bawat pamilya sa araw-araw. Ang mataas na singil sa tubig at kuryente, gastusin sa pamasahe, sabon, at gamot ay hindi sapat sa katiting na sahod na natatanggap. Ang iba naman ay kinakailangang mag-impok para sa matrikula ng kanilang mga anak.

Nang dahil sa kanilang pagtitipid sa paggasta, kadalasan ay wala na silang ibang magawa kundi ang magtiis na lamang sa pagbili ng mababang kalidad ng mga produkto at pagkain dahil sa mas murang presyo nito. Kadalasan nama’y kapos pa sa kanila ang pagkain sa isang araw. Bukod dito, wala ring naitutuon para sa kanilang kagustuhan dahil parating pangangailangan ang kanilang tinutugunan.

Nawa ang ating pamahalaan ay magbigay ng kaukulang aksyon ukol sa usaping ito. Nararapat na magtamo ng karagdagan sa minimum wage sa rehiyong Bicol at gumawa ng daan tungo sa pagpuksa ng implasyon.

Hindi lahat ng tao ay may magkakahalintulad ang estado sa buhay, may naka-aangat at may mga hikahos sa buhay. Mahirap man ang iba ngunit tulad ng mayayaman ay may mithiin sila, ang matamasa ang kaginhawaan sa buhay. Matatamasa nila ito kung saan natutugunan nang husto, hindi lang ang kanilang pangangailangan pati na rin ang kanilang kagustuhan. Ang pagkakaroon ng karagdagan sa minimum wage ay malaking tulong sa mahihirap na magkaroon ng sapat na sahod na sasagot sa kanilang nais at kailangan sa buhay.

binaril sa paliparan.

Ang pagpaslang kay Ninoy ang nagpaalab sa damdamin ng mga Pilipino para makalaya sa rehimeng Marcos. Nagsagawa ng sunodsunod na kilos-protesta hanggang sa makalaya ang buong bansa sa diktadurya.

Maraming mambabatas, kabilang na si Albay 1st District Representative Edcel Lagman, ang tumutuligsa sa pagpapaapruba ng panukalang batas. Giit ni Lagman, ang pagbabago ng pangalan ng nasabing paliparan ay maituturing na historical revisionism o pagbabago ng mga pangyayari sa kasaysayan na pabor sa kasalukuyang administrasyon. Dagdag pa niya, lubhang napakahalaga ng pangalang ito upang maipadama ang pagkilala hindi lamang sa katapangan ni Aquino, na kilalang kritiko ni Marcos, kundi pati na rin sa pagiral ng bayanihan sa puso ng mga Pilipino upang makamit ang demokrasya.

Samantala, pinangatawanan naman ni Senador Juan Miguel Zubiri na nararapat ibalik ang paliparan sa orihinal nitong pangalan na Manila International Airport (MIA). Sa pamamagitan nito, maipapakita na walang tayong anumang panig na kinakampihan at maiiwasan ang panibagong pakikibaka sa pagitan ng dilaw at pula.

Sa loob ng maraming taon, maituturing ang NAIA bilang isa sa hindi kaaya-ayang paliparan sa buong

mundo pagdating sa imprastraktura, serbisyo at pasilidad nito.

Anuman ang pangalang ipagkaloob dito, mananatili pa rin ang kasalukuyang kalagayan at ang sistemang umiiral dito. Sa halip na palitan ang ngalan nito, nararapat na mas pagtuunan ng pansin ang pagpapaunlad ng pasilidad, serbisyo at kalidad ng paliparan.

Sa kasalukuyang panahon, napakarami pang suliraning panlipunan ang nararapat tugunan ng 19th Congress, at ang pagbabago ng pangalan ng paliparan ay hindi nararapat na bigyang-prayoridad.

Hindi ito ang panahon upang pagtuunan ng pansin ang pagbabago ng pangalan sa kasalukuyang administrasyon sapagkat lubhang nararanasan ng mga Pilipino ang implikasyon ng pandemya. Talamak ang kahirapan, malnutrisyon, tumataas ang presyo ng bilihin bunsod sa implasyon, bagsak ang ekonomiya at walang makapagsasabi kung aabutin ng ilang taon bago tayo tuluyang makabangon.

Samakatuwid, hindi dapat pag-usapan ang pagpapalit ng pangalan ng paliparan sa kasalukuyan sapagkat ito ay maituturing na pagbabaluktot ng kasaysayan. Mas nararapat na bigyang-prayoridad ngayon ang pagtalakay sa mga epektibong paraan upang matugunan ang pangangailangan at maibsan ang pagdurusa ng mga mamamayang Pilipino sa kasalukuyang panahon.

ANITUN TABU IKAPATI

Sisid Pailalim, Pagmaneho ng Trak!

P alaging naipamamalas ng lawa sa Larap, Jose Panganiban ang kagandahan nito. Sinong mag-aakala na ang kasaganahan ng lungtiang kalupaan at kayamanan ng nagniningningang katubigan ay inukit, winasak, at niyurak-yurak ng sangkatauhan mula dekada trenta hanggang dekada setenta. Lagi nitong nakukuha ang aking atensyon at kung paanong ang repleksyon ng lugar na ito sa panahon ngayon ay malayo mula sa mga alon na nagbigay-buhay rito.

Madalas akong tumatambay ilang metro mula sa kababawan ng lawang ito. Tinatawag itong pit area, nagmula sa malawak at malalim na hukay na dating minahan. Ngayon, marami ang marurungis na batang naglalaro, mga inang nagkukwentuhan habang naglalaba, at mga matatandang nagpapakalat ng kuro-kuro sa paligid ng lugar na ito. Masaya ako na nabuhay ako sa panahon ng kapayapaan – hindi nahubaran ng aking karapatan.

Hindi ito ang kaso sa panahon ng aking lolo’t lola. Sa pag-”shutdown” ng Philippine Iron Mines (PIM), kasabay rin nitong naupos ang kandilang nagbibigayilaw sa kanilang tahanan. Sinabi ng lola ko na hindi na sila nakaranas ng kaluwagan matapos mawalan ng trabaho ang aking lolo. Nabuhay sila sa diyeta ng powdered milk at kanin, paminsan-minsang nakatitikim ng pechay at kalabasa. Ngunit, ano nga ba ang buong katotohanan?

Kahit namulat ako sa panahon ng kapayapaan sa Larap, hindi ko mapigilan na alamin kung ano ang mga nakatago sa kailaliman ng lawang ito. Titingin paibaba, nakikita ko lamang ang sarili na nakatitig pabalik – kuryos. Ito ang repleksyon ng realidad na kinabubuhayan ko. Ngunit kung tititig pa lalo, kitang-kita ang mga nalubog na 16-wheeler na trak, kasinglaki lamang ng posporo kung titingnan mula rito. Kailangan kong malaman ang mga misteryong nakabalot dito.

Sa pagtagal ng panahon, napakahirap na alamin ang mga bagay na nakatago sa ilalim ng mabibigat na kumot ng tubig. Tila ba kumunoy na hihila sa akin paibaba kung tatampisaw pa. Kahit pa ganito ang sitwasyon, ang aking lola pa rin ang aking tagapagligtas. Siya ang tumulak sa akin na alamin ang mga lihim mula sa kaniyang mga kwento.

Si mommy ang aking superhero!

Sinasabi niya na ang pag-alam sa katotohanan ay marahang ginagawa. Hindi ito isang padausdusan, bagkus hagdan na dapat tinatahak nang dahan-dahan. Ang aking lola, o si mommy, ay isang mamamahayag at guro na may malawak na kaalaman sa mga pangyayari sa Larap noong panahon ng PIM. Kahit pitumpu’t tatlong taong gulang na siya, patuloy pa rin siyang sumisisid sa kailaliman ng mga bagay. Ang tunay na bayani ng kasalukuyang Pilipino – mga mamamahayag na mulat sa katotohanan.

Ako, na ginamit bilang lundagan at pundasyon si mommy sa larangan ng pahayagan, ay ninanais na suungin ang pit area ng mundo.

Pagod na akong makita ang repleksyon ng nahahawakan. Nais ko nang maging bahagi ng pagtuklas sa katotohanan.

Bawat bato na itinatapon sa pit area, lulundag nang bahagya, at bubuo ng kilapsaw bago lumubog. Sisisid pailalim, hahalughugin ang bawat lihim upang imaneho pabalik sa ibabaw. Ako at ang aking lola ay mga mamamahayag ng kasalukuyan na nagnanais na baliktarin ang bawat trak sa kalaliman ng lawa ng Philippine Iron Mines.

Sinag- araw sa butas ng Karayom

Tumitipa sa kaniyang teklado, tinatapos ang kanilang research paper na ipapasa sa darating na Linggo. Dedepensahan ang kanilang gawa laban sa mapanggisang panelists at sa mga mapanghusgang nakikinig. Inihanda ang sarili bago humarap sa madla.

Tumindig nang tuwid, maayos na ipinaliwanag ang ginawa ng kanilang grupo at tila ba propesyunal kung sumagot sa mga ibinabatong tanong ng husgado. Natapos ang tila debate na usapan sa loob ng kwadradong silid. Ilang minuto ang lumipas at inihatid ang magandang balita, ang kanilang researchpaper ay pumasa.

Makalipas ang ilang buwan, suot na nila ang puting toga at sumbrero na sumisimbolo sa muling paghakbang paakyat sa hagdan ng tagumpay. Sa wakas ay nakapagtapos siya ng kolehiyo at magsisimula nang maghanap ng trabaho. Ang nais niya sana ay magtayo muna ng negosyo na siya ang mamamahala ngunit ito ay hindi naging madali at kinailangan niyang makahanap ng trabaho upang may pandagdag sa panggastos sa sinisimulan niyang negosyo.

Suhestiyon ng nakararami ay sumubok bilang tagapagbalita, isa rin ito sa mga naging pangarap niya noong siya ay nag-aaral. Inensayo at pinag-iisipan ang bawat bibitawang salita. Ang mga opinyon at pananaw ng iba ay sinasala, pinag-iisa na nagiging dahilan upang ang inilalahad ay maging makapangyarihan at tiyak na pakikinggan ng masa.

Reyna ng Buhay

https://grpride.org/wp-content/uploads/2020/06/progress-1030x772.jpg

Tinginan at mapanghusgang mga mata ang bumungad sa amin ngayong tanghali nang sunduin ako ng aking mami sa paaralang aking pinapasukan. Hindi ko alam kung bakit parang kriminal ang turing nila sa aking ina na parang kay laki ng kasalanang kaniyang nagawa.

“Ikaw, anak. Ikinahihiya mo rin ba ako?” tanong ni mami na labis kong ikinagulat. Nakita niya siguro ang mga taong nasa paligid na kahit hindi nagsasalita, tila mata ang bumuboses at pumupuna.

“Ano ka ba mami, kahit kailan ay hindinghindi kita kinakahiya. Sa ganda mong ‘yan?” pambobola ko sa kaniya ngunit hindi pa rin nawawala ang kaniyang pagkabahala. Sinasabi niya palagi sa akin na sanay na siya pero sa tingin ko, ang mga salitang iyon ay may halong kasinungalingan.

Nang makarating kami sa aming bahay, agad siyang nagluto upang may maihaing pagkain sa lamesang kaming dalawa lang ang nakikinabang at inayos ang gripong kagabi pa tumutulo. Pagkatapos nito, dumako kami sa hapag-kainan at nagsimulang kumain kasabay ng kuwentuhan at tawanang lumalabas sa aming mga bibig. Naikuwento niya rin sa akin na siya’y sasali sa isang pageant na gaganapin ngayong gabi. Suporta at motibasyon ang mga bagay na nakuha niya sa akin.

Dumating ang mga oras na gaganapin na ang kaniyang pinaghahandaan. Kami ay pumunta sa lugar kung saan gaganapin ang pageant na iyon. Sa backstage , inayos ko ang kaniyang buhok na matagal niyang pinahaba, tinulungang maisuot ang gown na kasintingkad ng ginto, at inilapat ang mga koloreteng mas lalo pang naging dahilan ng kaniyang namumutawing kagandahan.

Ang mga kasapi ay mayroong katawang lalaki ngunit ang kanilang mga tindig ay nakabibighani. Hindi ko naiwasang mapa”wow” sa mga nagniningningan nilang kasuotan, lalo na sa pinakamamahal kong mami.

“Contingentnumbertwo...contingent number two” mga katagang paulit-ulit ngunit napakasarap sa tenga sa tuwing naririnig kong binabanggit ito ng emcee, ito kasi ang sasakyang naghatid kay mami sa finals

Hindi ako makapaniwala na kanina ay opening pa lamang, ngayon ay patapos na ang event. Kanina pa ako nagdarasal nang taimtim sa aking kinauupuan na sana’y panigan si mami ng kalangitan at sa tingin ko naman ay dininig niya ito sa gitna ng kaingayan dito sa aming barangay.

“Andthewinneris…contingentnumber two!” Napakalakas ng hiyawan at sigawan na tila ba’y hindi ko na marinig, ang taong nasa paligid ko ay lumalabo dahil nakapokus lang ako sa aking mami na ngayo’y tuwangtuwa nang makuha niya ang unang pwesto at kinoronahan bilang “MissGay” sa aming barangay.

Habang ang koronang kaniyang nakuha ngayon ay galing sa isang patimpalak, galing naman sa akin ang isa pang koronang nagsasabing si mami, na isang parte ng LGBTQIA+ community , ang reyna ng aking buhay.

Si mami, isang lalaki at ama ngunit likas na sa kanya ang pagkakaroon ng isa pang identidad ang pagganap niya bilang ina sa akin na naging isang motibasyon upang siya’y maging bulag sa mata ng lipunang mapanghusga.

Nakuha sa trabaho, naging maganda ang daloy ng kaniyang buhay. Tahimik, payapa at halos lahat ng kaniyang kahilingan ay natutupad. Nagbasa ng iba’t ibang artikulo, naghanap ng mga kontemporaryong isyu at ito’y ginamitan ng malalim na pang-unawa. Nakinig sa radyo at sa ibang kagamitang naghahatid ng balita.

Nagsulat ng mga importanteng detalye na magsisilbing gabay upang mailahad ang malinaw na impormasyong nakalap.

Kinilalang isa sa pinakamagaling na taga-ulat ng balita ngunit di kalauna’y naghatid sa kaniya sa panganib na alam niyang mangyayari bago niya pa pasukin ang mundo ng pagpapahayag. Siya ay may idea sa kung ano ang kahahantungan nito ngunit hindi niya inaasahan na maraming tao ang madadamay dahil sa patuloy niyang paglathala ng mga pananaw at katotohanan sa paligid. Dahil sa pagkakaroon ng press freedom ng bawat taga-ulat, naging kampante ang kaniyang kalooban kahit papaano.

Binalaan ng kaibigan, pinakiusapan ng kaniyang mga magulang, pinayuhan ng mga taong malalapit sa kaniya na itigil na ang trabahong pinasok niya dahil daig pa nito ang abogado sa usaping trabaho na pati ang sariling buhay ay itataya para lamang sa katotohanang pilit itinatago ng iba. Siya ay nag-alinlangan, huminto nang ilang buwan ngunit hindi kinakaya ng kaniyang kalooban na makita ang pagmamanipula ng gobyerno sa isip ng taumbayan. Sa ilang buwang pagtigil niya sa trabaho, kitang-kita ng kaniyang mga mata ang pagbabago. Nakabibingingkatahimikan,walang bosesangsangkatauhan.

Ang kaniyang pagbabalik ay nagmistulang pag-asa para sa mga taong nais marinig ang boses nila, ngunit isang pagsubok naman sa mga taong may itinatagong kasamaan na ayaw maibulgar sa karamihan. Ang pressfreedom ng isang mamamahayag na malayang naihahatid ang balita, maganda man o hindi, malaman lamang ng taumbayan ang ginagawa ng malalaking tao na nakaupo sa gobyerno ay kagaya ng sinag ng araw na malayang nakatatagos kahit sa pinakamaliit na butas ng karayom.

Pudpod na Krayola

Ni: Julianne

P erpekto. Nais ng ilang kabataan ang magkaroon ng perpektong pamumuhay – kumpletong pamilya, magandang kalagayan, at mahalin ng mga taong itinuturing nilang parte ng kanilang buhay. Mahilig silang mangarap at kadalasa’y makikita sa kanilang mga mata ang ningning ng pagnanais na makamit ito pagkalipas ng ilang taon.

Ngunit, hindi lahat ng kabataan ay humiling na magkaroon ng magandang propesiyon o ng kahit anong mamahaling materyal. Tumayo ang batang babae at ipinakilala ang sarili, isiniwalat ang kakaibang pangarap na hindi mo inaasahang masasabi ng kagaya niyang kabataan. Ninais niya lamang na makitang nagmamahalan ang kaniyang mga magulang – walang away, walang galit na namumulat sa kanilang mga puso. Nais niya lamang maramdaman ang pagmamahal at pagpapahalaga mula sa pamilya.

Habang siya ay gumuguhit ng isang malikhaing sining para sa sinalihang paligsahan, isang pamilya ang dumaan sa kaniyang harapan, dala ang kanilang anak upang ito’y ihatid sa paaralan. Nangibabaw sa kaniyang dibdib ang inggit sa kadahilanang hindi ito nagawa ng kaniyang mga magulang sa kaniya. Kahit may mga magulang siya, tila wala.

Sa kabila ng nangingibabaw na damdamin ng bata, pinili niya pa rin tapusin ang kaniyang obra. Halos mapudpod na ang kaniyang mga krayola ngunit patuloy na pinagsisikapan na matapos ito at maging perpekto sa paningin niya. Ginawa niya ito hindi dahil nais niyang mabigyan ng gantimpala, ngunit dahil nais niyang makita ng kaniyang mga magulang ang kaniyang halaga.

Kagaya ng isang obra, ang bata ay nagsilbing krayola na napupudpod na sa kapipilit sa kaniyang sarili na maging perpekto sa paningin ng kaniyang mga magulang at ito ang maging rason ng pagkakaayos ng kanilang pamilya. Pilit niyang inuubos ang kaniyang kakayahan upang maranasan lamang mapahalagahan ng kaniyang mga magulang.

Ni: Zyra S. Saculsan
Ni: Klara Mae A. Cardinal
09

Tinta sa Pahina

Huminto ang isang paslit sa gilid ng kalsada upang pulutin ang hinanging papel sa kaniyang mga paa. Tinupi at itinabi sa kaniyang dala-dalang supot. Dumiretso sa kanilang tahanan at nagagalak na pumasok sa kaniyang kwarto upang pagmasdan ang larawan sa napulot niyang papel. Ginupit niya ito at idinikit sa pader. Nadagdagan na naman ang kaniyang koleksyon.

Musmos pa lamang ang batang babae ay kay laki na ng pangarap. Isinusulat sa kaniyang bucket list ang mga lugar na nakikita sa mga larawan, umaasang darating ang panahon na ito’y kaniyang mapupuntahan. Ang yapak ng kaniyang sapatos papunta sa eskwela, ang ngiti sa kaniyang mga labi ay tanda na siya’y handa nang muli sa pagsubok sa kanilang paaralan. Gagawin ang lahat upang makapagtapos at masimulan ang pag-usad ng kaniyang mga patungo sa mga lugar na tila paraiso ang ganda.

Paglabas sa kanilang paaralan ay naglakad kasama ang kaniyang mga kaibigan, naghanap ng makakainan ngunit sarado ang kanilang paboritong karinderya. Nilibot ng kanilang paningin ang lugar at nagmamadaling makahanap ng ibang pwedeng puntahan. Wala pang ilang minuto ay kaagad na natagpuan ang bagong bukas na kainan. Pagod ay binalewala, kumaripas sa pagtakbo ang magkakaibigan at nag-unahang pumila upang tikman ang pagkain na nakita sa bagong restawran.

Noon ay nasa loob ito ng pook pasyalan na dati na nilang pinupuntahan kasama ang kaniyang pamilya. Hilig niya ang maglaro at sumakay sa iba’t ibang laruang sasakyan na ginagamitan ng makinarya. Pagkatapos ay kumakain sa isang magarbong kainan bago umuwi sa kanilang tahanan. Ang Shakey’s na may sarisaring pagkain at inuming ibinebenta ang patok sa kanilang panlasa pati na rin sa

masa. Galing sa biyahe ay dito rin madalas kumakain ang mga turista at mga taong galing sa ibang lugar bago umuwi sa kanikaniyang pamilya.

ay nagising dahil sa tunog ng isang malakas na bagay sa kanilang salas. Ang radyo na naghahatid ng balita na may halong musika ang nagpagising sa kaniyang natutulog na diwa.

Inilalathala ang tungkol sa bagong bukas na pasyalan kasabay ng pag-akit sa mga turista na bumisita upang subukan ang kakaibang lugar at ang pagiging kakaiba nito sa ibang pasyalan. Ang tenga ng babae ay pumalakpak sa tuwa dahil ang nasabing lugar ay malapit sa kanilang tahanan. Ang SM City – pinakamalaki sa Bikol na matatagpuan sa Daet, Camarines Norte ay bukas na!

pagrepresenta ng kanilang probinsya sa kaniyang sinalihang pageant na binubuo ng mga kalahok galing sa ibang probinsya. Kasabay ng kanyang paglaki ang pag-unlad ng Camarines Norte ang lugar na napupuno ng iba’t ibang kaakit-akit na pasyalan. Laging bumibida at nananalo sa sikmura ng mga sumusubok sa lasa ng pagkain sa Camarines Norte.

kaniyang silid-tulugan. Tiningnan ang mga larawan na kaniyang ginupit mula noong siya ay bata pa. Hindi na alam ang uunahin puntahan. Habang tumatagal at dumadagdag ang kaniyang edad ay mas dumarami ang lugar na pwedeng bisitahin sa Cam Norte. Ang pahina na noon ay nagsimula sa sampung lugar ang laman ay nadagdagan. Hindi kailanman mauubusan ng tinta ang panulat niya at hanggang ngayon ay nakaukit pa rin sa bawat pahina ng kaniyang kwaderno ang asensadong probinsya ng Cam Norte

Karunungang Hindi Pipilay sa Kinabukasan

Nasa harapan ng maraming kabataan ang isang gurong tanging ang saklay na kaniyang ginagamit ang tumutulong sa kaniya upang makatayo at makalakad sa classroom. Siya ay inspirasyon ng nakararami dahil ang pilay niyang paa ay hindi naging hadlang bagkus naging bunga kung bakit siya nakatayo sa harap ng blackboard at nagtuturo.

Minsan tinanong ng mga mag-aaral kung bakit ang paa na nagbigay ng pasakit sa kaniya ay ngayon naging motibasyon para sa kaniyang propesyon.

Ang mga tanong at kuryosidad ng mga estudyante ang naging dahilan kung bakit napakuwento tuloy siya at kung ano ang aral na kaniyang natutuhan sa kabila ng paghihirap, takot, at pangambang kaniyang

Ni: Christine L. Espinosa

naramdaman sa nakaraan. Nagsimula ang kaniyang kuwento noong labinlimang taong gulang pa lamang siya. Isang estudyanteng gising pagdating sa mga kalokohan ngunit tulog pagdating sa eskuwelahan. Isang estudyanteng ginagawang biro ang lahat at hindi sineseryoso ang mga pangaral.

Dumating ang panahong hindi inaasahan ng lahat, panahong tumatak at hindi kailanman mawawala sa kaniyang isipan.

Ang pagbagsakan ng mga gamit at pagkataranta ng kaniyang mga kasamahan at nakararami ang nagdulot kung bakit takot at buhol-buhol lamang na isipan ang naging laman ng kaniyang utak. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin, hinahayaan niya na lamang matumba ang mga katawang nanghihina at pinipigilang tumulo ang mga luhang papatak nang wala sa oras.

Bam!

umalingawngaw kasabay ng kaniyang pagsigaw hindi dahil sa takot, kundi dahil ito ay bumagsak sa parte ng kaniyang katawang tanging nag-aalalay sa paglakad, pagtakbo, at pagtayo. Tumigil man ang pagyanig ng lupa ngunit hindi pa

Siete Pares

Sa lupain naming napalilibutan ng malawak na karagatan at matayog na kabundukan, pitong mag-asawa ang naninirahan at nangangasiwa upang manatili ang kaayusan. Ang pamamalakad na ito ang kinalakihan ko at ng aking mga magulang – matapos ang mahabang panahon ng gyera at pananakop, ang paniniwalang tapos na ang lahat at ligtas ang kapaligiran sa lugar na ito ang nagpapanatag sa aming isip.

Sa pagpupulong ng pitong pares na ito, 11 na katao lamang ang palaging dumadalo. Walang may alam kung nasaan ang natitirang tatlo.

Dead?Missing?Inexistent?

Ipinakita ng una at pinakamatandang pares na dahil naaabot naman ang korum ay dapat na laging itinutuloy ang mga pagpupulong. Isalang ang mga nawawalang myembro sa paghahanap dahil dapat na pitong pares lamang ng mag-asawa ang naglilingkod sa estado. Hindi kailanma’y mapapalitan ang pitong pares na ito sa pamilyang pinagmulan nila. Kilala na ang kanilang pangalan sa maraming henerasyon at alam na nila ang kanilang ginagawa.

Tsk.Traditionalthinkers.

Ikalawang pares. Naniniwalang pinagsisilbihan nila ang mga tao dahil nasa tao ang kapangyarihan. Dapat na makuha ang tiwala ng tao upang mapanatili ang balanseng lipunan. Huwad at bulag ang pares na ito sa katotohanang ang imahinasyon nilang nasa tao ang kapangyarihan ay pawang walang silbi dahil nasa pitong pares na ito ang buong

kapangyarihan sa lupaing pinamamalakad nila.

Daydreamers.

Ang ikatlo at ikaapat na pares ay nananatiling tahimik at sunodsunuran sa mga nais ng unang pares dahil nakikinabang sila sa produkto ng sistemang ito. Walang araw o pagkakataon na hindi sila nakaranas ng pribilehiyo mula sa kanilang posisyon. Hindi masasabing biktima lang din sila ng sistemang nagpatikim ng kasaganahan dahil mismong sila ay hindi nagpapakita ng kaunting pagkatao sa iba.

Blindfollowers.

Nakikita ng lahat ang ikalimang pares bilang mahina at walang alam. Ilang beses nang ginamit ng mga naunang pares ang kanilang mga taktika upang maloko ang pares na ito. Niloloko sila upang sumunod sa nais ng iba. Walang sariling opinyon at kung mayroong hinaing o isipin sa pamamalakad ay di-naririnig sapagkat kilala silang walang boses. Para sa unang pares, ang tungkulin lamang nila ay upang maabot ang korum at maloko upang piliin ang kanilang nais.

Poisonedminds.

Ikaanim. Walang kapares, mula pa noon. Nag-iisa lamang tuwing dadalo ng pagpupulong ngunit maraming nais maipahayag. Malaki ang ambag sa pagbuo ng pangkalahatang batas na sinusunod ng mga

GUHIT NI: Bien Louis A. Asis
Ni: Zyra S. Saculsan
10
GUHIT NI: Andrea Nicole B. Burac

Kumusta kaya ang bulsa ko?

Tsokolate, damit, cellphones, at sasakyan.

Karamihan ng mga produkto ay gawa at galing pa sa ibang bansa. Mamahalin at sosyal, Marami nang natutuwa dahil ang mga ito raw ay mayroong mataas at magandang

Sa lahat ng mga iyan, nababahala pa rin ako sa pagluto ng mga paborito pagkain lalo na ang adobong manok. Maghahanda ng kawali, paiinitin ito, lalagyan ng mantika, at sisimulan ang paggisa, Sibuyas ng pala ang inuuna ngunit marahil ay hindi nakabili sapagkat tumaas ang presyo nito, masakit na sa bulsa para sa isang piraso at hindi pa rin sapat dahil sa liit nito. Hindi lang sibuyas ang tumaas ang presyo, pati na rin ang iba pang mga gulay at pagkaing kadalasang inaani.

Magtitimpla na lang ako ng kape sapagkat tagos sa katawan ang lamig na umaaligid ngayon, ngunit bakit parang mapait? Naalala ko na, wala nga pala akong nilagay na asukal. Tinitipid na lang dahil mapait din sa pakiramdam na nagkakaroon ng shortage ang mga ito kaya paniguradong tumataas na rin ang presyo.

Kulang na naman ang sangkap ko sa kape upang maging masarap ang pagpapainit ko sa malamig na panahon. Magpapahangin na lang sa labas ngunit may kasama pang malalakas na ulan.

Tiyak na hindi rin maganda ang kondisyon ng mga palay dahil sa epekto ng panahon na nararanasan ngayon. Hindi lang sa produksiyon nito ang naaapektuhan, pati na rin ang ibang mga tanim na importante upang tayo’y may maihanda sa lamesa at mabuhay. Posible kayang tataas ang presyo nila?

Lahat na lang ay tumataas dahil lahat na ba ay may kulang? Kulang sa kontrol? Kulang sa plano? At higit sa lahat, kulang sa suplay? Kaunti na lang ay bibili na ako sa tindahan ng tinatawag na “high quality” sugar, imported daw kasi ito o kaya mag-

Kahit saan pa lumingon, ganito na talaga ang mga nangyayari sa sektor na ito. Ang isa sa mga alam na natatanging solusyon ay mag-import ng mga produkto na maaaring kaya namang ibigay ng lokal na pamilihan kung nanaisin na gumawa pa ng iba pang

Hindi ito maliit na problema sapagkat lahat tayo ay maaapektuhan kung ano man ang pipiliin at isasagawang desisyon ng mga namamahala sa Departamento ng Agrikultura – kabuhayan ng mga magsasaka, mangingisda at iba pa, pati na rin ang wallet nating mga Sa ngayon, naninirahan ako sa bansang puro “imported products” ang nananais kaysa sa mga lokal na produktong gawa mula sa ating bansa. Mayroong magandang kalidad at magkakaroon ng sapat na suplay para sa mga produkto, ngunit sapat ba ang pera ko pambili ng mga

Instrumento sa Tao

lagi niyang sinasabi na isa lamang siyang instrumento na nagbibigay ng pag-asa sa mga tao.

Ang pagiging mapagkumbaba ay isa sa kaniyang mga katangian at nakapagsasabi na siya ay sinserong mamamahayag na mayroong adbokasiyang makatulong sa iba hindi lamang sa pagsulat ng kanilang mga kuwento.

tagumpay ay naging kaniyang kagustuhang ng kuwento mula sa iba’t ibang karanasan “Isa akong sa mga taong walang mahina ang boses.

tulay sa mga taong naaabot ng kalsada.

Isa akong salamin sa taong hindi nakikita ng gobyerno. ‘Yun lang naman ang ginagawa ko.”

pagdidiin ni Kara

David — ang intrumento ng mga tao.

https://www.facebook.com/photo/?fbid=582706526534156&set= ecnf.100043844423836 mGa GUHIT NI Bien Louis A. Asis 11
Ni:
Julianne Lorlyn R. Cusi

Kadena ng Nakaraan, Kampana ng Kinabukasan

Klang! Klang! Klang!

Tunog ng isang nagpupumiglas na batang gustong kumawala habang siya ay nakagapos sa puno ng akasya. Makikita sa kaniyang mukha ang pagkauhaw sa kaalaman. Mahabang panahon na ang lumipas magmula nang siya ay makalusong sa batis ng makabago at mas malalim na pag-iisip.

May piring sa mata at gapos ng kadena. Hindi makita kung gaano na kalawak ang pinagbago ng paligid na dating ginagalawan niya. Tunay na siya’y napaglumaan habang ang iba ay nahuhulma na.

Sa patuloy na paggalaw ng sugatan niyang katawan, sa bawat pagtusok ng puno ng akasya, at sa sobrang sakit na dulot nito, ininda niya lahat alang-alang sa kaalaman. Hindi ito nagpatunaw sa paninindigan, bagkus lalong pinatibay ang kaniyang loob.

Hinangin ang piring na dating nakatakip sa kaniyang mata at muli niyang nasilayan sa malayo ang lugar na kanyang babalikan. Sa kaniyang pagbangon isang malakas na pagbagsak ng kadena ang tanging umalingangaw sa paligid. Marupok at nangangalawang na pala ang mga

Ni: Alden Joshua V. Caceres

tanikalang nakagapos sa kaniya. Hindi niya ito napansin sapagkat nakagisnan na niyang yakap siya ng mga ito.

Bitbit ang isipan na uhaw sa kaalaman, siya’y nagsimulang maglakbay. Maraming hakbang ang gagawin dahil malayo pa ang tatahakin pero ito’y sasakatuparan maibsan lamang ang uhaw.

Habang siya ay naglalakbay, nananatiling sariwa sa kaniyang munting isipan ang karanasan nang siya ay iginapos ng mamasa-masang identidad sa puno ng bagong tubong akasya. Ngayon, ang punong ito ay malaki na at may marka ng nagsisikipang tanikala sa paligid nito. Lilingunin niya ang punong ito, ngunit hindi na kailanman babalikan pa.

Pagtapak ng kaniyang mga paa sa lugar na iyon ay nanumbalik ang dati niyang ngiti at mababakas sa mata ang ligayang hatid ng naturang lugar.

Bubungad ang oportunidad na tila regalo sa kaniya. Isang regalo na malugod niyang tatanggapin at bubuksan sapagkat minsan lamang ito dumating sa buhay niya.

Makakasama niya ulit ang mga taong bubuhos ng kaalaman sa kaniyang uhaw na isipan at gutom na kalamnan. Magsisilbing pangalawang magulang niya ang

Hagod sa Mahubog mong Katawan

Sumibol ang araw na nagpapahiwatig ng panibagong pag-asa para sa tulad kong pilit na inaabot ang tropeyo ng tagumpay. Mag-isa sa apartment na malapit sa aking napasukang trabaho, inihahanda ang uniporme bago maghalo ng mga inuming ihahain sa mga taong papasok sa resto. Nakangiting makikisalamuha sa mga tao habang tinitimpla ang kanilang paboritong wine at putahe.

Lumipas ang ilang oras na trabaho, pumasok sa eskwela at nakinig sa aking guro. Dumating ang huling guro na papasok sa aming silid-aralan, tinalakay ang aralin na nakapaloob sa kanyang asignatura. Kami ng aking mga kaklase ay naghihintay sa tunog ng kampana hudyat ng pagtatapos ng klase.

Habang lumulubog ang araw hudyat na malapit na ang pagsibol ng buwan at bituin sa kalangitan, ang pares ng aking tsinelas ay piniling tahakin ang lugar patungo sa baybaying dagat bago umuwi sa apartment na aking inaarkilahan.

Umupo sa dalampasigan sabay tingin sa kay gandang kalangitan, pinakiramdaman ang hanging humahaplos sa aking balat at ang tunog ng alon sa dagat. Ang mga alon ay humahampas – aabante at aatras. Sa muling paghampas nito ay siya ring pagbabago ng nakasanayan ko. Lahat ng aking galaw ay limitado, daig pa ang nakakulong na preso.

Lalabas sa apartment na para bang nakatakas na preso, may takip ang bibig at ilong at halos hindi makadikit sa ibang tao. Bumagal ang pag-ikot ng mundo. Nawalan ng trabaho at dumating sa puntong may kailangan akong bitawan at alisin sa buhay ko. Sa kasamaang palad ay kasama dito ang pangarap na pinagsisikapan kong abutin.

Piniling libangin na lamang ang sarili sa ibang bagay. Lumipas ang maraming buwan na para bang may kulang sa akin. Hindi ko makuha ang saya na ninanais ko. Naging mahigpit man ang mga palatuntunan sa labas ngunit pinili kong umahon mula sa pagkakalugmok. Pilit na naghanap ng trabaho upang may magamit na pera para sa aking pag-aaral online at ang kalahati ay modyular. Nagmahal ang presyo ng bilihin na mas lalong nagpahirap sa aking sitwasyon. Ang sweldo ay nanatiling maliit at hindi sapat para tugunan ang mga pangangailangan ko. Marami mang pagsubok,

hindi ito naging hadlang upang sumuko ako at bumalik sa bilangguan. Naglalakad sa isang pasilyo dala ang mga kwaderno na naglalaman ng mga kasagutan mula sa aking napag-aralang papel na pinasagutan ng aming guro nitong nakalipas na linggo. Habang naglalakad ay nakita ang isang pamilyar na silid. Ang silid kasama ang aking mga kaklase. Naalala ko tuloy ang mga masasayang alaala kasama sila lalo na ang bonding namin kapag nagkakaroon ng oras na walang klase. Pumreno ang aking mga paa sa silid kung saan nabuo ang aking malawak na imahinasyon sa pag-abot ng aking mga pangarap. Bubuksan ko ba ang pinto ng pangarap na matagal ko nang binitawan? O papasukin ang mundo na nag-udyok sa aking katawan na kumayod para sa pangarap na dati ko nang inasam?

Tinahak ko ang pamilyar na daan patungo sa isang bagay na dati kong naging inspirasyon sa pagbuo ng musika. Hinawakan ang gitara gamit ang kaliwang kamay sabay hagod sa kurbado nitong katawan gamit ang kanan. Kinapa ang tila lubid na magkadugsong sa magkabilang dulo ng gitara na nagbibigay ng magandang melodiya sabay hagod pababa sa hubog ng kaniyang katawan para simulan muli ang naputol na pangarap noong ako ay bata pa.

mga ito at siyang huhubog ng kaniyang buong pagkatao.

Kaya kahit

maraming balakid man ang naghihintay sa kaniya, simula sa pakikiangkop muli hanggang sa pagpapanumbalik ng kaniyang angking kagalingan, walang makapipigil sa isipan niyang uhaw na uhaw.

Klang! Klang! Klang!

Tunog na ng mga kampanang naghuhudyat ng panibagong kabanata – mula sa gapos ng pandemya, nagbabalik sa paaralang kinamulatan.

Paglayag Katuwang ang Sarili

Natumba Tumayo Umulit

Bumalik ang mga memorya noong siya ay bata pa lamang. Kasama ang kaniyang ama, tinuturuang ipadyak ang bisikletang bagong bili. Patuloy na natutumba ngunit hindi sumusuko. Kapag binibitawan ng kaniyang ama ang bisikleta, agad na nawawalan ng tiwala sa sarili. Ang mga memoryang iyon ay mananatiling memorya lamang sa kaniya sapagkat dumadaan na ang bagong yugto kung saan marami pa ang mararanasan hindi lang ang pagbibisikleta. Ngayo’y nakaupo, nakatulala, at nakatingin sa kawalan. Bumalik ang kaniyang sarili sa reyalidad, sa mundong puno ng pangamba hindi lang dahil sa mga krimen kung hindi dahil sa sakit na hindi nakikita subalit labis na nakapipinsala. Tumayo sa kinauupuan at lumingon-lingon. Ang dami nang pinagbago sa paligid, sa takbo, at sa galaw ng mundo.

Pumunta sa labas at iba’t ibang kulay ang nakikita; kulay ng puno, kulay ng langit, kulay ng mga bahay, at kulay ng maskarang takip ang mukha ng mga tao. Sinubukan niyang langhapin ang simoy ng hangin ngunit hindi niya maatim dahil sa proteksyong nakaharang sa kaniyang mga ilong at bibig. Dahil doon, naalala niya noong panahong kating-kati ang kaniyang mga paa sapagkat matagal nang hindi nakakagala kasama ang kaniyang mga kaibigan. Pwede at pinayagan man ng batas, ngunit mas piniling manatili sa tahanan kung saan mas ligtas. Matagal ang panahong siya ay nanatili sa loob ng tahanan, nagpapalipas ng oras at naghihintay ng balita kung may pagbabago ba o wala sa labas ng tahimik na tahanan. May pagkakataong ginagawa niya ang kaniyang mga nais sa loob ng tahanan ngunit hindi rin alam kung bakit pinagsasawaan agad. Scroll sa FB, IG, at Twitter lang ang tangi niyang gawain. Nakukulong na sa maliit na bagay na hugis kahon para lamang matakasan ang reyalidad. Kada araw na siya ay kumakain, hindi niya maiwasan ang magmuni-muni at mag-isip ng mga bagay na hindi niya iniisip noon dahil ang pagsarado ng mga bahay dulot ng lockdown ang kasabay naman ng pagbukas ng kaniyang mga isipan. Kaisipang hindi niya kinakailangang umasa at dumependa sa iba. Kung pumasok siya sa loob ng pinto ng kaniyang bahay na iba ang pananaw at pagtingin sa sarili, lalabas naman siya bilang isang “independent.” Sa kasalukuyan, bumukas na muli ang mga pinto at marami na rin ang pinagbago, ngunit alam niya sa kaniyang sarili na siya ay handa na, may maskara man o wala. Hindi mismo ang pandemya ang dahilan kung bakit siya ay naging matatag ngunit ang kaniyang kamalayan sa sarili noong siya ay nakakulong sa tahanan dahil sa epekto ng pandemya.

Hindi na siya tulad ng dati na kapag binibitawan ng kaniyang ama ang kaniyang bike habang tinuturuan, siya ay nawawalan ng tiwala sa sarili, bagkus ito ang naging panimula upang makayanan niyang hindi na umasa sa pagkapit at pagalalay ng iba ngayong pandemya sapagkat tanging siya lang ang kaniyang pag-asa.

Sa huling pagkakataon, sinubukan niya muli ang magbike, kapansin-pansing hindi lang sa pagbibisikleta siya natuto lumayag mag-isa pati na rin sa mundong patuloy na umiikot – kasama ang loob niyang panatag at matatag sa banta ng pandemya.

Naglumot aNg luNgtiaNg BayaN

Ang mga Pransiskanong prayle. Si Mary I ng England. Si Adolf Hitler. Si Elizabeth Bathory. Si Hudas Iscariote.

Iisa lamang ang katangian nila. Ipinakikita ng mga pangyayari sa kasaysayan ng daigdig ang mga halimaw na nagbabalat-tao.

Marami pa rin ang mga halimaw na pumapaligid sa mga bayan-bayan.

Dito lamang sa katabing bayan na napalilibutan ng mabigat na awra, makikita ang isang babaeng ipinanganak nang may buhok na kulay berde. Kasintingkad nito ang mga naglalakihang paikot-ikot na tila ba sala-salabat na kable ng kuryente sa Maynila. Nananatili itong matataba at kahit magyakap pa ang dalawang tao palibot nito ay hindi masasakop ang kabuuan. Kung ano ito, walang may alam.

Nang matutong magsalita ang babae sa edad na dalawa, una niyang tinuran ang salitang “kaibigan.” Habang lumalaki at natututuhan ang marami pang ibang bagay, nagkaroon siya ng isang kaibigan na hindi nakikita ng iba – imaginary friend kumbaga. Lagi niya itong kasama ngunit hinaharap lamang kung may takip ang kaniyang mga bibig. Hindi raw kasi nito gustong makakita ng ilong at bibig, kaya nirespeto niya na lang ang nais nito.

Sa edad na labindalawa, ginuhit niya ang kaibigang ito sa papel na kulay lupa, na akala mo ba’y binabad sa kape. Kulay berde rin ito, maraming mga sangang nakabalot sa katawan, nakapalibot sa ulo, at umaabot sa kalawakan ng papel. Tila ba isang puno na sistematikong umaabot ang mga ugat sa malalayong

dako.

Kahit saan siya pumunta, panatag siya dahil kasama niya ang kaniyang kaibigan. Madilim na kagubatan man ‘yan o sa ilalim ng naglalakihang bato. Ngunit sa hindi malamang dahilan, kung pupunta man siya sa isang lugar, pagkatapos ng ilang araw o linggo, mayroong nagkakasakit, nawawala, o nauupos ang buhay.

Sinimulan siyang sisihin ng mga tao rito. Madalas daw kasing nagsasalita mag-isa at nagdedeliryo. Alam niyang hindi ang kaibigan niya ang dahilan nito. Magkasama sila sa mahabang panahon at kilala niyang hindi ito magtataksil.

Hindi nga ba? “Ngunit kaibigan ko lang naman ‘yan?” Lagi niyang winiwika sa mga tao tuwing sisisihin siya sa mga pagkamatay sa lugar nila. Hindi naman ang kaibigan niya kundi siya ang sinisisi. Nagulo ang mga berdeng tila ugat na nakapalibot at nakapaloob sa bayan nila. Akala mo ay mga serenang gumagalaw patungo saan at mukhang nanghihina. Madilim na berde ang naging kulay nito – nagmistulang lumot; ang buhok ng babae ay naging kulay lumot din.

Mula noon, sa edad na labinlima, unti-unting tumigil ang mga pagkawala at pagkamatay ng mga tao sa bayang ito. Marahang nawala ito, ngunit sabi ng bata ay nariyan pa rin sa tabi niya ang kaniyang kaibigan. Guni-guni lang ba nila ang lahat ng nangyari? Ngunit bakit nawawala pa rin ang kanilang mga kapamilya?

Isang bayan, nakulam ng mga berdeng sapot.

Kung nariyan pa rin ang kaibigan ng bata, na kung tutuusin siguro ay kulay lumot na rin, bakit kaunti na lamang ang nawawala at sa mga lugar ito na kahit sa buong buhay ng batang babae ay hindi pa niya narating?

Siguro dahil iniiwasan na nila ang batang babae? At lumipad na tila saranggola sa mga bayan-bayan ang balita na hindi na malala ang deliryo ng babae, humina na ang mga tila ugat na nakabalot sa kanila, at dapat na lalong iwasan ang kulay lumot nitong anyo.

Nakalulungkot dahil tinrato ang babae na tila sanhi ng epidemya sa bayan nila.

Tulad ng pandemya, na hindi siya pinaniwalaan at tinratong sakit ng lipunan.

Tulad nito, na akala mo ay biglaan na lang nawala.

Tulad din ng pandemya, unti-unti nang nakalilimutan ng mga tao ang mga paghihirap na dala nito, kahit sila’y nakararanas pa rin ng mga pagdurusa mula rito.

Tulad ng mga taong kinasuklaman sa kasaysayan ng mundo, hindi kailanman nagustuhan ng tao ang presensya ng kaibigan ng batang babae, maliban sa mga nakikinabang.

At ang pandemya, na sa bawat bagong kwento rito, nababago ang anyo ng kaniyang kaibigan.

Ni: Giane Antonette A. Labarro Ni: Klara Mae A. Cardinal Ni: Kyla Sophia V. Lagrisola GUHIT NI: Angelica Mae D. Manlangit
12
GUHIT NI: Abriel L. Balean

Selyadong Alaala

Kuya Jerson,

Magandang araw po, kuya! :) Sana ay makarating sa iyo ang liham na ito. Pero siguro ay gagalitan niyo ako (hehe) – narinig ko kasi noon na binanggit niyo kung gaano kahalaga ang pagiging maagap. Kahit ala-una ng madaling-araw ko isinusulat ang liham na ito, sa papel na naiilawan ng maliit na kandila, nais kong ipaalam na tumatak ka sa puso ng marami (totoo at walang halong pambobola).

Hindi lang ako, marami ang may alam ng iyong likas na kabaitan. Mula sa pagbati sa mga gurong papasok hanggang pagsaway sa mga mag-aaral na tatapon ng basura kung saan-saan, kailan man ay hindi ka nagkulang. Isang tawag mo lamang at paghingi ng tulong (“Kuya Jerson, help!”) – kahit pagbuhat ng mga upuan o pagsalansan ng mga gamit – nariyan ka.

Madalas kitang makita sa ground floor na nag-aayos ng mga upuan at nagpupunas ng sahig upang pakintabin ito. Isa ka sa mga masisipag na maintenance staff kaya naman grabe ang paghanga ko kapag umaumaga ko kayong nakikitang pinapakintab ang sahig! Mula sa ikatlong palapag ng gusaling ito ay kadalasan kitang natatanaw. Isang lingon lamang at alam kong nariyan ka.

Kaya nga, dahil palagi kang nakikita, kilala niyo pa po ba si Alden? Isang manunulat sa Ang Mabinian na tatlong beses nagpabalik-balik sa iyo upang buong-buo at hinog ang impormasyon na makuha niya. Sabi nga niya, namangha siya sa kwento mo pati na rin sa kung paano niyo napagsasabay ang pagtatrabaho sa umaga at pag-aalaga sa mga anak na kasama niyo. Napakasipag niyo nga raw eh, wala naman sigurong hindi sasang-ayon dito dahil syempre, si Kuya Jerson ka!

Maraming nagmamahal sa’yo, kuya! :) Lalo na ang College of Nursing and Midwifery ng Mabini. Nakausap ko nga si Sir Argyle Enesio – isang alumnus – at sinabi niya na, “I’m beyond blessed to experience the care of Kuya Jerson and I’m happy that Kuya Jerson was part of my college journey.” Naks naman, Kuya! Tumatak ka pala sa puso namin eh!

Bilang isa sa “Face of Mabini,” marami ang iyong interaksyon sa mga guro, staff, at mag-aaral. Grabe! Sabi nga nila lahat ng nakakasalubong niyong guro ay binabati niyo eh (pati na rin ang mga mag-aaral); pero kuya, ginalitan niyo nga raw ‘yung kaklase ko (secret sa pangalan) no’ng nagtapon siya ng basura sa gilid ng hagdan. Haha!

Pero ano nga ba ang

May Magbabago ba sa Pagbabago?

“Angedukasyon ay susi sa magandang kinabukasan lalo na sa mga kabataan.”

Kadalasan itong naririnig ng mga mag-aaral mula sa kanilang mga guro at hindi maitatanggi na pawang katotohanan ang nakapaloob dito kung ang isang bansa ay mayroong maayos na sistema ng edukasyon.

Kamakailan lamang ay nagsasagawa ng pagpaplanong rebisyon ang Kagawaran ng

Edukasyon ukol sa K to 12 curriculum. Ito’y isang daan upang magkaroon ng epektibong sistema sa edukasyon ngunit hindi pa rin mawawala ang pagpapakita ng pagkabahala ng ilang mga guro sa gagawing rebisyon.

Sinasabing layon nito ang pagbibigay nng mataas na kalidad ng edukasyon sa pamamagitan ng adyendang “MATATAG.” Ang ilan sa mga layunin nito ay ang pagbibigay ng suporta sa mga guro upang makapagturo nang mas mabuti at pagsasagawa ng hakbang upang mas mabilis ang pagbibigay ng mga serbisyo sa batayang edukasyon. Ito ay magpapadali hindi lamang sa mga estudyante kung hindi ay pati na rin sa mga guro sa paaralan.

Noon pa man, isip ng madla na mas nakabubuti ang pagdaragdag ng ilang taong paninilbihan sa isang trabaho dahil ito ay mas epektibo upang makalikom ng karanasan na makatutulong sa isang empleyado at ang pagdaragdag din ng dalawang taon sa kurikulum ay makatutulong naman sa mga estudyante upang higit na makapagtipon ng mataas na antas ng kaalaman sa kanilang paaralan. Ngunit, mas

epektibo ba ang ganoong pamamaraan?

Dahil sa pagkakaroon ng karagdagang dalawang taong pag-aaral, maraming hinaing ang dinig mula sa mga magulang na nahihirapang tustusan ang tuition ng kanilang mga anak na nag-aaral sa private institutions. Sa kabilang banda, marami pa rin ang nagsasabing ang Senior High School ay isang paghahanda para sa mga mag-aaral na magtatapos ng ikasampung baitang.

Samantala, sa pagpaplanong rebisyon ng K to 12 curriculum, tiyak na ito’y makapagbabawas sa gastusin ng magulang dahil sa planong tanggalin ang dalawang taong iyon at bawasan din ang mga learning areas mula pito patungo sa lima. Ibig sabihin, dalawa sa pitong asignatura ang planong alisin.

Kaya naman, maraming guro ang nagaalalang ang asignaturang kanilang itinuturo ang matanggal at magdulot pa ito ng pagkawala ng kanilang trabaho. Maraming boses ang baka sakaling hindi pakinggan sapagkat ipinipilit na ang pagbabagong ito ay hahantong sa magandang results sa mga mag-aaral.

Gayunpaman, ang mga pagbabawas na nagaganap ay hindi na pambihira sa planong rebisyon sa kurikulum. Kahit saan pa man humantong ang debatehan sa sistema ng edukasyon ay hindi nababawasan ang kaalaman ng mag-aaral na apektado gawa lamang ng pagbabago; sapagkat ang edukasyon ay mananatiling edukasyon kung nanaisin.

simula ng iyong journey sa Mabini? Hmm … (insert emoji na nagtataka). Halina at mag-backtrack tayo pitong taon mula ngayon. Sabi ni Ma’am Dolores Garcia, bago ka maging maintenance staff ay isa raw po kayo sa labor workers kapag may ginagawa o inaayos sa Mabini. Napapansin po kayo ni Sir Alberto Garcia Jr. palagi –asawa ni Ma’am – at kinuhang maintenance sa Mabini. Narinig ko rin po kay Alden na sa interview sa inyo ay sinabi niyo na malapit na ang loob niyo kay Sir Alberto, o mas kilala sa inyo bilang Sir Jun, dahil inalok kayo ng trabaho sa paaralang ito. Kung kay Ma’am Dolores, o kilala rin bilang Ma’am Doyet, naging close daw kayo kung magkakaroon ng pag-aayos ng mga halaman dahil nga in-charge si Ma’am dito at sa beautification Kaya, kuya. Kayo? Kumusta ka naman? Huwag po kayong mag-alala dahil maayos ang lagay ng Mabini. Ginagampanan ng maintenance at ng iba pang mga staff ang kanilang mga tungkulin. Malinis pa rin ang mga palikuran (lalo na sa ground floor). Bagong punas ang mga sahig tuwing 6:30 na sa umaga. Maayos na nakasalansan ang mga ginamit

na monoblock sa tabi ng Sci Lab. Walang pakalat-kalat na balot ng sitsirya o rice bowl. At higit sa lahat, maagap ang mga tao!

Wala ka mang iniwang pisikal na bagay sa bawat isa sa amin upang maalala ka gamit ito, sa bawat kanto, pasilyo, at kwarto ng gusaling ito at nakikita pa rin namin ang imahe mo. Nagma-mop sa ground floor Nakangiting bumabati sa mga guro kung papasok sa bakal na pinto. Sinisita ang mga kamag-aral ko kung tatapon ng basura sa may canteen. Kausap ang iba pang non-teaching staff malapit sa hagdan. Uuwi nang walang naiwang gawain. Kuya Jerson, wala kang kapalit. Ngayon, sa bawat mag-aaral, guro, gwardiya, technical, at maintenance na papasok sa Mabini Colleges High School, aalalahanin na lamang ang tamis ng pagbati nang may ‘di mawala-walang ngiti sa mga labi. Masyadong napahaba yata, kuya! Oh sige, itutupi ko na sa tatlo ang mga papel na ito. Ingatan niyo po ang sobre nito ha! Selyado ang mga alaala ng mga taong direktang napalapit sa iyo rito sa Mabini. Hanggang sa muli.

Paalam, kuya!

Nagmamahal, Mabini Colleges High School Department

Regalo: Noon, Ngayon, at Bukas

“Yesterdayishistory.Tomorrowisamysteryandtodayisagift.That’swhy we call it the present.”

“Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, ay hindi makararating sa kaniyang paroroonan.” Subalit, gugustuhin mo pa rin bang lumingon kung ang siyang nasa likod mo ay hihila lang sa iyo pailalim? Ito ang laban ni Jasmin Jade E. Francisco sa Mr. and Ms. Mabini 2022 –laban sa kaniyang sarili at para sa nag-iisang bituin sa kalangitan. Kung susumahin, hindi madali ang laban na ito; may isang bituin sa kalangitan, at marami ang may dalang kawil, baton, arnis, lambat, at kawayan upang masungkit ito. Ang korona sa Mr. and Ms. Mabini 2022. Hindi man ito nakawit ng kawil ni Jasmin, mayroon pa ring nagningning sa kaniyang buhay.

Live in the present. Nakatanim ang linyang ito sa dulong bahagi ng kaniyang isip. Ito ang tumulak sa kaniya na muling sumubok sa pageantry, kung saan napagtawanan noon kung hindi makasagot sa Q&A portion. Ngunit nariyan na, hinila lamang ng isang guro na sumali sa elimination para sa high school department at napili bilang isa sa dalawang babaeng kalahok.

Labindalawa ang kalahok para sa Ms. Mabini, labindalawa lamang sila ngunit sa paningin ni Jasmin ay may isa pang kalahok na hindi nakikita ng iba – ang past self niya. Ito ang naging kalaban niya mula eliminations hanggang sa mismong gabi ng laban.

Ang ika-13 kalahok na ito ang umatake sa kaniyang isip kung dapat pa bang magpatuloy sa labang ito. Pero dahil nga naniniwala siya na ang walang kontrol ang tao sa

– Eleanor Roosevelt.

lahat ng bagay na mangyayari sa kanilang buhay at ang nakaraan ay dapat na manatiling nakaraan, naging matatag siya at pinagpatuloy ang labang nasimulan. Sa mga pagkakataong mahirap magpatuloy, kailangang makahanap ng mga tulad ni Jasmin ng tutulak upang muling magsimula. Kahit mahigit tatlong linggo pa lamang niya kakilala ang kaniyang mga kaklase at bagong kaibigan, malaki ang naging ambag nila sa pagtulak sa kaniya upang pumaunahan. Ang kaniyang mga kaibigan, ang gurong naghila sa kaniya, at lalong-lalo na ang kaniyang sarili. Dahil sa kalagitnaan ng pagdadalawang-isip sa sariling kakayahan, nagpatuloy siya; kahit mahirap na sumubok muli, “laban lang!”

Lahat ng mga pangyayari sa buhay natin ay may dahilan. Lahat ng gusto nating gawin ay may mabuti o di-mabuting kalalabasan. Si Jasmin, na muling pumasok sa pageantry at hinarap ang kaniyang nakaraan, ay magsisilbing inspirasyon sa mga mahilig na “i-doubt” ang kanilang mga sarili. Natukoy ni Jasmin na kahit hindi niya nasungkit ang bituin, ang liwanag na bigay ng tao sa paligid siya ay mas maningning pa sa kahit anong koronang papatong sa kaniyang ulo. Patuloy na harapin ang ating nakaraan. Patuloy na kilalanin ang sarili. Patuloy na isantabi ang mga naging pagkukulang. Dahil nga, nakatira tayo sa ngayon at walang ibang mas mahalaga kundi ang present – regalo, tulad ng natanggap at nahanap ni Jasmin sa alon ng pagsungkit sa

mGa GUHIT NI: Angelica Mae D. Manlangit
13
GUHIT NI: Andrea A. Badinas

Parangal sa 2022 BRSC, iginawad

Kaso ng Cholera pumalo ng 282% kumpara noong nakaraang taon — Vergeire

ni: Jether B. Villafranca

Tinatayang umabot sa 3,729 ang kaso ng Cholera sa Pilipinas, mas mataas ng 282% kumpara sa nakaraang taon na 976 lamang, ayon kay Department of Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire.

Umabot sa 33 katao ang nasawi simula noong Enero dahil sa naturang sakit kung saan nagmula ang karamihan ng kaso sa Silangang Visayas, Rehiyon ng Davao, at Rehiyon ng Caraga.

Ang mga batang edad lima hanggang siyam ang karaniwang nakakakuha ng sakit na Cholera dahil sa kanilang hindi ligtas na pag-inom ng tubig.

“We know that tag-ulan ngayon maraming pagbaha maraming napupunta rin sa mga evacuation center natin and because of this kind of calamities, ‘yung water system natin mostly affected lagi kapagka ganyan, specially in this kind of areas” ani Vergeire.

Kamakailan lamang, muling nakapagtala ng kaso nitong ika-28 ng Agosto hanggang ika-24 ng Setyembre na pumalo ng 258 kaso na nagmula sa rehiyon ng Bicol, Kanlurang Visayas at Silangang Visayas.

Idinagdag din ni Vergeire na, “May mga namamatay, dahil kasi ang cholera kapag hindi natin naagapan, nagkakaroon ng severe dehydration ang mga pasyente lalong-lalo na kung ang mga pasyente na may cholera is immunocompromised o kaya ay vulnerable…”

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang Cholera ay isang “acute diarrhoeal” na sakit na kayang pumatay ng isang tao sa loob lamang ng isang oras kapag hindi agad nagamot.

G inanap ang taunang Bicol Regional Skill Competition sa prestihiyosong paaralan ng San Francisco Institute of Science and Technology noong ika-21 hanggang ika-23 ng Setyembre, 2022 sa Legazpi, Albay.

Nagwagi ng gintong medalya sina Michael Larry Baliza sa Electronics at John Jester H. Salen sa Web Technology, samantalang pilak naman ang inuwi nila Franz Czeska Rasco sa Graphic Design at John Alexis Abres sa IT Software Solution.

Dinaos ang pagtitipon sa pangunguna ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Region V na dinaluhan ng 17 pampubliko at pribadong institusyon buhat sa limang lalawigan sa rehiyon ng Bicol upang itanghal ang kanilang karunungan at kasanayan sa iba’t ibang kompetisyon.

Inumpisahan ito ng motorcade kasama ang tipon ng mga kalahok at kani-kanilang mga taga-sanay, kasunod ang misa na pinamunuan ni Rev. Father Paul Ocfemia na nagbabas sa naturang kompetisyon.

Binigyang-dangal ni Albay Gov. Hon. Noel E. Rosal ang okasyon, binigyang diin ang kahalagahan ng pagtitipon at pinuri ang TESDA Region V sa patuloy na pagbibigay ng angkop na karanasan sa mga kalahok.

Idineklara ni Assistant Regional Director Ruth E. Dayawen ang opisyal na pagsisimula ng paligsahan sa seremonyal na pagputol ni Governor Rosal ng kadena na simbolo ng kompetisyon

Nakatakdang irepresenta ng mga nagwaging kalahok ang Bicol sa paparating na National Skills Competition.

Saba, Saba Tayo!

Iba’t ibang uri ng meryenda ang makikita sa bawat tindahan, ngunit ang pinaka paborito ni Angela ay ang iba’t ibang luto ng sabang malinamnam at kung papantayan mo pa ng panulak na cucumber juice o buko juice ay tila sasampalin ka ng kasarapan ng mga ito sa iyong dila. Patok na patok ang lasa,

hahanap-hanapin mo pa nang madalas na tila ito ang rason sa iyong kumukulong kalamnan at kapag ito’y iyong natikman, maiintindihan mo na pak na pak nga talaga ang saba! Sabang masarap, sabang masustansya!

Ang saba ay kilala bilang saba na saging, matamis na plantain, o saba senegalensis. Ito ay tumutubo sa mga bungkos sa tuktok ng puno ng saging. Ang prutas ng saba ay mas maikli at mas makapal kaysa sa karaniwang saging

Pinapayuhan ng Department of Health (DOH) ang lahat na siguraduhin na ligtas ang iniinom na tubig at kapag hindi naman sigurado ang iinumin ay pakuluan muna ito kahit 20 minuto at huwag kalimutan ang paghuhugas ng kamay. Sa ngayon, wala pang lugar ang nagdedeklara ng outbreak na kaugnay sa kaso ng Cholera sapagkat ito’y kaya pang makontrol ng lokal na pamahalaan.

Pagluluwag sa mga dayuhan, inaprubahan ng Malacañang

ni: Aldwin Jake Caramoan

I naprubahan ng Malacañang ang Resolution no.2 ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) nitong ika-4 ng Oktubre 2022 sa isang teleconference.

Ang resolusyong ito ay naglalayong paluwagin ang testing at quarantine protocols sa bansa para sa mga inbound travellers.

Ayon sa isang panayam kay Office of the Press Secretary Officer-inCharge-Undersecretary, Ref. Atty. Cheloy Velicaria–Garafil, magsisimulang magkaroon ng bisa ang memorandum sa Oktubre 28, 2022.

Pinapahintulutan na ang mga fully vaccinated, dayuhan man o Pilipino, na bumiyahe sa loob at labas ng bansa kahit na walang pre-departure testing at anti-gen test. Kinakailangan ding magpakita ng Vaccination Certificate o iba pang mga katibayan na nagpapatunay na nakumpleto ang dalawang dosage ng vaccine, 14 na araw o higit pa bago ang departure sa bansang pinagmulan. Samantalang ang mga hindi vaccinated, ano man ang dahilan, ay nangangailangang magsumite ng negatibong resulta ng anti-gen test, 24 na oras bago ang arrival sa Pilipinas.

Ang mga inbound travellers naman na nagpositibo sa COVID-19 ay dapat na sumailalim sa quarantine at isolation protocols ng Department of Health (DOH).

Inatasan din ng palasyo ang Bureau of Quarantine ng DOH na makipagtulungan sa iba pang mga ahensya sa bansa upang matukoy ang mga katanggap-tanggap na patunay ng vaccination.

subalit hindi pa din maikakaila na marami itong benepisyo sa kalusugan kagaya ng karaniwang saging kinakain madalas ng mga tao.

Kung kakainin araw-araw ay hindi ka magsasawa sapagkat ang saba o saging ay maaaring lutuin sa iba’t ibang paraan. May nilagang saba, turon, banana cue, maruya, chips, minatamis na saging, ginataan, at maaari rin bilang panghimagas na banana con yelo. Nilalagay din ang saging sa iba’t ibang ulam kagaya ng adobo, sinigang, menudo at iba pa.

Ang pagkain ng saba ay may mataas na antas ng sustansya sapagkat mayaman sa starch o almirol na katulad ng nilalaman na carbohydrate sa isang patatas. Ito rin ay isang mahusay na mapagkukunan ng mga bitamina A, B, at C at naglalaman din ito ng dietary fiber at iron. Ang prutas ng saba ay may pinakamataas na nutritional value kapag natupok nang hilaw o kaya nama’y nilaga, subalit may nutritional value pa rin naman kahit ito’y niluto na.

Isa sa mga benepisyo nito ay ang pagkakaroon ng kakayahan na makatulong upang matunaw ang pagkain sa katawan dahil sa konsentrasyon nito sa dietary fiber kaya maaari nitong mapagtagumpayan ang mga sintomas ng paninigas ng dumi at bawasan ang

panganib ng mga ulcer sa tiyan at iba pang mga problema sa gastrointestinal ng isang tao. Ikalawa, kaya ng saba na mapabuti ang metabolismo dahil ang vitamin B nito ang nagbibigay-daan upang mapabuti ang metabolic process sa katawan at maaari din nitong mapabuti ang mga function ng nervous system. Ikatlo, makatutulong ito sa pag-iwas sa stroke at atake sa puso dahil ang prutas ng saba ay mayaman sa potassium na isang vasodilator kaya ito ay may kakayahan na bawasan ang strain sa mga daluyan ng dugo. Bukod pa dito ay may mataas na lebel ng Iron na nakatutulong sa mas maayos na sirkulasyon ng dugo at oxygen ng tao. Dagdag pa rito ay ang kakayahan nito sa pagpapabuti ng paningin, pagkontrol sa blood sugar, pagbabawas sa panganib ng hika at iba pa.

“Ang galing ng paborito kong meryenda! May benepisyo sa kalusugan hindi kagaya ng mga chichirya na masama sa katawan!” Sigaw na ani ni Angela, dalagang naniniwala na ang kalusugan ay kayamanan kaya hangga’t maaari ay dapat kumain ng masusustansyang pagkain ang mga tao kaysa sa mga junk foods lalong lalo na sa mga mag-aaral na kabataan dahil mas mabuti na habang maaga pa ay dapat pinangangalagaan na ang kalusugan upang mas mamuhay ng malusog, matagal at ligtas sa mga karamdaman.

ni: Tyrone James Z. Delos Santos LARAWAN MULA SA: https://pin.it/2iBxAcO MEDALYA NG TAGUMPAY. Ngiting inuwi ng mga estudyante ng MC ang ginto at pilak na medalya sa BRSC 2022 na ginanap sa Legazpi, Albay. LARAWAN MULA SA: Facebook page ng Mabini Colleges.

Pagtangis ng Isipan Pakinggan

I ka-11 at 12 ng Agosto, 2022 nang magsagawa ang Mabini Colleges ng isang Psychological First Aid (PFA) sa Flora Ibana Campus para mabigyan ng pagpapahalaga at atensyon ang kalusugang pangkaisipan ng mga estudyante, kasama ang kani-kaniya nilang tagapayo sa kanilang silid-aralan kung saan sila ay nagkaroon ng iba’t ibang aktibidad na nakapokus sa kanilang nararamdaman.

Isa sa bawat apat na Pilipino ang nakaranas ng depresyon simula ng umusbong ang pandemya. Sinasabing ang dahilan nito ay ang halos walang katapusang lockdowns at quarantine na naging dahilan para makulong ang mga tao sa sari-sariling mga tahanan. Hindi maaring makipaghalubilo o kahit ang magtanggal ng facemask kapag nasa pampublikong lugar sa takot na mahawaan ng virus na covid-19. Ngunit ngayon na mayroon nang pagluluwag, naapektuhan na naman ang mentalidad ng bawat isa, lalo na ng mga estudyante, sapagkat ngayon na lang muli sila papasok sa klase na face to face matapos ang humigit kumulang 2 taon ng online classes.

“Kaartehan lang ‘yan!” Iyan ang madalas mong maririnig na sasabihin ng mga nakatatanda kapag kalusugang pangkaisipan na ang pinag-uusapan. Para sa kanila hindi ito masyadong importante kumpara sa mga isyung kinakaharap natin sa lipunan subalit, hindi naman dapat ipinagkukumpara ang mga isyu dahil ang lahat ng problemang kinakaharap ay mahalagang mahanapan ng kasagutan para sa ikabubuti ng pamumuhay ng mga tao.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) suicide ang ika-25 na dahilan nang pagkamatay ng mga Pilipino noong 2020. Kinuha nito ang buhay ng 4,420 katao, mas mataas kumpara noong 2019 na umabot sa 2,810 ang buhay na nawala dahil sa suicide at kawalan ng pagpapahalaga sa mental na kalusugan ng mga Pilipino.

Kada araw tumataas pa ang mga numerong ito kaya ito ay dapat huwag hayaan na magpatuloy pa. Ang mga Pilipino sa bansa ay dapat gumalaw, magbago at tumigil sa pagpapawalang halaga sa mga isyung pangkaisipan dahil kung titigilan na ang mga mentalidad na nagsasabi na ito ay gawa-gawa lamang at kaartehan mas makabubuti ito para sa pag-iisip ng marami at sa kanilang emosyong nararamdaman. Huwag hayaan na may magpakamatay pa dahil ngayon ang tamang oras upang sila ay pakinggan at unawain.

Ang pagsasagawa ng Mabini Colleges ng PFA ay isang maliit na hakbang para sa isang malaking layunin, ang layuning maisaayos at mapabuti ang kalusugang pangkaisipan ng mga estudyante sa institusyon. Naging dahilan ito para mailabas ng mga mag-aaral ang kanilang tunay na nadarama nang hindi natatakot na mahusgahan at maganda ang nangyaring aktibidad na ito dahil marami sa mga estudyante ang nakahinga ng maluwag sapagkat nailabas nila ang mga kinikimkim na sama ng loob.Dahil din dito, mas pinagtibay ang tiwala at samahan ng mga mag-aaral at kanilang naintindihan na ang pagiging support system sa buhay ng isa’t isa ay makabubuti para sa kanila.

Kinakailangang magsagawa pa ng mga programang katulad nito ang maraming institusyon at paaralan mula sa iba’t ibang bansa. Mas mapapaganda nga kung tutulong at gagalaw din ang gobyerno para mas mapalawak ang sakop ng mga matutulungan. Maaari tayong magsagawa ng mga seminar o ‘di kaya nama’y mga infomercial na naglalayong imulat ang mga mata ng tao sa kung ano nga ba ang mental health at paano natin ito mapapangalagaan. Katulad ng kalusugang pang pisikal, ang kalusugang pang kaisipan ay isa ring mahalagang parte ng ating buhay dahil hindi magiging produktibo ang mga mag-aaral kung hindi maayos ang estado ng kanilang isip at walang matatapos na trabaho ang mga empleyado kung puro problema lamang ang kanilang naiisip.

Propesyonal, manggagawa, estudyante, maging mga politiko, lahat ng tao ay nakakaranas ng problema sa kalusugang pangkaisipan. Wala itong pinipili, bata man yan o matanda. Kaya kinakailangan ng lahat na imulat ang mga mata upang makita ang problema, buksan ang mga tainga upang pakinggan ang mahihina at malalakas na hinaing ng iba at intindihin ang kanilang mga nararamdaman upang mabigyang linaw ang kanilang kahalagahan sapagkat ang problemang may kinalaman sa mental health ay totoo.

Igkas sa Bagong Batas

Sierra Madre: Gulugod ng

Luzon, Kalasag ng Kalikasan

K amakailan lamang ay muling pinaigting ang panawagan para sa pangangalaga sa Sierra Madre matapos ang malaking papel na ginampanan nito sa pagpapababa ng epekto ng Bagyong Karding sa iba’t ibang lalawigan sa Luzon.

Binansagang gulugod o ‘backbone’ ng isla ng Luzon, ang Sierra Madre ay ang pinakamahabang bulubundukin sa bansa. May haba itong 514 kilometro na nagsisimula sa hilaga, sa Sta. Ana, Cagayan, pa-timog sa lalawigan ng Quezon.

Ang nasabing bulubundukin ay ang natural na panangga ng Luzon laban sa mga malalakas na bagyo, maging sa mga super typhoon. Katunayan, ilan sa mga malalakas na bagyo, tulad ng Bagyong Karding, na dumaan sa bansa ay pinahina ng ating ‘natural barrier’. Binabasag nito at sinasalag ang lakas at pinsala ng bagyong tumama sa lupa.

Sa bisa ng Proklamasyon Blg. 413, ipinagdiriwang natin tuwing ika26 ng Setyembre ang ‘Save Sierra Madre Day’ upang paalalahan ang publiko sa kahalagahan ng pangangalaga ng ating kabundukan.

Subalit, noong 2019, ipinanukala ang pagpapatayo ng Kaliwa Dam na magtatagal simula Enero 2020 hanggang Disyembre 2025. Ang proyekto ay may layuning tugunan ang pagtaas ng demand ng tubig. Ito rin ang sinasabing magiging solusyon sa kakulangan ng tubig sa buong Luzon sa pamamagitan ng pagtatayo ng dam para sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) service area.

Sa kabila ng positibong epekto nito, hindi maikakaila na mas nangingibabaw ang panganib na dulot nito sa kalikasan pati na sa mga mamamayang nakatira malapit dito. Sa usaping pangkapaligiran, idineklara ng

Haribon Foundation na ang nasabing dam ay nakakasira sa biodiversity ng lugar. Naapektuhan nito ang species ng wildlife, kabilang ang critically endangered Philippine eagle at iba pang naninirahan malapit sa kabundukan. Bukod sa pagkasira ng natural na habitat, ang pagpapatatag sa kabundukan ay nagiging sanhi ng pagtaas ng tsansa na nakakaranas tayo ng matinding epekto ng kalamidad. Lubhang nakakaapekto rin ito sa pamumuhay ng mga katutubong mamamayan sapagkat mawawalan sila ng pinagkukunan ng hanapbuhay at mawawasak ang kanilang kinagisnang tahanan.

Sa halip na magtayo ng panibagong pangmalawakang dam, nararapat na paigtingin ng gobyerno ang pag-aayos at pagpapabuti ng mga kasalukuyang dam, pagprotekta at pagsasaayos ng mga nasirang watershed gayundin ang pagtuklas sa mga bagong teknolohiya na makakatulong sa pagrecycle ng tubig at paghikayat sa ating kapwa Pilipino na magtipid sa pagkonsumo ng tubig.

Kaya naman, patuloy tayong makilahok sa panawagan na magkaisa sa adhikain na protektahan at sagipin ang kabundukan ng Sierra Madre mula sa kamay ng mga mapagsamantalang kawani ng pamahalaan upang patuloy tayong protektahan nito mula sa mapaminsalang sakuna.

Samakatuwid, ang Sierra Madre ay tunay na maituturing na gulugod ng Luzon at ang kalasag ng kalikasan. Huwag nating hayaan na mawasak ang ating pangunahing depensa sa mga sakuna. Panahon na para makiisa, kumilos at protektahan ang ating natural na panangga.

D iretsahan nang ipinagtibay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang SIM Card Registration Act sa isang pagpupulong sa Malacañang. Kaniyang binigyang diin na ang batas na ito ay makakatulong para sa pagpupuksa sa mga lupon ng masasamang gawain. Gayunman ay hindi positibong reaksyon ang natamo nito sa mga netizens.

Nitong Oktubre, taong 2022 lamang nilagdaan ni Pangulong Marcos Jr. ang Republic Act No. 11934 (RA 11934) o mas kilala bilang SIM Card

Registration Act. Nakasaad sa batas na ito ang sapilitang pagbigay ng personal na impormasyon para sa mga gumagamit ng SIM Cards at bibili nito, para naman sa mga layong tututol sa batas na ito ay mapipilitang buwagin ang kanilang Telecommunication Services. Patunay lamang na nais wakasan ang pribasiya ng mga tao sa lipunan. Ano ang plano ng pangulo? Hindi kailanman naging mainam ang pagsasapubliko ng personal na impormasyon, kaya naman isa itong depekto kung ituring ng publiko.

“The way it looks now, SIM Card Registration threatens the privacy and the anonymity of activists, journalists, and whistleblowers, and this has been observed as an alarming consequence in other countries that tried to implement these measures,” panayam kay Philip Jamilla, isang human rights advocate. Isang patotoo sa katotohanan. Hindi bumababa sa 16 ang mga bansang aktibo ang ganitong klase ng batas, at sa kasalukuyan ay hindi gaanong

maganda ang kinalalabasan ng batas na ito. Tulad na lamang ng bansang Tanzania, na hindi napoprotektahan ang pribasiya at personal na impormasyon ng mga suskritor, at naiiwang bukas sa iba-ibang uri ng huna ang mga datos dahil sa kakulangan ng seguridad nito.

Ikinabahala na rin ito ng ilang netizens dahil maaari itong pagmulan ng iba’t ibang uri ng krimen kumpara sa orihinal nitong pakinabang. Anila, matutuwa ang mga hackers pati na rin ang mga magnanakaw ng identidad dahil mas mapapadali ang kanilang mga lisyang gawa. Subalit, dahil din dito madaling mababakas ang mga may sala, kaya hindi rin maitatanggi na makakatulong ito sa seguridad ng TELECOM Services.

Kahit papaano ay may kapakinabangan pa rin ito, kung tuluyan na itong imamandato ay inaasahang mawawala na ang mga scam messages. Ayon sa Globe Telecom Inc., kinakailangan ang sistema ng National ID upang mas maging malawak at maimplementa ang seguridad ng bagong batas. Magiging mahirap ang pamamalakad kung isasangkot dito ang National ID, dahil matagagalan pa ang proseso subalit hanggang ngayon ay hindi pa lahat ng tao sa bansa ng Pilipinas ay natatanggap ang kani-

kanilang mga National ID.

Butas ang bagong batas ng Pangulo, asahan na magiging problema ang pagtagas ng mga personal na impormasyon, maging ang mga pambablackmail. Maaaring gamitin ito sa mga tao, pati na rin sa mga importanteng tao katulad ng Pangulo, at iba pa. Nilalalabag din nito ang Republic Act No. 10173 (RA 10173) na naglalayong protektahan ang personal na impormasyon at sistema ng komunikasyon laban sa gobyerno at ng mga pribadong sector. Kumbaga, hindi naman talaga ito kinakailangan para sa mga krisis na kinakaharap ngayon. Ituon nalang sana ang mga susunod na ordinansa sa mga importante at mahalagang problema na kinakailangang malutas tulad ng mga isyung merkado o palitan.

Dahil sa batas na ito, naging maugong ang usap-usapan kung mapagkakatiwalaan nga ba ang mga TELECOM Services at kung ano ang malalim na rason sa pagsasabatas ng ganitong klaseng tuntunin. Nararapat na hindi isapubliko ang personal na impormasyon dahil delikado ang kilos na ito. Ang batas na ito ay hindi mahalaga at mapanganib para sa lahat kung kaya’t dapat na itong ibasura.

GUHIT NI: ANGELA MAE A. BADINAS IKAPATI
AMANIKABLE SITAN
ni: Aldwin Jake Caramoan
ni: Clark James N.
Abihay
ni: Sidney Sheldan M. Denum
GUHIT NI: BIEN LOUIS A. ASIS

LARAWAN MULA SA: https://blogs.worldbank.org/eastasiapacific/mighty-mangroves-ofthe-hilippines-valuing-wetland-enefits-for-risk-reduction-conservation

IIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIII Tahanang Patuloy na Nasisira

A no ang iyong mararamdaman kung ang iyong bahay ay sinira ng ibang tao?

Karaniwang mararamdaman ay galit at lungkot na kung saan minsan, gusto na natin magwala o magmukmok kahahanap ng hustisya sa nangyaring hindi makatarungan. Kung ang mararamdaman ng tao ay ganito, paano naman kaya kung ang mga lamang-dagat ang apektado? Magagalit at malulungkot din kaya sila? Mapakikinggan ba natin ang kanilang mga hinaing?

Tunay ngang napakasakit ang mawalan ng tahanan, ganiyan din siguro ang nararanasan at nararamdaman ng mga isda, hipon, alimango at iba pang lamang-dagat na naninirahan sa kanilang tahanan o mas kilala natin sa tawag na “mangrove” na mukhang nakakatakot pero hindi naman gaano dahil marami ang benepisyong naibibigay nito sa ating kapaligiran. Ang mangrove ay isang ligtas na lugar at nagsisilbing habitat para sa mga lamang-dagat. Ito ay tinaguriang “nursery” ng mga isda dahil ito ang kanilang nagiging proteksyon o ligtas na lugar upang hindi sila basta-basta makuha at makain ng mga malalaking isda o predator at dito rin nila karaniwang dinadala ang kanilang mga maliliit na anak upang ligtas itong lumaki.

Hindi lamang sa mga isda nagbibigay ng proteksyon ang mangrove dahil sa tulong ng mga punong ito ay humihina ang hangin at ang alon na may dalang malakas na hampas na maaring magdulot ng masama at pagkasira.

Subalit, hindi maikakaila na ang mga mangrove rin ay isang magandang pinagkukunan ng mga ginagamit sa paggawa ng bahay tulad ng kahoy, nipa, at uling, ngunit kapag nasobrahan sa pagkuha nito ay malaki ang epekto nito sa karagatan.

Sa isang araw, madalas na isda, at iba pang lamang dagat ang pagkain na nagbibigay ng lakas at enerhiya sa mga tao. Kaya kung magkukulang ang suplay nito dahil sa kawalan o pagkasira ng kanilang tahanan ay maaaring tumaas ang kanilang presyo, at bihira na itong makakain ng madla. Kung kaya’t naaapektuhan ang lahat kapag ang mangrove na kanilang tahanan ay nawawasak.

Sa ngayon, unti-unting nasisira ang mangrove dahil sa labis na pagkuha ng kahoy, nipa, at uling ng mga tao. Malaki ang epekto nito sa mga isda na nakatira roon sapagkat mawawalan sila ng tahanan kapag nasira ang mangrove. Isa pang dahilan ay ang urbanisasyon dahil sa patuloy na pag-unlad ng ibang lugar ay tila nasasagasaan na ang likas na yaman para lamang sa mga pagbabagong inaasam.

Laging tandaan na kahit tayo’y nag-aasam ng pagbabagong makabubuti sa lahat ay huwag kalimutang maging responsable sa bawat kilos na gagawin. Panatilihin ang pangangalaga sa kalikasan lalo na sa mga mangrove sapagkat ito ay tahanan ng mga isda at marami ang maapektuhan kapag patuloy na nasisira ang mga ito sa bansa. Dapat alalahanin ng lahat na hindi lamang mga isda ang apektado, kung hindi ang mga tao rin dahil mababawasan ang suplay ng isda kung pababayaan ang mga mangrove, at kapag ito ay nangyari, ang mga tao rin ang pinaka maaapektuhan. Dagdag pa rito, ang pag-iisip nang mabuti ay isagawa upang ang tahanang nasisira ay maiwasan.

Walang Sawang Pagwiwisik, May Benepisyo Ba?

Wisik dito, wisik doon, isa pa ngang wisik dahil parang hindi pa sapat ang mga wisik na ito. Amoy matapang na ang buong silid-aralan dahil sa kakawisik ng isopropyl alcohol ng batang si Tyrone.

Tila nasa ospital na nga raw ang lahat sabi ng iba sa kaniya kaya napuno ng tawanan at malalakas na halakhak ang buong silid.

“Atleast, mas ligtas diba?

Atsaka hoy! Mabango naman! Pero oo nga amoy ospital na…” Pabiro ngunit makatotohanang ani ni Tyrone na nagnanais lang naman ng kalinisan sa buong silid.

Simula noong kasagsagan ng Coronavirus o CoViD ay naging mas mabenta ang isopropyl alcohol sa bawat supermarket at mga botika sa Pilipinas, maging sa ibang bansa. Nagpapaunahan nga noon ang mga tao sa pagbili kaya madalas itong maubos sa bawat pamilihan. Hindi naman na ganoon kalala ang sitwasyon, subalit hindi pa rin maikakaila na ito ay mahalaga kaya ito ay dala ng marami sa bawat lugar na kanilang pinupuntahan. Halimbawa nito ay si Tyrone na laging may dalang bote ng alcohol sa kanilang paaralan at sa kung saan pa man siya pupunta.

Mahalaga ang paggamit ng alcohol o kaya naman ay sanitizer bago kumain, pagkatapos kumain, bago may hawakan at kapag may hinawakan na. Ito ay kabilang sa mga essentials na dapat dalhin ng bawat estudyante, mga propesyonal, at iba pa dahil pinipigilan at pinapatay nito ang paglaki o pagdami ng fungi, bacteria at virus sa balat, sa katawan o maging sa paligid. Ang alcohol at sanitizer ay para sa external use only o sa labas ng katawan lang dapat gamitin sapagkat maaaring malason ang tao kapag ito ay pumasok sa katawan o kapag ito ay nainom.

MICHAEL BALIZA:

INTERES, PANGARAP, GINTO

ni: Gem Hilary P.

S i Michael Larry Baliza ay isang mag-aaral sa institusyon ng Mabini Colleges magmula noong siya ay Junior High School hanggang ngayon kung saan siya ay Senior High School o nasa ika-12 na grado mula sa seksyon ng Faraday. Siya ay isang magaling na mag-aaral na nagsusumikap sa buhay at itinanghal na panalo sa patimpalak na tungkol sa electronics sa Bicol Regional Skills Competition 2022 sa Legazpi, Albay na pinamunuan ng TESDA, Region V kung saan si Michael ay umuwi ng mayroong gintong medalya ng may masayang ngiti sa mga labi.

Ayon kay Michael, ang kaniyang interes sa electronics ay nagsimula sa murang edad. Noong una, siya ay nangongolekta lamang ng mga sirang laruan na sa kaniyang tingin ay maaaring irecycle o magamit muli. Ang mga laruan na ito ay kaniyang sinisigurado na may DC motors, gears, wires, baterya, at marami pang iba na sa kaniyang tingin ay kapaki-pakinabang. Simula raw noon ay nabuo ang kaniyang pangarap na lumikha at mag-imbento ng mga elektronikong kagamitan na maaaring makatulong sa pang araw-araw na buhay, hindi lang sa buhay niya dahil pati na rin ito sa buhay ng iba.

Ang ilan sa kaniyang mga pangarap ay hindi posible dahil sa maraming bagay, subalit ang pinakapumigil sa iba pa niyang mga gusto at kailangan ay ang kakulangan sa pondo o mga problemang pinansyal dahil siya ay bata pa lamang. Subalit nang lumipas ang mga panahon, sa kaniyang ilang taon na

Ang alcohol at sanitizer ay may mga laman na: Ethanol, Purified Water, Glycerin, Polyhexamethylene Biguanide, Benzalkonium Chloride, Aloe Barbadensis Leaf Extract, Propylene Glycol, at iba pa. Ethanol at ay mahalaga dito bilang isang astringent upang matulungan at mapanatiling malinis ang balat dahil sa bisa nito sa pagpatay ng mga makrong organismo. Ang Purified Water ay

paghihintay ay may dumating na pagkakataon kung saan siya ay binilhan ng kaniyang ama ng isang set ng precision screws na nakatulong sa kaniya kaya siya’y lubos na nagpapasalamat dahil sa regalong natanggap. Kaniyang tuwang tuwa na ipinahayag na dito na rin nagsimula ang kaniyang pagbuo ng isang negosyo patungkol sa pag-aayos ng mga teleponong may problema o sira kung saan marami ang mga nagpaayos at nagpapaayos pa sa kaniya ng mga telepono.

Sa kaniyang pagpapatuloy sa ginagawa, habang isinasabay dito ang kaniyang pag-aaral ay napansin niya na siya ay mas bumubuti, mas natututo at mas nasasanay kaya ito ay kaniyang naging inspirasyon upang ipagpatuloy ang kaniyang talento, talento na naging sanhi ng kaniyang pagsali sa mga patimpalak na tila simula ng kaniyang mahirap ngunit magandang karera sa buhay.

“Nabalitaan ko lang din noong nakaraan na nagkaroon ang TESDA ng scholarship kaya ako ay nasasabik dahil sa wakas ay mas makatutulong ito sa pagpapalawak ng aking kaalaman at karanasan,” ani ni Michael.

“Simula nito ay tinulungan ako ni Ginoong Brian L. Dioneda na isang guro sa Mabini na mahusay sa computer programming, electronics at iba pa. Tinulungan ako ni coach na paunlarin ang aking husay sa electronics

malinis na tubig na naproseso upang alisin ang mga dumi tulad ng mga kemikal at iba pang mga kontaminante. Ang Glycerin, Polyhexamethylene Biguanide, at Benzalkonium Chloride ay may mga epektibong kakayahan sa pagpatay ng mga bacterya at mikrobyo. Aloe Barbadensis Leaf Extract naman ay nagmula sa katas dahon ng halamang aloe vera at pareho sila ng Propylene Glycol na nag ma-moisturize ng balat upang hindi ito matuyo.

Maliban sa paggamit ng alcohol o sanitizer, mainam din na ugaliin ang pagsasabon ng mga kamay dahil ito ang bahagi ng katawan na pinakamadalas na ginagamit ng tao kaya ito ay madaling dapuan ng iba’t ibang uri ng fungi at iba pa na may masamang binabalak sa kalusugan at katawan. Kapag hinayaan naman na may marumi sa sarili o sa anumang bahagi ng katawan ay delikado ang kalusugan sapagkat maaaring sumama ang pakiramdam ng tao.

Marami at malaki ang benepisyo ng sabon, sanitizer at lalong lalo na ang alcohol kahit lumuwag na ang sitwasyon ng CoViD sa Pilipinas dahil kahit papaano, ang pagpapanatili ng kalinisan gamit ang mga ito ay nakatutulong sa bawat tao lalo na’t mahirap ang magkaroon ng sakit ngayong panahon. Kagaya nga ng madalas na sinasabi ni Kuya Kim Atienza, “ligtas ang may alam,” isang mensahe na nagsasabing dapat alam natin ang mga bagay-bagay na nangyayari sa paligid kagaya ng pagiging huwag kampante sa pagluwag ng sitwasyon at tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng mga sarili.

Araw-araw, si Tyrone ay hindi nakalilimot na magwisik ng alcohol sa kanilang silid-aralan, lagi rin siyang nagwiwisik o kaya nama’y nagpapahid ng sanitizer sa kamay kapag kailangan, at higit sa lahat ay nagdidisimpekta ng katawan bago umuwi at bago pumasok sa kanilang tahanan. Tila hindi nauubusan sa alcohol at sanitizer si Tyrone sapagkat hindi siya nag-aalangan na magdisimpekta nang magdisimpekta na kahit pa biruin siya ng kaniyang mga kaklase at kaibigan ay sinabi niya pa rin na “mas mabuti na ang amoy ospital ang silid kaysa naman wala tayong pangamoy kaya kayo! Oo kayo! Mag-alcohol at sanitizer kayo palagi, ugaliin rin ang magsabon para iwas sa sakit at para 99.9% ng bacteria o virus ay patay!”

at ako ay lubos na nagpapasalamat na ako ay pinili niya para lumaban sa panlalawigan at rehiyonal na kompetisyon sa TESDA kung saan ako ay nanalo ng ginto,” dagdag pa ni Michael na masaya, nagagalak sa sarili, at lubos na nagpapasalamat sa kaniyang iniidolong coach.

Sa kaniyang pagkapanalo sa Regional na kompetisyon ay ang simula na rin ng kaniyang paghahanda para sa Pambansang Kompetisyon ng World Skills Philippines ngayong Abril dahil si Michael ay napili na lumaban dito bilang pambato ng Bicol. Siya at ang kaniyang coach na si Ginoong Dioneda ay nasasabik sa darating na tagisan ng talento sa electronics na may layunin ulit na maiuwing muli ang ginto para sa paaralan, mahal sa buhay, pamilya, sarili at higit sa lahat, para sa pangarap.

ni: Jether B. Villafranca GINTONG PANGARAP. Nakamit ni Michael Larry Baliza, isang mag-aaral sa ika-12 na baitang, ang gintong medalya sa ginanap na Bicol Regional Skill Competition 2022 sa Legazpi, Albay. LARAWAN MULA KAY: Ely Abando De Leon

Pinya kayo diyan!

Bentang-benta sa panlasa ng mga Pinoy ang mga pagkaing matatamis at maasim, kaya naman isa ang pinya sa pinaka paborito nating kainin at ihain sa mesa bilang panghimagas matapos ang masarap na pananghalian. Habang ang iba pa nga, ay nilalagay ito sa iba’t ibang putahe na kanilang niluluto, tulad ng patatim, atsara, at pininyahang manok.

Ang pinya o pineapple (ananas comosus) ay nagmula sa Timog Amerika, pinangalanan ito ng mga sinaunang mga kolonisador ng Europa dahil sa pagkakatulad nito sa isang pine cone. Bukod sa masarap na lasa ng pinya, isa rin sa mga rason kung bakit palagi itong inihahain sa plato ng mga pinoy ay ang mga benipisyo nito sa ating kalusugan.

Ang pinya ay nakatutulong para sa pagpapanatili ng malakas at malusog na immune system natin. Nakatutulong din ito sa paglaki at paglakas ng ating mga buto at pati na sa pagpapanatili ng isang malusog na metabolismo. Sinasabi ring naglalaman ito ng iba-ibang klase ng sustansiya tulad ng protein, fiber, carbs, vitamin c, manganese, potassium, at vitamin B6. Naglalaman din ito ng antioxidants na nakatutulong para malabanan natin ang iba’t ibang klase ng sakit.

Subalit, hindi lamang ito ang dahilan kung bakit napamahal na sa mga pinoy ang pagkain ng pinya. Sa lalawigan ng Camarines Norte, isang uri

TUNAY NA DARNA

“D ing! Ang bato!” Iyan ang sabi ng bida bago siya nagpalit ng anyo bilang isang superhero sa laging pinapanood ni Chloe na palabas, ang Mars Ravelo’s Darna na nagbibigay humaling ngayon sa sangkatauhan. Ang bidang si Darna ay may angking kakayahang taglay at kabutihan sa puso kaya siya ang naatasan na magbigay proteksiyon at alaga sa batong makapangyarihan. Sa layunin na mayroon siya ay ginagamit niya na rin ito upang bigyan ng tulong at proteksyon ang kaniyang kapwa laban sa kapahamakan, kasamaan at iba pang hindi magandang bagay na nagaganap sa bansa.

“Sa totoong buhay, may Darna ba talaga dito sa Pilipinas?” Tanong ni Chloe.

Kamakailan lamang nagkaroon ng bagyong Karding (Noru) na tumama sa Pilipinas noong ika-25 na araw ng Setyembre 2022. Ito ay isang “super typhoon” na may dalang pinakamalakas na hangin: 300 km/h (200 mph) sa loob ng sampung minuto at 480 km/h (300 mph) sa loob ng dalawang minuto. Subalit, ang malakas na bugsong daladala nito ay pinahina ng bulubundukin na kilala sa pangalan na Northern Sierra Madre Natural Park o ang Sierra Madre. Ang Sierra Madre ay isang napakalawak na anyong lupa na nasa 1.4 milyong ektarya kung saan binubuo ito ng 40 porsyento ng natitirang kagubatan sa buong bansa. Ito ay mayroong haba na 500 km kung saan sampung probinsya ang abot nito: ang Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Nueva Ecija, Aurora, Rizal, Laguna, at Quezon. Bukod sa malawak na anyong lupa ay marami ang naninirahan na iba’t ibang hayop dito: 201 na uri ng mammals, 85 na uri ng amphibians, at 252 na uri ng mga reptilya. Nasa mahigit 3,500 na klase naman ng puno at halaman na kapaki-pakinabang ang matatagpuan sa bulubundukin at kagubatan.

Bagyong Ompong (Mangkhut), Bagyong Lawin (Haima), Bagyong Karen (Saika), at Bagyong Karding (Nomu), ang mga bagyong nabanggit ay mga pinahina ng Sierra Madre kung saan malaki ang silbi ng kagubatan ng Sierra Madre dahil isa itong natural na panangga laban sa mga talamak na unos na maaaring makapagbigay ng malalang epekto sa bansa. Subalit, sa kabila ng kapakinabangan nito sa bansa lalo na sa parte ng Luzon, ay hindi maikakaila na nangangailangan din ito ng pangangalaga at proteksiyon.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang bulubundukin ay nawalan na raw ng 161, 240 hektarya sa loob ng 12 taon, mula 1998 hanggang 2010 at sinabi rin ng DENR na kada taon ay nawawalan ang Sierra Madre ng average na 1,400 hektarya ng bulubundukin. Ito ay dahil daw sa ilegal at legal na

pagmimina, pangangaso, pagpuputol ng puno, koleksyon ng panggatongkahoy, pagpapalit ng lupa, pagtotroso, pagpapagawa ng mga kalsada at dam, pagpapalawak ng tirahan ng tao, at marami pang iba kung saan ang lahat ng ito ay patuloy na nagbibigay ng masamang epekto hanggat hindi pa rin napipigilan.

Mula kay Arceli Mercado, namumuno sa Save Sierra Madre Network Alliance (SSMNA), “Ang Sierra Madre ay napakahalaga para sa pagprotekta sa mga probinsiya ng Pilipinas lalo na’t marami ang bagyong dumarating kada taon na mas palakas ng palakas at mas maaring makapagdulot ng destruksiyon sa mga imprastraktura at agrikultura.”

Dagdag pa niya na “Nasa yugto na tayo ng emergency sa klima at hindi natin kayang mawala ang Sierra Madre dahil ang epekto ng mga bagyong darating sa susunod na mga panahon ay maaaring maging sakuna at magdulot ng pagkawala ng maraming buhay.” Ang mga isinaad ni Mercado ay upang mahikayat ang mga tao na magkaroon ng pakialam dahil ang kamalayan ang pinakakailangan upang ang mga problema ay maresolba at upang mas mabigyan ng pangangalaga at karampatang pansin ang Sierra Madre pati na rin ang iba pang mga natural na lugar at likas na yaman ng bansa. Kaniyang ipinahiwatig na kailangan din ng tulong ng Sierra Madre upang masugpo ang mga taong mapanlamang sa kalikasan. Hindi lang ang likas na yaman ang dapat magbigay proteksiyon, ang mga tao ay dapat ding umaksyon.

“Aha! Ang tunay na Darna ay ang Sierra Madre dahil sa kaniyang mga depensang ambag sa bansa tuwing may mga bagyong naghihimagsik! Ngunit, maaari ring maging tunay na Darna ang mga tao kung magbibigay din tayo ng proteksiyon, tulong, pangangalaga, at pagmamahal sa kalikasan ng bansa lalong lalo na sa Sierra Madre!” Sigaw ni Chloe nang kaniyang naisipan na ihambing si Darna sa Sierra Madre na nagbibigay sa kaniya ng malawak na ngiti sapagkat siya’y tuwang-tuwa sa kaniyang napagtanto na ang bulubundukin, siya, at ang lahat ng tao ay puwedeng maging tunay na Darna kahit walang bato na magbibigay ng kapangyarihang kakaiba. Si Chloe ay nagpatuloy sa panunuod at sa kada episode na lumilipas arawaraw ay mas nagbibigay ito ng sabik sa kaniyang kalooban at inspirasyon

ng pinya ang napansin pa, kaya ito ay unti-unting umuunlad. Ito ay ang Formosa na tinaguriang “The Queen pineapple” dahil sa kakaiba nitong tamis at sarap na hindi makalilimutan ng dila. Ang lupa sa lalawigang ito ay mayaman sa potassium akma sa pangangailangan para makapagtanim ng pinya, dahil dito 96% ng kabuohang produksiyon ng 118,492.25 metrikong tonelada ng pinya noong 2014 ay nanggaling sa lalawigan.

Bukod sa pagkain at pagbebenta ng pinya bilang panghimagas, maari rin itong gawing tela na tinatawag na “piñatex”. Ito ay ginagawang tela sa pamamagitan ng paggamit ng dahon ng prutas at pagproseso rito para maging fibers na siyang pinagtatagpi-tagpi para maging bag, sapatos at iba pa.

Kaya naman huwag nating tawagin ang pinya, bilang “pinya lang,” dahil ang pinya ay higit pa sa pagiging prutas at pagkain. Naging dahilan ito para magkaroon ng trabaho ang libo-libong magsasaka, ito rin ang naging dahilan kung bakit nakapagtapos sa pag-aaral ang ilang Pilipino at naging parte ng rason kung bakit umuunlad ang agrikultura sa bansa. Kaya’t sa susunod na makarinig ka ng “Pinya kayo diyan!” Isipin mo kung ilang buhay ang mababago sa pagkain ng isang matamis at masarap na prutas tulad ng pinya.

BEEP! Ang sabi ng dyip

dahilan din ito para lalo pang lumala ang malala nang kalagayan ng kapaligiran, at a ng mga itim na usok na siyang nilalabas nito ay lubha ring mapanganib sa kalusugan ng mga tao.

ng Maynila. Mga busina na animo’y mga kuliglig sa ilalim ng tirik ng araw.

Mayroong pula, puti, dilaw, at marami pang iba’t ibang naggagandahang mga kulay. Ang ilan nga ay may mukha pa ng mga paborito nilang artista, habang ang ilan naman ay may nakapintang imahe ng mga sikat na karakter sa palabas. Mayroon nga ring mga mukha pa ng kanilang pinaniniwalaang Santo at Santa ang nakapinta at may kabit pang maiikling slogan.

Iyan ang dyip, isang uri ng transportasyon na nagmula pa sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano sa bansa, na kinalaunan, ay naging isang pampublikong sasakyan para sa mga Pilipino.

Subalit, pagkaraan ng ilang dekada, ito ngayon ay nanganganib na mawala. Dahil sa mga nakakalasong mga usok na binubuga nito, unti-unting nalulugmok ang kalidad ng hangin sa bansa. Naging

Araw-araw animo’y isa itong smoke-belchers dahil sa 40-kilo ng carbon dioxide na nilalabas nito, bukod pa roon, ito rin ang responsable para sa 15% ng matter emission sa bansa. Naging dahilan ang mga ito kung bakit sinasabing ang mga dyip ay isa sa pinakamalaking contributor sa air pollution o polusyon sa hangin sa Pilipinas.

Tila ba isa itong matandang empleyado na malimit magkasakit at nangangailangan nang palitan ng bago, palitan ng isang makabagong dyip. Dyip na hindi nakakasama sa kapaligiran, at sa kalusugan ng nakararami. Isang dyip na magiging dahilan nang pagbawas ng carbon emission, at isang dyip na nagdudulot ng mas magandang kalidad ng hangin.

Napakahalaga ng kapaligiran, ngunit mahalaga rin ang mga dyip na naging parte na ng ating kultura. Mga dyip na saksi sa paghihirap ng mga Pilipino arawaraw at mga dyip na pamana pa sa atin ng mga kolonistang Amerikano.

Sa pagdaan ng mga taon, maraming administrasyon na rin ang natapos. Ngunit, ang mga busina ng dyip na ito ay patuloy pa ring gumigising sa atin tuwing umaga. Ikaw ba? Handa ka na bang hindi marinig ang, “Beep! Beep! Beep!” ng isang dyip?

ni: Gem Hilary P. Pentecostes ni: Kristina Cassandra T. Gonzaga LARAWAN MULA SA: https://pin.it/6EzoLoV
LARAWAN MULA SA: https://pin.it/3JjkwWl
kalsada-modern-puv-has-traditional-jeepney-looks
LARAWAN MULA SA: https://pin.it/6EzoLoV
LARAWAN MULA SA: https://news.abs-cbn.com/business/09/15/22/hari-ng-

DancesportsItinayo,lang?

Iikot nang suave. Titingin sa kapares. Muling iindak. Bawat pilantik sabay sa kumpas ng musika, kasabay ng pagtulo ng likidong kapital ng sariling pangarap.

Isang kahig, isang tuka. Sa larangan ng dancesports, mahalaga kung saan ilalagay ang bawat pitik ng kamay at lapat ng paa sa entablado. Sa dinami-rami ng kalahok, sa’yo lang dapat nakatutok ang mga mata ng manonood.

Kaya nga, sa dalawang pares ng mga kalahok na ipinadala ng Mabini Colleges High School Department sa ginanap na Intramurals, nasungkit ang 1st runner-up sa kategoryang Latin at 2nd runner-up sa kategoryang standard.

Ibinuhos ang lahat, mula ikaanim hanggang ikasampu ng gabi, tuloy ang ensayo simbuyo ng kagustuhan sa pagsayaw. Iba’t ibang kinagisnan ngunit iisa ang nais – maipakita ang sarili sa rurok nito, hindi lang bilang isang mag-aaral, pati na rin bilang isang mananayaw.

Ito si Eman Ralph L. Mesa.

Maraming naging hadlang upang magpatuloy sa dancesports, ngunit nahanap niya ang kaniyang sarili sa dagat ng naliligaw. Kapares ni Sheree Lou Rieza, na sabay umindayog sa ritmo ng mga napakasarap na tunog. Labing-isang taon sa pagsayaw, hindi pa rin nawawala ang apoy sa kaniyang mga mata. Sa tulong ng sariling pamilya, mga kaibigan, at ang kaniyang mga naging inspirasyon, nahanap ni Eman kung sino siya. Kaya, heto, bumubulong sa sarili ng, “ako ito.”

Heto naman si Joanna Gabriel D. Juguilon. Higit pitong taon na sa pagsayaw, unang beses sa larangan ng dancesports. Sa loob ng pitong taon na ito, natutuhan niya na marami pa ang kaniyang kayang gawin. Kahit nahaharangan ng matayog na hadlang sa paglago, sarili lang din naman niya ang nagtayo nito; sa tulong ng mga taong nagmamahal sa kaniya, at lalong-lalo na si Joanna, kayang-kaya nila itong patumbahin! Patuloy na sumisigaw, “kaya ko pa!”

Si Jermaine Emsly T. Baraquiel, kapares ni Joanna.

Sa bawat pagsubok na binibigay ng buhay niya, tanggap lang nang tanggap si Jermaine at pilit itong kinakaya – na naisasakatuparan niya naman!

Mula grade 1 ay nahilig na sa pagsayaw, damangdama ang kaniyang presensya sa tuwing nasa gitna ng entablado. Kaya naman sa tuwing makalalampas siya sa mga bagong pagsubok, sasambit ng, “ito lang ba?”

Ako ito. Kaya ko pa! Ito lang ba?

Sa apat na naging mananayaw ng High School Department, hindi matatawaran ang mga sakripisyo para sa pag-unlad. Kay Eman, Sheree, Joanna, at Jermaine; sa susunod na pitik ng litrato kasama kayo, ngayong alam niyo na kung sino kayo at ano ang sariling kakayahan at limitasyon, sapat na ang pinakamalaking ngiti hudyat ng pagbabago!

Naipamalas ang galing at talento, isang hakbang paakyat sa mga pangarap. Sa harap ng napakaraming naging pagsubok, oras, at perang naging puhunan, naipundar ang sarili – hindi ito dancesports lang.

Tungo sa Tuktok

Naging hamon sa kanilang tagapagturo kung paano disiplinahin ang mga manlalaro nang hindi nagiging sobrang higpit sa pagturo. Bago pa magsimula ang balik-eskwela ay nagkaroon na ng praktis ang mga dating manlalaro ng volleyball. Tuwing linggo ay naglalaan sila ng tatlong oras na ensayo upang masanay sa paglalaro ng bola ang kanilang palad at katawan na natengga noong quarantine. Pinaghandaan, pinagsumikapan, at pinaglaanan ng oras ang pag-eensayo para sa nalalapit na laban. Mula ikaanim ng umaga hanggang ikaanim ng gabi. Isinala nang mabuti ng kanilang coach ang mga gustong makasali sa grupo ng Red Phoenix Volleyball Team. Pinilahan at halos mahirapan mamili ng bagong miyembro ngunit nakaraos pa rin sa tulong ng mga dating manlalaro. Sumapit ang araw na sila’y lalaban. Isip at lakas ang kailangan upang matalo ang kalaban. Tagisan ng palo at ubusan ng enerhiya sa paglalaro. Puntos sa Red Phoenix at puntos sa kabilang grupo. Nakabibinging sigawan

Tropeyong

Katumbas

ang maririnig sa bawat kanto ng gusaling pinagdausan ng laro.

Sa kalagitnaan ng kanilang paglalaro sa finals ay kitangkita ang tagaktak na pawis sa kanilang mga mukha at ang pagsubaybay ng kanilang mga mata sa pagpapasahan ng bola. Gaano man kalamig ang simoy ng hangin sa gabi, gayon naman ang init ng laban sa pagitan ng College of Criminal Justice Education (CCJE) at Red Phoenix. Makalipas ang ilang minuto ay lumalayo na ang puntos ng dalawang magkalabang grupo. Mapanlinlang ang bola. Kitang-kita ang galing ng CCJE sa laro at kung gaano ito kabihasa pagdating sa larangan ng volleyball. Hampas sa bola, galing sa pagtantiya at bilis ng paa sa paghabol sa bola ang naging galaw ng team CCJE sa paligsahan. Sa dulo ay nagwagi ang CCJE sa patimpalak.

Pinarangalan bilang kampeon sa

larong volleyball makalipas ang dalawang taon ng pandemya. Nagsigawan at nagpalakpakan ang ilang mga manonood ng laro. Nadaig man ang Sekondaryang Departamento sa laro ay uuwi pa rin silang may ngiti sa labi, bitbit ang nabuong magandang samahan ng Red Phoenix kasama ang kanilang coach na si Sir Henry Blaise E. Ilan. Ayon dito, natuto siyang gumising nang maaga para sa mga mag-aaral na hahasain niya pagdating sa larong volleyball. Ang koneksyong nabuo sa pagitan ng mga manlalaro ng Red Phoenix ay walang katumbas na kahit anong tropeyo dahil hindi lamang ito nabubuo sa loob ng court, naidadala rin ito

Pinatagal ang Sandaling Panahon

“R-E-D Phoe-Nix! R-E-D Phoe-Nix!”

Habang isinisigaw nila iyon, ako naman ay tumatakbo papunta sa kung nasaan ang bola. Pumwesto ako at humanda para sa receive sabay bigay ng bola sa aking kasamahan. May estudyanteng kumuha ng litrato ko habang naka-squat Noong napansin ko iyon, nanumbalik sa akin ang mga alaala ko nitong mga nakaraang linggo. Noong nagsasanay pa kami, kinukuhanan ko ng litrato ang sarili at ang mga kasamahan, dahil nais kong maalala ang mga pangyayaring ganito sa aking buhay. Sa bawat litrato, iba’t iba ang mga kwento sa likod nito

Sa mga unang araw, ang mga litrato ay puno ng saya at pananabik na laruin ang paborito kong isport. Labis ang tuwa ko nang nalamang may ganitong kaganapan sa paaralan at napili na maging isa sa mga manlalaro. Kaya nais ko na kapag binalikan ko ang mga ito, makikita talaga ang aking nag-aalab na pagmamahal para sa mga laro.

“Mahirap buhatin, mahirap din kayanin.” Ito ang nasa isip ng isang dalaga at kaunti na lang, bibitawan niya na ang kaniyang binubuhat.

Hindi niya ito magawang bitawan dahil hindi naging hudyat ang bigat pagdating sa kaniyang iniidolo at tinitingalang atleta na si Hidilyn Diaz. Naging inspirasyon niya si Hidilyn dahil siya ay isang kilalang weightlifter at ang pinakaunang Filipina na nag-uwi ng Olympic gold medal para sa Pilipinas. Isa rin siyang Olympic weightlifting record holder matapos manalo sa women’s 55 kg category for weightlifting noong 2020 Summer Olympics.

Mas lalo pang lumalakas ang kaniyang loob dahil iniisip niya na kung kinaya ni Hidilyn ang lahat ng iyon, siya pa kaya? Dahil dito, paunti-unti siyang humahakbang patungo sa taas tulad ng paghakbang ni Hidilyn upang makuha ang titulong hindi niya inasahan tulad ng titulong “Athlete of the Year”. Sa unang hakbang.

Simula pa lamang ito papunta sa taas, “huwag matakot lumingon sa likod dahil hindi pa naman mahuhulog.” Sa puntong ito, naranasan niya ang pambabatikos at pangungutya ng mga nasa paligid dahil lamang sa isa siyang weightlifter. Ito ay tumulad sa mga karanasang tumatak sa isipan ni Hidilyn noong siya ay nagsisimula pa lamang. Ikalawang hakbang.

Hindi pa malapit sa taas ngunit nadaanan na ang unang pagsubok na lumapit sa kanila. Ang tunog ng kampana sa kanilang paaralan ay hindi na muling mapakikinggan dahil mas pinili nilang mag-ensayo upang maging praktisado sa larangan ng weightlifting.

Kung pinili ni Hidilyn na itigil ang pag-aaral ganoon din ang ginawa ng dalaga sa kasalukuyang panahon. Ang pagdedesisiyong itigil ang pag-aaral ay napakahirap para sa dalaga ngunit sa paraang ito, mapapalago niya ang kaniyang kasanayan sa pagbubuhat.

Dako sa ikatlong hakbang.

Kung hindi na nila maririnig ang kampana, paano pa kaya kung hindi na rin maririnig ang kulitan sa loob ng kanilang tahanan? Ang sakripisyong hindi makakasama ang kanilang mga magulang at pamilya sa mahabang panahon ay nagbigay sakit sa kanilang damdamin. Mahirap man ito ngunit kakayanin dahil malapit na sila sa tuktok ng kanilang paroroonan.

Marami nang hakbang ang kanilang inilapat ngunit dahil sila ay determinado, hindi nila naisip na lumingon sa likod. May pagkakataon man na sila ay

mahuhulog ngunit tinitibayan pa rin nila ang kanilang loob para sa kanilang pangarap at ito ay nakatulong upang patuloy pa rin ang kanilang paghakbang at pagbuhat sa pag-asang ang mga ito ay kanilang malagpasan.

Ang huling hakbang. Sa wakas, nakaabot na rin sa tuktok at sa mga hakbang na kanilang nalagpasan, tila marami rin ang kanilang natutunan. Ito ang siyang naging batayan upang maging mataas ang kanilang pagtingin sa kanilang sarili sa sandali na sila ay kasapi sa kompetisyon para sa women’s weightlifting.

Ang kompetisyong sinalihan ng dalaga ay nagdala sa kaniya ng takot at kaba dahil sa isip na baka hindi niya matagumpay na maangat ang barbell at walang mauwing kahit isang medalyang matagal na niyang hinahangad. Sa sandaling mahawakan niya na ang barbell, sumabay ang pagtulo ng kaniyang mga pawis na nagsasabing malayo na ang kaniyang mga narating at ito’y malalagpasan din.

Dumating sa punto na naging matagumpay ang pag-akyat niya sa entablado at sa tuktok ng hagdang nagbigay ng pasakit at pagsubok. Ang mga iyon din pala ang nagbigay ng lakas sa kaniya nang siya ay nakatayo, nakataas ang parehong kamay, buhat ang mabigat na barbell at buhat ang kaisipang siya’y nanalo.

Ang hagdang inakyat ng dalaga ay nagbunga sa kaniya ng panibagong kasanayan sa larangan ng weightlifting. At siyang nagdulot ng pagkapanalo ng gintong medalya sa isang kompetisyong kaniyang sinalihan. Ang hagdang inakyat naman ni Hidilyn ang siyang naging proseso kung bakit hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang tagumpay niya bilang isang weightlifter. Walang pinagkaiba ang naging karanasan ng dalawang determinadong atleta. Ito ay dahil sa hagdang parehas nilang tinahak – puno ng pagsubok na kanilang nalagpasan. Sa mga pangyayaring iyon, napagtanto ng dalaga na kahit mabigat ang kaniyang binubuhat, ay hinding-hindi niya ito bibitawan dahil ito ang naging dahilan kung bakit siya ay nakatapak sa entablado habang sinasabit sa kaniya ang gintong medalya.

“Ganito rin siguro ang naramdaman at naranasan ni Hidilyn Diaz,” isip ng dalaga habang iniisip pa rin ang kaniyang mga pinagdaanan bago mahawakan ang tagumpay. Ang kanilang mga karanasan ay siyang nakapagpatibay ng kanilang loob at naging bunga ng pag-akyat nila sa hagdan. Paakyat ng entablado at hagdan paakyat tungo sa tagumpay.

Noong nalalapit na ang laban, nakangiti man ay may halong kaba para sa sarili. Kinakabahan dahil hindi maiwasang maisip ang mga mangyayari sa mismong laban at pagkatapos nito.

Sa mga laban namin sa unang araw, hindi ko na magawang magpakita sa mga litrato dahil sa takot at hiya. Takot sa posibilidad na kami ay matalo at ako ang dahilan. Hiya para sa mga taong sumuporta sa amin pero madidismaya lang sa huli.

Pag-iwas sa ilaw ng kanilang mga kamera ay aking nagawa. Pagdududa sa aking abilidad at kagalingan

sa larangan na ito ay aking hinayaan na pumasok sa aking isipan. Sa bawat block ng kalaban tuwing ako ay magsasagawa ng straight, unti-unting nawawala ang ilaw ng pag-asa sa akin. Ikinulong ang aking sarili sa kadiliman. Ang ilang linggo na sakripisyo at paghahanda para sa larangang ito. Kinailangan kong maging malakas. Ang walang hanggang suporta nila sa akin ay binigyan ako ng kaginhawaan, hindi na kagipitan. Minahal ko ang larangang ito, patuloy ko pa ring minamahal dahil sa sayang pinararamdam nito sa akin Buong puso kong ginawa ang aking makakaya sa laro. Nagbunga rin dahil kami ang itinanghal na kampeon. Pinagmamasdan ko ang mga estudyanteng nagsasaya sa pagkapanalo namin. Sumisigaw, pumapalakpak, tumatalon, at winawagayway ang mga bandila, lobo, at maliliit na watawat. Pagkatapos ng laro, muli kaming kinuhaan ng mga litrato. Pagod man ay pinakita pa rin ang aking pinakamagandang ngiti, dahil gusto ko pa ring magbigay ng istorya ang mga iyon. Sandali lang sa ating buhay ang pangyayaring ito, ngunit sa mga litrato at isipan, mananatili ito.

Ngayong sinisilid ko na ang mga maliliit na kwadradong litrato mula sa aking kabataan, napagtanto ko ang kahalagahan ng mga litrato sa pagsisilid ng alaala at pagtago ng emosyon sa mga panahong kinuha ito. Itatago ko man ang mga litrato, isa pa rin ako sa nakakaalala ng mga panahong pinatagal sa sandali.

MC, inalis ang huling sagabal sa WVB tungo sa Regional PRISAA

ni:

Pinakawalan ni Yvon Reyes ang mga nakakalulang spike na lumikha ng 13 puntos, pinangasiwaan naman ni Chabelita Ranido ang kaniyang koponan at nakabuo ng 6 na puntos. Nagsimula ang unang set at nakuha ni Reyes ang unang puntos ng laban para sa Mabini, subalit ang parehong pangkat ay nagkaroon ng salitan sa kung sino ang mangunguna, hanggang sa ito’y tinuldukan ni Ashly Del Mundo mula sa kaniyang atake na nagbigay ng tatlong puntong lamang para sa Mabini, na nagresulta sa iskor na 8-5.

Nasobrahan ang lakas ng mga palo ni Reyes na nagdulot sa kalamangan at pagbawi ng Lourdes, kinuha ni Jannah Mae Rañada ang pagkakataon na ito upang hayaan ang Lourdes na makapagtamo ng dalawang puntos na lamang ngunit nakabawi rin si Reyes nang siya ay nagpalaya ng tumatagos na spike, pinantay ng atakeng ito ang magkalabang koponan sa iskor na 12-12.

Pinakitaan ni Del Mundo ng diskarte ang Lourdes, habang ang mga puntos ay magkalapit sa isa’t isa, nautakan ni Del Mundo ang kahandaan sa depensa ng kaniyang kalaban na koponan sa pamamagitan lamang ng halos magaan na pagtapik sa bola, inaasahan ng Lourdes na ang isang malakas na spike ang gagawin ni Del Mundo, mula rito naging dalawang puntos na ang lamang ng Mabini, 21-19 Nanatili ang lamang ng Mabini matapos ang service error mula kay Manigbas ngunit mabilis naman itong nasundan ng service error galing kay Rañada, at nagresulta sa iskor na 22-20.

Tumanghal ng isang service ace si Del Mundo na siya ring nabawi ng kaniyang sariling service error, sa kabilang dako nito, sinelyohan ni Kristine Lomerio ang panalo ng Mabini sa unang set, natapos

ang laro na may iskor na 25-21.

Ipinagpatuloy ni Rañada ang laban para sa kaniyang grupo nang maisagawa niya ang kaniyang service ace na sinimulan ang ikalawang set, hindi alintana kung paano siya nagsikap, nanatili ang pangingibabaw ng mga mala-bombang spike ni Reyes na nagbigay daan sa Mabini upang makuha muli ang lamang para sa ikalawang set, 2-1.

Nagpakawala naman ng mabisang spike si Ranido bilang atakeng hindi nadepensahan ni Nierva, gayunpaman nahayaan ni Ranido na halos makaabot ang Lourdes dahil ang kaniyang atake ay kinontra ng net, matapos sumabit ng bola rito na nagdulot ng score na 5-4.

Lumalagablab pa rin ang lakas ni Reyes nang mapatunayan niya ito sa pagsagawa ng tatlong sunodsunod na service aces, pinatigil niya rito ang Lourdes na magkaroon lamang ng 4 na puntos habang mayroon pa silang 10 puntos na hahabulin sa Mabini, 14-4.

Nabigong ma-receive ni Palmero ang atake ni Rañada, ngunit ang service ace na sinundan ng matagumpay na spike ni Ranido, na sinamahan pa ng error ng Lourdes ay nagresulta sa pananatili sa 3 puntos ng kalabang koponan ng Mabini habang may 10 puntos pa itong lamang, 18-8. Napuspos ang Lourdes sa lakas na pinakita ni Yvon Reyes, dahil dito nagkaroon ng maraming pagkakamali ang kalabang pangkat ng Mabini, tulad na lamang ng miscommunication sa kung sino ang tatanggap sa bola mula sa receive ni Nierva, nakamit ng Mabini ang championship point matapos makapagtamo ng puntos si Manigbas para sa set point, natapos ang laro na may 10 puntong lamang ang Mabini, 25-15.

ni: Gian Carlo S. Napa GUHIT NI: Angela Mae A. Badinas
Walang
ni: Klara Mae A. Cardinal
GUHIT NI: Andrea Nicole B. Burac
MATINDING HATAW. Isang malakas na palo ang ibinigay na serve ni Roycelyn Grace San Juan ng HS Department Red Phoenix laban sa koponan ng CCJE women’s volleyball sa kuwadranggulo ng Mabini Colleges noong ika-29 ng Setyembre taong 2022. LARAWAN KUHA NI: Sidney Sheldan M. Denum
Christopher Jesus B. Tabanao mula sa pahina 20
ni: Kyla Sophia V. Lagrisola

APOLAKI

Hadlang sa Puwesto sa FIFA World Cup

ni: Chris-J D. Ramos

mula sa pahina 20

Buhos na Suporta at Galing

thePhilippines,football wasn’texactly[popular] asasport,” saidInna Palacios,agoalkeeperfor thePhilippine Malditas.“Onlya fewwereplayingitbackthen.Youwouldn’tevenseematches ontelevision,sowealwayshadtowakeupandstream[thegames].”

Batid ng nakararami, hindi gaanong nabibigyang pansin ang football sa bansang Pilipinas dahil ito ay natatabunan ng basketball. At dahil dito, mas napauunlad ang larangan ng basketball sa Pilipinas.

Ngunit paano kung ito ay babaliktarin, paano kung football ang mabibigyan ng opurtunidad na lumago. Inyong isipin na kung ito ay bibigyan ng tamang suporta, mas magiging madalas ang pagpasok ng Pilipinas bilang FIFA World Cup qualifier.

Kung magkakaroon ng sapat na pasilidad ang Pilipinas para sa football, mas marami ang mawiwiling maglaro nito. Tulad na lamang ng pagkakaroon ng maraming basketball courts sa ating bansa. Maraming kabataan ang nasasanay sa basketball dahil bukas ang mga pasilidad na ito upang masubukan nila ang laro. Paano na lamang kung mayroon ding nakatalagang mga football fields sa iba’t ibang baranggay o bayan. Sa paraang ito magkakaroon ng pagkakataon ang maraming Pilipino na mahubog sa larong football.

Makikita rin na kulang sa inspirasyon ang mga Pilipino sa larangan ng football. Kumpara sa basketball, maraming manlalaro nito ang naipapakita ang kanilang galing sa mga Pilipino. Isang halimbawa na lamang nito ay si Jordan Clarkson na isang FilipinoAmerican na manlalaro sa NBA. Dahil sa kanilang mga natamo may mga manlalarong nagnanais na maging katulad nila. Dahil dito, natatabunan at hindi masyadong nakikita ang mga manlalaro ng football sa ating bansa. Subalit kung mabibigyang pansin ang mga pinoy na manlalaro sa football tulad ng pagbibigay pansin sa mga manlalaro sa basketball, maraming kabataan at ibang mamamayan ang mabubuksan ang isipan tungkol sa football. Kakulangan sa kaunlaran ng organisasyon ay isa rin sa mga dahilan kung bakit hindi umuusbong

ng Pilipinas

ang football sa Pilipinas. Kung paghahambingin ang basketball at football, ang ating bansa ay mayroong PBA o Philippine Basketball Association na nangangasiwa sa basketball. At PFL o Philippine Football League naman ang nakatutok sa football. Ang PBA ay mas naunang maitaguyod noong 1975, kaya naman ito ay mas maunlad at mahusay nang napondohan, kumpara sa PFL na itinaguyod nitong 2017 lamang. Kaya naman hindi naagapan ang pagunlad sa larangan ng football sa ating bansa.

Hindi makapasok ang Pilipinas dahil nakatuon ito sa basketball. Ito ay dahil mas madali at mas accessible sa ating mga Pilipino. Subalit nagtataglay ng malaking potensiyal ang mga Pinoy sa football. Kung magagamit ng mga Pilipino ang kanilang pagiging maliksi sa football, at hindi lamang sa basketball. Ang galing ng kabataan at ng iba pang pinoy sa football ay mas mabilis na mapauunlad. At ang Pilipinas sa mga susunod na mga taon ay makapagqualify na sa FIFA World Cup.

Kung magiging kasinlakas ng kultura sa basketball ang kultura ng football, dadami ang kabataang pipiling maglaro ng football. Bilang resulta nito, mas mabibigyang pansin ang football sa ating bansa. Kapag nagkataong dumami rin ang mga maglalaro ng football sa Pilipinas, magkakaroon na ng sapat na mga manlalaro ang bansa upang lumaban sa iba’t ibang kompetisyon. Ito ay para makilala ang bansa at mas umangat pa sa larangan ng football. At sa pagbibigay rin ng akmang pasilidad, tulong at suporta, ang tanging tututukan na lamang ng mga manlalaro ay ang pag-eensayo at pagpapaunlad ng kanilang galing sa football. Ang lahat ng ito ay makakatulong sa pagpasok ng Pilipinas sa FIFA World Cup.

DUMANGAN

Gaano Ka-sports ang Esports?

Marami sa atin ang nakapaglaro na ng video games, maging offline naman ito o online. Sa kasalukuyan, ang video games ay may iba’t ibang uri. Ang mga halimbawa na lang nito ay ang Racing, Puzzle, Adventure, First-person shooter, Battle Royale at ang pinakatampok na Multiplayer online battle arena, na mas kilala bilang MOBA. Bukod sa mga nabanggit marami pang ibang uri ng video games, kaya naman marami ring tao ang nawiwili rito. Ngunit may ibang tao na hindi ito nakikita bilang libangan lamang. Waring sa kanila ito ay maaaring pagkakitaan at maaaring sa iba naman ito ay isa pang mas malaking kompetisyon. At ang kompetisyon na ito kung saan naglalaban-laban ang mga may mataas na kasanayan sa ilang laro, ay tinatawag na esports.

Ilan sa mga katangian na ipinapakita sa isports ay naipapakita rin ng mga manlalaro sa larangan ng esports. Ngunit kontrobersiya pa rin kung maituturing nga ba na isport ang esports, may mga nagsasabing oo at meron namang hindi. May mga aspeto sa esports na pasok sa isports, kaya naman may mga sumasang-ayon na ito ay maituturing bilang isport

Ang esports ay nagsimulang maging sikat sa Estados Unidos noong 1980s pa lamang. Ito ay dahil sa Space Invaders Championship na dinaluhan ng higit sa 10,000 na manlalaro. At ang mga ito ay naglaban-laban upang makuha ang panalo sa isang bersyon ng larong Asteroids. Noong Ika-10 ng Oktubre 1980 ay nanalo sa kompetisyong ito si William Salvador Heineman, dahil dito siya ay tinaguriang first winner of a national video game competition. Kahalintulad nito sa isports ay ang pagkakaroon ng maraming mga manlalaro at pagkakaroon ng kampyonato.

Naipapakita sa isports ang pagtatapat ng mga manlalaro na may matataas kasanayan sa laro na kanilang kinabibilangan. Ang mga larong ito ay maaring tagisan lamang mula sa dalawang manlalaro hanggang sa dalawang pangkat o higit pa. Mula sa pagpapangkat-pangkat na ito, nagkakaroon ng eliminasyon sa mga magtatapat na pangkat sa mga susunod pang lebel ng kompetisyon. Ang mga pangyayaring ito sa isports ay nasasaksihan rin sa

esports, kung saan nagkakaroon ng eliminasyon hanggang sa umabot ito sa finals. Upang makatungtong dito ang mga manlalaro ay sumasabak pa rin sa malawakang pag-eensayo, kahit na sila ay mayroon ng mataas na kasanayan sa kanilang laro. Makikita rin ito sa mga esport teams sa pamamagitan ng kanilang pag-iistream online. Naipapamalas sa parehong isports at esports ang pagkakaisa ng mga manlalaro rito. Isa pa sa pinakamahalagang parte sa isport gayundin sa esports ay ang maitanghal ng mga manlalaro ang kanilang dedikasyon. Sa pagpapamalas ng ganitong mga bagay, masasabi na ang esports ay isa na ring ganap na isport. Ngunit mas naipapakita sa ibang isport ang kakayahan ng buong katawan na haharap sa larong kinabibilangan nito. Kung saan ang karamihan ng isport ay kinakailangan na mahubog ng manlalaro ang kanilang pisikal na kakayahan. May pagkakapareho rin naman na kinakailangan sa isports at esports ang malakas na kapasidad sa pag-iisip o paghuhubog ng manlalaro sa kanilang kakayahang mental. Halimbawa na lamang nito ay ang larong chess kung saan diskarte ang labanan. Tulad na lamang sa esports na mas naipapamalas ang estratehiya ng mga manlalaro sa kung papaano nila maipapanalo ang kanilang paligsahan.

S a kabila ng pandemya, sinikap ng Dalubhasaang Mabini na buhayin muli ang larangan ng isports. Nagkaroon ng iba’t ibang paligsahan sa isports tulad ng Color Olympics at Intramurals nitong buwan ng Setyembre. Ngunit, pagdating sa mga manlalaro, hindi magiging madali para sa kanila kung wala silang matatanggap na buong suporta. Ang paglaro sa paligsahan ng mga isports ay magiging mahirap para sa mga atleta kung wala silang natatanggap na suporta sa bawat kanilang ginagawa, suporta mula sa awtoridad, suporta sa pagbibigay ng maayos na lugar na mapag-eensayuhan, at suportang pampinansyal. Ito ay dapat na pagtuunan ng pansin at mapunan para sa mga atleta. Ayon sa isang magulang ng manlalaro ng Table Tennis, marapat na may mailaan na pondo para sa kanilang anak na lalahok sa paligsahan. Aniya, dapat sagot na ng awtoridad ang tubig, pagkain, at kagamitan para sa mga manlalaro upang wala na silang ikababahala pagdating sa mga gastusin at matutukan na lamang ang paghahanda sa paglalaro ng isport. Marapat na isaalang-alang din ang pagbibigay hindi lamang sa suporta gayundin sa seguridad para sa mga manlalaro. Sa kabutihang palad, ang Dalubhasaang Mabini ay sinikap na maglaan ng sapat na pondo para sa mga atletang sasali sa paligsahan. Wala nang ikababahala ang mga atleta sapagkat pinunan ng Mabini ang mga pangunahing pangangailangan nila,

tulad ng pagkain, tubig, mga kagamitan sa bawat isports, at maging ang court na pag-eensayuhan ng mga manlalaro. Nakatanggap din sila ng mga hiyawan mula sa kaibigan, kaklase, at guro sa kanilang paglalaro, ito’y tanda lamang na ang lahat ng Mabinians ay bumuhos ang suporta para kanila. Kaya naman, taos-puso ang pasasalamat ng bawat manlalaro sa Dalubhasaang Mabini dahil ang pagbibigay sa kanila ng suporta ay isa sa mga patunay na binibigyang halaga ang bawat atletang Mabinian.

Kaya mahalaga sa mga atleta ang pagtanggap ng malaking suporta, maayos na pag-eensayo, at suportang pampinansyal. Ito ay magsisilbing daan upang wala na silang dapat na ikabahala pa at maging handa na lamang sa pagsabak sa paligsahan ng isports.

Sa pagtatapos, ang suporta na natatanggap mula sa iba ay mahalaga sapagkat ito ang maguudyok upang mas pagbutihin at ibigay ang lahat ng kakayahan sa mga ginagawa, sa kasalukuyan man at maging sa hinaharap. Dito ay napapagaan ang kanilang pakiramdam sapagkat alam nila na may mga taong nasa likod nila ang handang sumuporta sa anumang kilos at gawi kahit anong mangyari. Kaya naman, sa anumang tatahakin na paligsahan sa isports, kung may buhos na suporta para sa mga atleta ay makasisiguro na ang bawat sa kanila ay maibuhos din ang kanilang buong kakayahan, kahusayan, at determinasyon sa paglalaro.

ANAGULAY

Replay Bago Call

N akatanggap ng kauna-unahang yellow card ang team captain ng Creamline Cool Smashers na si Alyssa Valdez. Nagmula ito sa kaniyang pagprotesta sa call ng lineman at referee, kung saan ayon kay Alyssa ang bola ay napunta sa outside. Ito ay dahil sa off-the-block spike ni Jelena Cvijovic na import ng Chery Tiggo laban sa depensa ni Yeliz Basa at Pangs Panaga ng Creamline. Ang protestang ito ng team captain ay tinanggihan ng referee at naging dahilan sa pagbigay ng yellow card. Ang bad call na nangyari ay kakontra-kontra naman talaga. Nagkataon lamang na hindi gumagana ang nasabing challenge system. Kitang-kita rin na nagkaroon lamang ng maling tingin ang referee at lineman. Sa pagpataw ng yellow card, hindi dapat ito basta-basta. Lalo na kung naging kalmado at may respetong naibigay sa diskusyon sa pagitan ng manlalaro at referee. Tulad na lamang ng ipinakita ni Alyssa, kung saan maayos naman nitong ipinaglaban ang kanilang punto. Tungkulin din ng referee na isantabi ang nasabing protesta ng team captain at magkaroon ng pagdedesisyon sa pagtatapos ng laro. Bilang unang referee dapat nitong pahintulutan ang karapatan na ito ng team captain. Ito ay alinsunod sa Fédération Internationale

de Volleyball’s (FIVB) official volleyball rule.

Maililinaw ang sitwasyon kung sakaling gumagana ang challenge system noong ginaganap ang laro. Maipapakita sana nito kung outside at inside nga ba ang bola o hindi. Naiwasan din sana ang paglalabas ng yellow card. Tatlong calls lamang ng referee ang naitala na may depekto. At kung isinantabi muna ang diskusyon at tiningnan ang mga kuhang video, mapipigilan ang pagbibigay ng hindi malinaw na call ng referee. Mahahadlangan din ang pagbabahagi ng yellow card kung ito ay naisagawa.

Kung gustong makita nang mas malinaw ang mga pangyayari sa laro, dapat magkakaroon ng paghahanda sa challenge system. Idagdag na rin ang paghahanap ng video kung saan makikita ang natamong fault sa laro. Ito ay upang mas mabigyang linaw ang pagbibigay ng warnings ng referee. Mailalahad din nito kung tama ba ang ginawang calls nito.

Ang hindi patas na pagbibigay ng call ng referee ay dapat lamang na kinekwestyon. At imbis na paglalahad lamang ng kaniya-kaniyang pahayag, mas makabubuti kung may maipapakitang basehan. Para maiwasan ang ano mang kahihiyan sa pagkakamali.

MAPULON
ni: Gerry B. Dela Rosa Jr
Karl Antoni A. Era
ni:
ni: Marc Terrence E. Adante GUHIT NI: BIEN LOUIS A. ASIS

Red Phoenix, napasakamay ang kampeonato sa Table Tennis

Men's Doubles

G amit ang mabibilis na sidespins at matinding kooperasyon nina

Codie Jimenez at Melcrist Alvarez ng

High School Department Red Phoenix nasungkit nila ang kampeonato laban

kila Marvin Cereno at Marc Daven

Reblando ng College of Criminal Justice

Education Maroon Knights sa kagilagilalas na sagupaan sa Table Tennis

Men’s Doubles sa 2022 MC Sportsfest na ginanap sa PE Lobby ng Mabini

Colleges Main Campus noong ika-1 ng Oktubre, alas dos y medya ng hapon.

Simula pa lamang ay nag-iinit na ang laban dahil sa dikit at mga tablang puntos ng parehas na koponan. Ngunit, tila hindi pumabor ang tadhana sa Red Phoenix sa unang set ng laro dahil bigo ang dalawang manlalaro na madepensahan ang matutulin na sidespins na pinakawalan ni Cereno na naging sanhi ng pagkalamang at pagkapanalo ng Maroon Knights, 11-9.

Kita man ang pagkadismaya sa mga mukha nila Jimenez at Alvarez, hindi sila nagpatinag sa pagkapanalo ng Maroon Knights sa unang set ng laro kaya naman sinigurado nilang magpakitang gilas upang mapasakamay ang mga susunod na set ng laban.

Naging dikit pa rin ang laban sa pangalawang set ng laro, masasalamin ang kagustuhan nina Jimenez at Alvarez na manalo sa mga mala-bulalakaw na tira at mala-pader na depensa na hindi naman nakuhang salungatin nina Cereno at Reblando, kaya natapos ang pangalawang set sa iskor na 11-9, pabor sa Red Phoenix.

Naging agresibo ang parehas na koponan sa ikatlong set sa pagpapalitan ng maopensang tirang spins at drives at madepensang tirang chops na naging dahilan upang hindi maglayo at maging tabla ang kanilang mga puntos, 10-10, subalit sa dulo ay patuloy na sumangayon ang ihip ng hangin sa Red Phoenix dahil hindi nasalo ng kabilang koponan ang pinakawalang magkasunod na forehandspins ni Jimenez, 12-10.

Simulang bahagi pa lamang ng ikaapat na set ay pinaulanan na ni Alvarez ng malulupit na sidespin at mahuhusay na serve ni Jimenez na bigo

MC, inalis ang huling sagabal sa WVB tungo sa Regional PRISAA

namang ibalik ng Maroon Knights kaya lumaki ang pagitan sa kanilang iskor, 10-3.

Ngunit, mistulang nawala sa kundisyon ang Red Phoenix dahil sa naging sunod-sunod nitong mga magkakamali at bunga nito ay nakaiskor pa ng apat na puntos ang Maroon Knights bago tuluyang makandado ng Red Phoenix ang pagkapanalo sa ikaapat na set, 11-7.

“Go High School!”, “Kaya n’yo ‘yan Red Phoenix!” Malakas na hiyawan at palakpakan ng madla ang nangibabaw sa MC PE Lobby bago magsimula ang ikalimang set ng laro.

Hindi naging maganda ang simula ng ikalimang set ng laro sa Maroon Knights dahil sa apat na sunodsunod na pagkakamali ang nagawa ni Cereno, 4-0.

Ipinamalas nina Alvarez at Jimenez ang kanilang galing sa pagpapakawala ng mga agresibong forehand sidespins na naging bunga ng patuloy na paglaki ng lamang nila sa Maroon Knights, 7-2.

Patuloy na naging maayos ang komunikasyon nina Jimenez at Alvarez upang maisagawa nila ang kanilang estratehiya na bigong makontra ng Maroon Knights, 10-3.

Sinelyadohan ni Jimenez ang pagkapanalo sa ikalimang laro na siya ring magdidikta ng kanilang pagiging kampeon, sa kaniyang pagtira ng mala-bulalakaw na forehand sidespin na sawing maibalik nina Cereno at Reblando, 11-3.

“Sa tingin ko po ang nakapagpanalo sa amin ay yung pagkakaroon ng tiwala sa isa’t isa. Natalo na po kami noon nang isang beses kaya nahulog kami sa bracket pero yung tiwala po namin andiyan pa rin kaya siguro umabot kami sa finals at nagchampion” saad ni Jimenez kung bakit nila naiuwi ang kampeonato.

“I am happy kasi ito na yung last year namin para mai-represent ang high school department, so being the champion again made me actually happy and satisfied” pahayag naman ni Alvarez sa kanilang pagkapanalo.

N akuha ng Mabini Colleges ang kanilang puwesto sa Regional PRISAA, matapos nilang lipunin ang Lady of Lourdes College Foundation sa kanilang championship game, 25-21, 25-15, habang isinasagawa ang Provincial PRISAA Meet Women’s Volleyball, na ginanap sa Thomas Mancenido Sports Complex sa bayan ng Talisay, nitong ika-2 ng Abril, taong 2023...

Tropeyong walang katumbas

ni: Klara Mae Cardinal

M anlalarong bihasa sa pagpalo ng bola. Lumihis sa kabilang banda ang malakas na tirada ng kalabang koponan at ito’y tumama sa labas ng parihabang guhit kung kaya’t napunta ang puntos sa Red Phoenix ng Sekondaryang Departamento...

Hadlang sa pwesto ng Pilipinas sa FIFA World Cup

ni: Chris-J D. Ramos

M araming taon na ang nakalipas na hindi nakakapasok ang Pipinas sa FIFA World Cup. Kamakailan lamang sa quarterfinal stage ng 2022 AFC Women’s Asian Cup, nagwagi ang hilippine Malditas laban sa national team ng Chinese Taipei. Ayon sa kanila, dahil dito matatawag na silang FIFA World Cup qualifiers. Ang kwalipikasyon na ito ay nabigyang pagkakataon ang Malditas na makapaglaro sa paparating na 2023 FIFA World Cup. Subalit ang Philippine men’s Football team ay hindi pa nakakapasok bilang qualifiers dito...

2022 MC SPORTS FEST

ni: Christopher Jesus B. Tabanao
LATHALAIN EDITORYAL IMPOGRAPIKO NI: Angelica Mae D. Manlangit ipagpatuloy sa pahina 18 ipagpatuloy sa pahina 19 ipagpatuloy sa pahina 18
ni: Gerry B. Dela Rosa Jr.

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook

Articles inside

Red Phoenix, napasakamay ang kampeonato sa Table Tennis Men's Doubles

3min
page 20

Gaano Ka-sports ang Esports?

3min
page 19

Replay Bago Call

2min
page 19

Buhos na Suporta at Galing

3min
page 19

Hadlang sa Puwesto ng Pilipinas sa FIFA World Cup

3min
page 19

MC, inalis ang huling sagabal sa WVB tungo sa Regional PRISAA

3min
page 18

Pinatagal ang Sandaling Panahon

3min
page 18

Tungo sa Tuktok

4min
page 18

Tropeyong Walang Katumbas

2min
page 18

Itinayo, Dancesports lang?

3min
page 18

BEEP! Ang sabi ng dyip

2min
page 17

TUNAY NA DARNA

4min
page 17

Pinya kayo diyan!

3min
page 17

MICHAEL BALIZA: INTERES, PANGARAP, GINTO

3min
page 16

Walang Sawang Pagwiwisik, May Benepisyo Ba?

4min
page 16

Tahanang Patuloy na Nasisira

3min
page 16

Igkas sa Bagong Batas

3min
pages 8, 14-15

Pagtangis ng Isipan Pakinggan

4min
page 15

Sierra Madre: Gulugod ng Luzon, Kalasag ng Kalikasan

3min
page 15

Saba, Saba Tayo!

3min
page 14

Pagluluwag sa mga dayuhan, inaprubahan ng Malacañang

2min
page 14

Kaso ng Cholera pumalo ng 282% kumpara noong nakaraang taon — Vergeire

2min
page 14

Parangal sa 2022 BRSC, iginawad

2min
page 14

Regalo: Noon, Ngayon, at Bukas

3min
page 13

May Magbabago ba sa Pagbabago?

3min
page 13

Selyadong Alaala

4min
page 13

Naglumot ang Lungtiang Bayan

4min
page 12

Paglayag Katuwang ang Sarili

3min
page 12

Hagod sa Mahubog mong Katawan

3min
page 12

Kadena ng Nakaraan, Kampana ng Kinabukasan

2min
page 12

KARA DAVID: Instrumento sa Tao

3min
page 11

Kumusta kaya ang bulsa ko?

3min
page 11

Siete Pares

3min
page 10

Karunungang Hindi Pipilay sa Kinabukasan

2min
page 10

Tinta sa Pahina

3min
page 10

Pudpod na Krayola

2min
page 9

Reyna ng Buhay

3min
page 9

Sinag- araw sa butas ng Karayom

3min
page 9

Sisid Pailalim, Pagmaneho ng Trak!

3min
page 9

Pagbabago ng Pangalan, Pagbabaluktot ng Kasaysayan

3min
page 8

Kapos Sa Sikmura

2min
page 8

Benepisyong Hatid ng Parusang Kamatayan

3min
page 8

Kalayaan Para sa Pananamit, Pagbigyan

3min
page 7

Pagbabalik ay Iurong, Pagbabago ang Isulong

3min
page 7

Balik Eskuwela: Handa Ka Na Ba?

3min
page 7

Gobyerno Laban sa Pandemya

3min
page 6

Balikatan: Para Saan?

3min
page 6

Pangamba sa Panibagong Hakbang

4min
page 6

1, 2, 3 Asignaturang Filipino

3min
page 5

Pag-aani ng Kaalaman, Komunikasyon ang Paraan

3min
page 5

Hamon sa Pamamahayag

3min
page 5

BBM, inimbitahan para sa kaniyang 3-day State visit sa China

2min
page 4

Groundbreaking Ceremony, isinagawa para sa pagtatayo ng bagong gusali sa MC

2min
page 4

Factor, wagi sa 2022 Vinzons' Day: Provincial Oratorical Competition

1min
page 4

Davao Occidental, niyanig ng lindol

1min
page 4

Nanakal na Chinese national, nagwala sa presinto matapos ireklamo

2min
page 4

Mabini Colleges, may 97.22% passing rate sa 2022 PNLE

1min
page 4

MCHS, wagi sa Children's Book Writing, Storytelling Competition

2min
page 3

Eleksyon ng Barangay, SK, suspendido

1min
page 3

MC, inuwi ang una, ikaapat na puwesto sa 2022 Rizal Oratorical Contest

1min
page 3

77th UN Day, 98th na taon ng MC, ipinagdiwang sa Unang Maharlika Festival

2min
page 3

MCHS, lumahok sa 7th RIJHS Biosciences Quizbee

1min
page 3

Resulta ng LET 2022, inanunsyo

1min
page 2

Patuloy na pagdami ng biktima ng human trafficking scheme, inimbestigahan ng senado

1min
page 2

Virtual Galing Expo 2022, ginanap

1min
page 2

"Bakunahang Bayan 2," inilunsad ng DOH

2min
page 2

Sobrang presyo sa mga laptop ng DepEd, PS-BDM, inanunsyo ng senado

2min
page 2

Sublime Torch, Ang Mabinian, nagdaos ng pantas-aral, pagsasanay

2min
page 2

MC, nagkamit ng mga puwesto sa kauna-unahang Perpetualite Student Research Competition

2min
page 1

Mabini Colleges, muling nagdaos ng full face-to-face classes matapos ang dalawang taon

2min
page 1
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.